Minsan sa buhay natin dumarating ang panahon na pagsisisihan nating hindi tayo lumingin sa paligid at titigan ng mabuti ang mga taong nakapaligid sa atin. Pagsisihang hindi natin napansin na sa buhay pala natin maaring nasa iisang silid lang tayo kasama ang taong nakalaan para sa atin. Pagsisisihang pinigilan natin ang nararamdaman natin. Mapapaisip ka nalang minsan na, sana pala nasabi ko sa kaniya ng mas maaga baka siguro ngayon nag-iba ang takbo ng istorya. Sana hindi natin pinagsisisihan ang mga bagay na maaring mas ikasasaya natin. In this world full of regrets try to do something that will worth all the pain. Kahit masakit. Malay mo sa bandang huli talaga namang worth it ang lahat ng sakit.