Thirty

18 4 0
                                    

NAG-AYA si Zia na kumain sa labas para manlang daw magka-bonding kami na matagal-tagal narin ng huli nming nagawa.

Magka-ibang eskwelahan kasi ang pinasukan namin sa kolehiyo, at ngayon ngang pareho kaming may libreng oras hindi na kami nagdalwang-isip na magkita at kumain sa labas.

"Hindi mo manlang ba naisipang dalawin si Hopper sa ospital, Echo?"

Napalingon naman ako kay Zia at kunot-noong napatitig ako sa kaniya. Anong sinasabi nito?

"Anong sinasabi mo diyan?"

Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Bakit ko naman dadalawin si Hopper sa ospital? Hindi pa nga kami nakaka-graduate kaya imposibleng nagta-trabaho doon si Hopper.

It's been 3 years simula ng huli kong makita si Hopper. Ang sabi nito magbabakasyon lang siya sa Singapore pero hanggang ngayon wala parin akong balita sa kaniya.

Hindi na sila ang nakatira sa bahay nila sa Taguig. Nagpabalik balik narin kasi ako doon para alamin kung nakabalik na ba siya mula sa Singapore. Ang pinsan nalang niya ang naroroon.

Hindi narin ito active sa facebook at kahit ilang ulit ko itong pinadalhan ng message sa messenger ay hindi na ito sumasagot.

Nagsisisi tuloy ako na hindi ko nasabi sa kaniyang mahal ko siya. Hindi man lang naging kami.

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa bahay nila pero wala akong makuhang sagot sa kung nasaan na siya.

Hindi ko naman alam ang address nila sa Parañaque kahit ang mga malalapit nitong mga kaibigan ay wala ring nakakaalam.

Sa tuwing nami-miss ko siya hinahawakan ko nalang lang ang kwintas na suot-suot ko palagi. Pinipindot ko lang iyon at pag nararamdam ko ang pag-vibrate nito napapangiti nalang ako at inaalala ang taong mahal na mahal ko.

"Grade IV na ang brain cancer ni Hopper at baka ano mang oras ay pwede na itong mamatay."

May himig ng galit na pahayag nito sa akin. Pero ako ang mas nagalit ng marinig ko ang sinabi niya.

Hindi iyon magandang biro!

"Ano bang sinasabi mo diyan?!"

Galit na galit ako sa sinabi ni Zia. Sandali ko rin itinigil ang pagsuno sa pagkain ko.

"Hindi magandang biro iyan Zia ha!"

Sabi ko pa bago ko siya tuluyang talikuran. Napigilan naman ako ni Zia sa pag-alis ng hawakan niya ang isang braso ko para pigilan.

"H-Hindi mo parin alam?"

Sa pagkakataong iyon ay si Zia naman ang napakunot ng nuo. May-awa sa mukha nito at doon naman ako kumalma.

Seryoso ito at mukhang hindi naman nagbibiro.

"Noong graduation, hindi mo parin alam?"

Naiinis na ako sa paputol-putol nitong kuwento. Ano ba kasi ang hindi ko alam?

"Ano ba Zia? Pwede ba, sabihin mo na kung ano man iyang gusto mong sabihin?"

Agad naman itong nagsalita ng hindi na ako makapagtimping sigawan siya.

"Kasi Echo, noong graduation nakatanggap kami ng sulat kay Hopper."

Napayuko ito at napatingin sa paa niya ng ituloy niyang muli ang kuwento. Alam ko. Lahat naman kami nakatanggap ng sulat mula rito.

"Sinabi niya sa aming may brain tumor siya. Hindi siya naka-attend ng graduation dahil pumunta siyang Singapore para magpa-opera. Iyon lang ang alam ko. Si Nicko kasi ang nakakaalam ng buong istorya. Siya kasi ang laging dumadalaw kay Hopper sa ospital. Inaya niya nga kaming dumalaw ngayon."

Halos mabingi ako sa ikinuwentong iyon ni Zia. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"H-Hindi! Hindi iyan totoo Zia! Bawiin mo nga iyang sinabi mo. Hindi ka nakakatuwa. Hindi nakakatawa iyang biro mo!"

Naiinis naman itong tumitig sa akin at sinabing sinabi niya lang naman daw ang nalalaman niya sa akin.

"Mas maganda sigurong puntahan mo si Nicko at sa kaniya ka magtanong."

Tinuro pa nito ang pinto kung saan kami kumakain at sinabing ipa-kumpirma ko nalng daw kay Nicko ang lahat ng sinabi niya.

*
HINDI ko alam kung dapat ko bang puntahan si Nicko. Dahil alam kong hindi ko makakayanan kung malalaman kong totoo nga ang sinabi ni Zia sa akin.

Pero siya lang ang nakakaalam kung nasaan at kung anong totoong nangyari kay Hopper kaya tinawagan ko siya at nakipagkita rito.

Nang nasa harap ko na siya ay kusang kumilos ang katawan ko at kinausap si Nicko.

"Totoo ba Nicko?"

Walang kurap-kurap kong tanong sa kaniya. Kinunutan lang ako nito ng nuo na para bang hindi nito maintindihan ang sinasabi ko.

"Totoo bang m-may sa... Si Hopper?"

Hindi ko kayang sabihin iyon pero mukha namang naintindihan na ni Nicko ang gusto kong iparating sa kaniya. Para naman itong nabuhusan ng malamig na tubig at kasabay noon ay ang pagyuko nito.

"S-Sorry Echo!"

Ano? Anong s-sorry?

"Anong sorry?!"

Hindi ko na maiwasang mapasigaw. Litong-lito na ako! Ano bang meron? Mababaliw na ako sa kahuhula dito. So, totoo nga?

"May brain tumor si Hopper, apat na taon na."

Hindi ko maiwasang sigawan siya at hawakan ang kuwelyo ng damit niya sa sobrang pagkainis.

Ayaw ko maniwala pero bakit? Bakit hindi nila agad sinabi sa akin?

"K-Kasi iyon ang inutos sa amin ni Hopper. Nalaman ko lang din naman noong graduation, sa pinadala niyang sulat."

Nakita ko naman ang lungkot at awa sa mga mata ni Nicko. Unti-unti kong nabitawan ang pagkakahawak sa kuwelyo niya.

"Pasensiya na Echo pero hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito. Nasaktan din kami ng malaman namin iyon. Mas masakit sa akin na lagi ko siyang nakikitang nahihirapan dahil sa sakit niya."

Nakita ko ang pagtulo ng luha nito. Hindi ko na naintindihan ang iba pa nitong sinabi dahil hinawakan ko na ang kuwintas na niregalo sa akin ni Hopper.

Bakit? Bakit hindi niya sinabi? Pinaghintay niya ako sa wala at nagsinungaling pa siya sa akin?

Wala nalang ako nagawa kung hindi ang pindutin ang kwintas na bigay niya sa akin at hawakan ang dibdib ko habang nakapikit at iniintindicang lahat ng nalaman ko.

Sana hindi parin ito totoo. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko siya nakikita.

"Nasaan siya?"

Tanong ko kay Nicko. Inulit ko pa ang tanong ko ng hindi siya sumagot. Sinabi niya sa akin kung nasaang ospital si Hopper at agad-agad naman akong tumayo at pinuntahan ito.

Naramdaman ko namang naksunod sa akin si Nicko na hindi mapakali. Nagsisisi atang sinabi niya sa akin ang totoo.

'Mai, malapit na ako. Magkikita na tayong muli.'

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon