Twenty

19 4 0
                                    

HALOS araw-araw kaming magkasama ni Echo. Marami na ngang nagtatanong kung kami na ba talaga. Ang dami ring nagco-comment pag nagpo-post kami ng pictures sa facebook.

Ngayon nga ay nasa debut kami ng kaibigan naming si Jane. Sa Las Piñas ginanap kaya nagpaalam ako kay mama na baka nga gabihin na ako, o baka makitulog nalang ako kanila Zia.

Ayaw pa nga akong payagan noong una pero napapayag din siya nila Jane.

"Ang pogi ni Fourth oh!"

Hindi ko mapigilang komento sa lalaking dumaan sa harap namin. Nakalandian ko na iyon noon kaso hindi rin naman nag-work dahil nga gustong-gusto ko talaga si Echo.

"Hoy Mai, mahiya ka nga. Parang wala si Echo kung makapag-salita ka diyan."

Sinuway naman ako ni Zia at napalingon ako kay Echo sa tabi ko ng mapagtanto kung anong nasabi at nagawa ko.

Hindi ko naman sinasadya eh! Naman oh! Napahawak ako sa sentido ko. Nararamdaman kong kahit papaano ay nagugustuhan narin ako ng lalaking iyan.

Baka sa isang salita kong iyon ay bigla nalang niya akong kalimutan. Mahirap iyon lalo na at wala naman akong pinanghahawakan sa relasyon namin.

Mahal ko si Echo, at sa tingin ko sapat na iyon kahit alam ko na hindi naman niya ako girlfriend, na wala talagang kami.

Siguro kailangan ko munang makuntento doon at gawin ang lahat para ma-enjoy ko kung ano mang meron kami. Dahil baka kapag naumpog si Echo at pumasok sa isip niya na iwan ako baka hindi kayanin ng puso ko.

Huminto pa ito sa pagtibok!

Hirap akong pigilin noon ang pagtibok nito pero hindi ko iyon pinagsisihan ngayon, dahil masarap magmahal. Masarap mahalin si Echo kahit nga na wala namang kasiguraduhang ganoon din ang nararamdaman niya sa akin.

"Sorry my Echo."

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at sinundot-sundot ko ang pisngi niya upang lambingin. Napa-tss lang ito at ibinaling ang atensiyon sa sumasayaw kay Jane.

"Oy! Selos!"

Hindi ko maiwasan ang sumaya sa kaalamang posible ngang nagse-selos ito.

"Ano ka ba, ikaw lang ang laman ng puso ko. Alam mo ba kung anong pinaka-masarap na naramdaman at naririnig ko sa parteng ito ng katawan ko?"

Itinuro ko pa ang parte ng dibdib ko kung saan naroroon ang puso ko.

Hindi ito umimik kaya niyakap ko siya ng mahigpit at binulangan.

"The Echo of my heart."

Bigla naman itong hindi gumalaw at napatingin sa akin. Nakapikit ako kaya hindi ko napansing sobrang lapit na ng mukha namin.

"You're the only one in my heart. My only Echo. The Echo of my heart."

Hindi ko alam kung bakit parang ang sarap at relax sa tuwing naiisip at sinasabi ko iyon. Medyo madilim na dahil pagabi na. Medyo inaantok narin ako kaya hindi ko alam kung guni-guni ko ba o totoong hinalikan ako ni Echo sa nuo.

Naidilat ko ang mata ko at narinig ko ang katagang nakapagpabago sa ritmo ng kalmado kong puso.

"Eh alam mo ba kung anong masasabi ng puso ko sa sinabi mong iyan?"

Mahina lang ang pagkakasabi noon ni Echo, sapat lang ang lakas para marinig ko ng klaro. Hindi ako nakasagot kaya itinuloy na nito ang pagsasalita.

"You are Mai heart. The Mai who owns my heart. If I'm the Echo of your heart. Sorry to tell you this but you are Mai heart."

Bigla akong nanigas at paulit-ulit na nare-replay sa utak ko ang mga salitang sinabi ni Echo.

Napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naririnig ba iyon ni Echo pero isa lang ang sigurado ko. Itong lalaking katabi ko, itong ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. Mahal na mahal ko ito.

*
"SALAMAT sa pagpunta. Salamat din sa regalo niyo. Mag-iingat kayo pauwi."

Hating-gabi na at nag-paalam na kami kay Jane na kailangan na namin umuwi. Halos lahat narin kasi ng bisita ay nagsi-uwian na.

"Tara!"

Naramdaman ko naman ng pagsakop ng palad ni Echo sa palad ko. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay na sweet sa akin si Echo. Napangiti nalang ako at napahawak sa dibdib ko.

Para kasing ano mang oras ay matatanggal ang puso ko sa dibdib ko. Ang lakas kasi ng tibok.

"Nako Mai, nag-text sa akin si mama. Dumating daw ang mga pinsan ko galing probinsiya kaya masikip ang bahay. Hindi ka na kayang asikasuhin sa bahay."

Mababakas mo naman sa itsura ni Zia ang pagkalungkot at paghingi ng tawad.

"Nako, ayos lang. Uuwi nalang siguro ako."

Delikado na, pero wala na akong magagawa pa kung hindi umuwi nalang talaga.

"Sa amin ka nalang. Gabi na at delikado ng bumiyahe ka pa."

Hindi ko naman alam ang isasagot ko kay Echo. Nakakahiya pero hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag.

"Hindi na Echo. Nakakahiya naman sa inyo."

Kahit naman makapal ang mukha ko, nahihiya parin ako. Lalo na sa harap mismo ng kamag-anak ni Echo.

"Pumayag ka na Hopper. Delikado narin naman kung ba-biyahe ka pa."

Pagsang-ayon naman ni Zia. Um-oo nalang ako at tuluyan na itong nagpaalam sa amin ni Echo. Humingi pa ulit ito ng pasensiya sa akin bago tuluyang umalis.

Nilakad lang namin ang bahay nila Echo dahil malapit lang naman iyon. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa pamilya ni Echo. Nakakahiya kaya. Natatakot din ako na baka hindi nila ako magustuhan.

Kahit naman nakita ko na ang tiyahin, ate at pamangkin ni Echo kinakabahan parin ako lalo na sa magulang niya.

Naramdaman ko nalang ang pagkalas ni Echo sa magkahawak-kamay naming palad ng nasa tapat na kami ng gate nila. Binuksan niya iyon at muli akong hinila papasok sa bahay nila.

Pina-upo niya muna ako at pumasok sa isang kwarto. Nang lumabas ito ay may kasama na itong medyo may katandaang babae. Ang mama niya.

"M-Magandang gabi po."

Malapad itong ngumiti sa akin at binati rin ako ng magandang gabi.

"Kumain na ba kayo?"

Tanong nito sa amin. Si Echo lang ang sumasagot sa mga sinasabi ng mama niya. Sa sobrang kaba ko kasi baka magkamali pa ako sa isasagot ko sa mama niya.

"Nandiyan ang cr."

Nagtanong ako kay Echo kung nasaan ang banyo para makapaghugas ako ng katawan dahil nakakahiyang tumabi sa isa sa kanila ng amoy usok.

"Sa kwarto ka nalang ng mga pamangkin ni Echo."

Iyan ang sinabi sa akin ng mama niya ng makalabas ako ng bahay nila. Inalalayan pa nga ako nito hanggang sa makapasok ako ng kwarto. Nagpasalamat ako dito at nag-goodnight na.

Nag-goodnight din ito sa akin at ngumiti pang muli.

Binigyan naman ako ni Echo ng kumot at nag-goodnight din. Nagulat pa nga ako ng maunahan niya akong yakapin siya.

Bigla lang itong tumalikod at pumasok na sa kwarto niya. Napangiti nalang ako at isinara na ang pinto. Nang mahiga ako sa kama halos mapunit na ang bibig ko sa kakangiti.

Inaalala ang mga nangyari ngayong araw.

'One of the best day ever!'

Saka ko ipinikit ang mga mata ko at hinayaan kong makatulog nalang ako sa kakaisip sa mga magagandang nangyari ngayong araw na ito.

*
Last update for today. Huhuhuhu😭 Namo-mroblema ako sa lovelife ng pinsan ko. Kaasar!

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon