Ten

16 4 0
                                    

Thanks sa support Gia Oraliza. Kahit hindi ako magaling magsulat pinagtitiyagaan mo parin basahin lahat ng ginagawa kong story. I love you and miss you so much.

*
MAYO na ngayon at halos hindi ako makapagsalita ng ma-trap ako ni Mark sa court dito sa amin.

Mayroon kasing liga at inaya ako ng mga kaibigan ko na manuod at mag boy hunting. Ito kasing si Gia pinilit-pilit pa akong manuod eh wala naman akong kaalam alam sa basketball,  ang alam ko lang mag-cheer.

Pero hindi na talaga ako magchi-cheer kung hindi naman para kay Echo.

Iyon nga lang hindi ko napansin na nadirito pala si Mark na isa sa mga nakalandian ko noon. In-ignore message ko na kasi siya noon sa kadahilanang nagsawa na akong kausap siya.

Ilang beses ko na nga itong tinataguan dahil pinipilit lang ako nitong magpaliwanag kung bakit bigla nalang ako hindi nagparamdam. Mukhang sineryoso iyong landian namin noon.

"Ano ba talagang naging problema Mai?"

Nagmamakaawa itong nakatitig sa akin habang hawak niya ang pulsuhan ko at halos masaktan na ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito.

Napansin naman siguro iyon ni Gia na kanina pa kami sinusundan at mukhang takot na takot.

"Ano ba Mark nasasaktan mo na si Mai."

Pilit na kinakalas ni Gia ang pagkakahawak sa akin ni Mark pero mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Kung may mali sa akin sana sinabi mo agad, hindi iyong malalaman ko nalang na may iba ka ng kalandian. Ang sabi mo sa akin gusto mo ako Mai. At higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman mo sa akin. Pero bakit bigla ka nalang hindi namansin at para bang hindi mo ako kakilala kung daan daanan mo lang ako."

Makikita mo sa mga mata nito ang galit at pagka-seryoso. Medyo natatakot narin ako pero kailangan kong harapin ito dahil alam kong ako naman talaga ang may kasalanan nito.

"I'm sorry Mark. Nagsinungaling ako."

Napayuko ako at mas naramdaman ko naman na mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko.

Namumutla na ang kamay ko at ramdam ko narin ang pamamanhid nito.

"Mark tama na! Ano ba! Nasasaktan mo na si Mai."

Sigaw naman ng sigaw si Gia dala narin siguro ng takot pero ako, nakayuko lang dito at pinipigilan ang maluha sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa pulsuhan ko.

Isa na ba ito sa karma ko? Bakit ganoon? Mararamdaman mo lang iyong karma kung kailan pinipili mo ng magbago at itama iyong mga pagkakamali mo?

"Huwag ka makialam dito Gia. Itong kaibigan mo ang dahilan kung bakit nag-aaway kami ng mga kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala na mas pinili kita kaysa sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam na ang isang tulad mo lang ang magiging dahilan ng pagtatalo-talo namin."

Naramdaman kong malakas niyang binitawan ang pulsuhan ko at akmang sasampalin na ako nito pero ilang segundo na akong nakapikit pero hindi parin dumadapo ang palad nito sa pisngi ko.

"Nakikiusap ako sa iyo Mai. Sa sususnod na lumandi ka huwag mong isa-isahin ang mga kaibigan ko. Nasira mo na kami nila Gerald huwag ka ng manira pa ng ibang relasyon."

Naramdaman ko na siyang tumalikod kaya binuksan ko na ang mga mata ko. Pero muli siyang lumingon sa akin at binigyan ako ng babala.

"Balang araw mararamdaman mo rin ang sakit ng maiwan ng mga kaibigan. At pag ikaw talaga nagmahal ng totoo at masaktan,"

Ngumisi lang ito sandali at ipinagpatuloy ang gusto nitong sabihin.

"Tatawanan nalang kita. Kaya siguro ganiyan ang trato sa iyo ng tatay mo dahil ang landi landi mo! Ang landi landi mo!"

Narinig ko nalang ang mahinang pagsinghap ng mga tao. Marami narin kasing napapatingin sa amin. Nagulat kaming lahat ng malakas na nasampal ni Gia si Mark.

"Wala kang alam Mark. Hindi malandi ang kaibigan ko!"

Wala namang nagawa si Mark kung hindi ang tumalikod sa amin at maglakad palayo.

"Are you okay Mai?"

Hindi ko napansing naluluha na pala ako. Tama siguro siya. Napakalandi ko. Kaya kahit anong gawin ko hindi ako magawang suportahan ng papa ko.

"Huwag ka maniwala sa mga pinagsasabi ng Mark na iyon. Alam mong hindi ka malandi diba? Sila ang unang lumalapit kaya sila ang nanglalandi."

Alam ko namang pampalubag-loob lang ang lahat ng sinasabi sa akin ni Gia kasi kaibigan ko siya simula pa ng pagkabata.

Noon kasi may nakalandian akong lalaki at ng mag-umpisa na itong mag demand hindi ko na ito pinansin. Nagulat nalang ako ng pag-uwi ko sa bahay galit na galit sa akin si papa dahil kung anu-anong kasinungalingan ang sinabi nito.

"Totoo naman lahat ng sinabi niya Gia. Napakalandi ko. Sobra-sobra ang kalandian ko."

Napabuntong hininga si Gia bago ako hilain palabas ng court.

"Ano ka ba! Hindi ba kaka-kuwento mo lang sa akin na mukhang seryoso ka na kay Echo? Sino bang malandi ang nagse-seryoso?"

Hinawakan nalang nito ang kamay ko at naglakad kami patungo sa bahay ng papa ko. Nandito kasi ako ngayon sa Parañaque at dito talaga nakatira ang papa ko.

Mas madalas kasi akong umuwi sa bahay namin sa Taguig, doon nakatira ang mama ko at kapatid ko. Kaya mas madalas ako doon.

Dito kasi sa Parañaque si Gia lang ang kaibigan ko. Kung hindi pa siguro ako natutong lumandi noon hindi ako makakalilala ng ibang taong taga rito.

Yes, I don't have a perfect family. But I always pray to God that I want to have one. That I deserve a happy and complete family.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko ng huminto si Gia sa harap ng bahay namin.

"Sige Mai chat chat nalang ha. See you!"

Tumakbo naman ito sa tapat ng bahay kung saan sila nakatira. Binuksan ko ang gate ng bahay at pumasok sa loob.

Umakyat ako ng kwarto at nagbihis para matulog. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.

Ganito pala kasakit ang magseryoso. Parang lahat ng sabihin ng mga taong nasaktan mo noon, masakit pakinggan dahil parang totoo.

Dati naman wala akong paki doon. Pero kanina ng sabihin ni Mark na kapag ako nasaktan ng taong seseryosohin ko tatawanan nila ako.

Paano kung saktan nga ako ni Echo?

Ngayong pang tanggap ko ng gusto ko talaga iyong tao.

Napapikit nalang ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip ko.

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon