Five

19 5 0
                                    

"MAUPO muna kayo."

Sinalubong kami ng matandang babae sa loob ng bahay nila Echo. Inilibot ko ang mata ko sa magandang bahay nila. Napaka-komportable. Ang homy. Parang gusto ko tumira sa bahay na ito.

May nakadisplay na mga pictures sa dingdinh at agaw pansin ang napakalaking family picture. Kaso mukhang mga ninuno nila Echo ang nasa picture. Black and white pa ang kulay ng litrato.

At may biglang sumulpot na napaka-cute na bata sa harap namin. Sobrang cute. Pero mas cute iyong may buhat sa bata.

"Hi baby."

Bati ko sa bata. Binati rin iyon nila Zia at mukhang naninibago ang super cute na baby nila kaya isiniksik nito ang mukha sa leeg ni Echo.

"Hi Kyle, tawag ka nila dali."

Bulong ni Echo sa bata kaso mukhang nahihiya talaga dahil niyakap pa nito si Echo ng napakahigpit.

Sobrang gumaan ang pakiramdam ko ng makita si Echo at si Kyle ng ganuon ang ayos. Pakiramdam ko magiging mabuting ama si Echo sa mga magiging anak namin.

Wait. What?! Did i say anak namin? No Mai. Not like that. Don't you dare!

Pinamulahan ako sa naisip ko kaya tumingin ako sa tiyahin ni Echo at ngumiti rito. Sinuklian naman ako nito ng isang malapad na ngiti.

"Tara na nga guys. Bumili na tayo ng mga kakailanganin namin sa party."

Ibinigay na ni Echo ang napaka-gwapong bata na si Kyle sa mama nito. Iniwan lang ni Echo ang gamit niya sa bahay nila at saka dumiretso sa isang shop.

"KUYA, tapos na po ba iyong ipinagawa naming batch shirts?"

Nilapitan ni Zia at Echo ang bantay ng shop.

"Ah kayo ba yung nag-order ng royal blue na batch shirt?"

"Ay opo. Pwede na po ba naming makuha?"

Chineck sandali ng bantay ang in-order nila Zia na batch shirt sa isang kwarto at ng bumalik ito ay sinabing balikan nalang daw mamaya-maya ang mga damit dahil hindi pa ang mga iyon natatapos.

Dahil may nadaanan kaming malapit na grocery ay bumili narin sila ng mga softdrinks at ilang kakailanganin para sa party ng section nila. Sila kasi ang naka-assign na bumili ng softdrinks.

Sa sobrang dami ng bitbit nila Echo nagkusa narin kami ni Nicko na tulungan ang dalawa sa pagbubuhat.

Nagpasalamat naman ang mga ito at dumiretso kami sa bahay nila Nicko para magpahinga.

"Pagabi na Hopper. Hindi ka pa ba uuwi?"

Tanong sa akin ni Echo.

"Umuwi ka na Mai. Kami na ang bahala dito. Salamat sa tulong."

Lumingon pa si Nicko kung saan naka-upo si Echo at Zia.

"Echo ayos lang ba na ihatid mo si Hopper sa sakayan?"

"Ah oo sige. Pagamit muna ako ng banyo Nicko."

Dumiretso naman ito sa banyo at hinila ako ni Nicko sa sulok ng bahay nila.

"So, ayan ha! Tinutulungan na kita."

Taas-nuo nitong pahayag sa akin. Ano bang sinasabi nito? Naguguluhan ako. Teka. Napatakip ako ng bibig ng mapagtanto ang ibig nitong sabihin.

"So alam mo?"

Luluwa na ang mata ko sa sobrang gulat dito. Ang akala ko magagalit siya pag nalaman niya. Kaya nga itinago ko. Atsaka paano niya nalaman.

"Wala kang maitatago sa akin Mai. Para saan pa at naging mag-bestfriend tayo."

Ipinaikot nito ang mga mata para tarayan ako.

"Hindi ka galit sa akin?"

Kinakabahang tanong ko rito. Hindi ako makapaniwala na alam na niya at hindi ako makapaniwala na parang ayos lang sa kaniya.

"Nagtatampo ako sa iyo dahil itinatago mo sa akin."

Napayuko ako sa sinabi niya. Nakokonsensya ako na itinago ko sa kaniya. Ang akala ko kasi talaga magagalit siya pero mukhang sa nakikita ko wala lang naman sa kaniya.

"Eh kasi."

Napakamot nalang talaga ako ng ulo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dagdagan mo pa ng hiya at kaba sa kaharap ko.

"Eh kasi akala mo magagalit ako? Hindi ako magagalit ano. Kilalang-kilala na kita."

Sinisermunan ba ako ng lalaking ito?

"Ayon na nga Nicko. Kilala mo ako kaya akala ko magagalit ka kapag nalaman mong may gusto ako sa kaibigan mo. Alam mo naman kung anong ugali ko sa lalaki hindi ba?"

Nagwo-worry lang naman ako sa kahahantungan ng pagkakaibigan namin pag nalaman niyang may gusto ako kay Echo.

"Ikaw na ang may sabi Mai, kilala kita. Kilalang-kilala na kita kaya dapat hindi ka na nagtago pa. Atsaka alam kong hinding-hindi matutulad si Echo sa mga lalaki mo."

Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Well, ano pa nga ba? Alam na naman niya at wala na akong maitatago pa.

Might as well career-in ko na ang pagkakagusto kay Echo.

Ngumiti ako sa kaniya at tinawanan siya. Pero ng nagseryoso ako napatitig siya sa akin at napakunot ang kaniyang nuo.

"Oh bakit? Ano nanamang problema?"

"Paano kung matulad siya sa mga lalaking nakakalandian ko lang? Magagalit ka ba? FO na ba tayo?"

Malapad na ngiti lang ang isinukli niya sa akin . Magsasalita pa sana ako ng makita naming lumabas si Echo sa cr nila Nicko.

"Ang tagal mo naman Echo."

Reklamo ni Zia. Nang pagmasdan ko si Echo ay mukhang naghilamos pa ito at nag-ayos ng mabuti kaya hindi na nakapagtataka na natagalan siya sa paggamit ng banyo.

"Tara na Mai."

Inaya na niya akong lumabas at nagpaalam na kami kanila Zia. Nginitian pa ako ni Nicko at kinindatan bago tuluyang makalabas sa kanilang tahanan.

"Hanggang sakayan lang kita maihahatid Hopper ha. Pagsakay mo ng jeep bumaba ka ng SM tapos siguro naman alam mo na ang pauwi sa inyo."

Tumawa pa ito ng mahina. Hindi ko masiyadong naintindihan ang sinabi niya dahil ninanamnam ko ang bawat tunog ng halakhak niya.

Sige. Pagbibigyan ko itong pagkaka-crush sa kaniya pero sorry not sorry 1 week is enough.

"Oy Hopper!"

Nagising naman ako sa pag-iisip ng iwagayway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Ayos ka lang ba? Kinakabahan ako sa kilos mo kanina pa. Hatid nalang kita hanggang SM. Para kasing may sakit ka."

Mukhang nag-aalala talaga siya sa itsura niyang iyan. Bigla nanaman tuloy naghurementado ang puso ko. Ano ba Echo!

"A-ano, huwag na Echo. May kaunting problema lang ako kaya nagkakaganito ako. Don't worry ayos lang talaga ako. Kaya ko na ang sarili ko."

Hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako sa sakayan ng jeep. Napasunod nalang ako dahil hindi ko alam ang ire-react ko. Nakatitig lang ako sa pulsuhan kong hawak niya ng mahigpit.

"Sige Mai, mag-iingat ka. Chat ka nalang kay Nicko pag nakauwi ka na. Mahirap makasakay dito kaya sumakay ka na. Ingat!"

Sobrang bilis ng pagsasalita niya kaya hindi na ako nakasingit pa at ng matapos siya sa pagsasalita umandar na ang jeep.

Palayo sa kaniya habang kumakaway siya.

Napahawak ako sa dibdib ko at wala ng nagawa ang utak ko kung hindi paalalahanan ang puso ko.

'My dear heart, stay with me please."

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon