Nineteen

14 4 0
                                    

"E-ECHO?"

Kahit papaano ay naibsan ang sakit ng ulo ko ng pag-angat ko ng ulo ko ay si Echo ang nakita ko.

"Sabi kasi sa akin ni Nicko para daw sa akin ito."

Sabi nito at inabot ang sandwich at inumpisahan kagatin at nguyain iyon.

Ngumiti ito sa akin at nagthank you.

"Masarap."

Sabi niya pa ng halos maubos na nga niya ang sandwich. Hindi ko naman alam kung papaano magre-react dahil hindi ko alam kung nasasarapan ba talaga siya o sinasabi niya lang iyon para pagaanin ang loob ko.

Napayuko nalang tuloy ako at pinigilan nanaman ang maiyak.

"Sinasabi mo lang iyan para pagaanin ang loob ko. Kung ayaw mo huwag mo ng pilitin kainin."

Tumayo nalang ako at iniwan ang lahat ng pagkain ko sa mesa at naglakad na palayo.

Mukhang gusto talaga niya si Rica kaysa sa akin.

"Hopper!"

Hindi ko naman napansin na hinabol pala ako ni Nicko.

"Ano ka ba!"

Pinigilan ako nito sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko at pagpapalingon sa akin sa direksiyon niya.

"Basta-basta ka nalang ba susuko?"

Doon ako napatingala at sinalubong ang tingin niya.

'Laban lang Mai, kaya pa iyan!"

*
NA-ELECT ulit ako bilang Presidente ng klase namin. Ewan ko ba sa mga kaklase kong iyon. Ayaw ko na sana mag-president pero binoto pa ako ulit.

"Ano na nga Nicko?"

Kanina ko pa kasi inutusan si Nicko kung anong meeting ang aattend-an ni Echo. Siya kasi ang na-elect na president ng klase nila.

"Sa SSG meeting daw siya aattend."

Irita naman nitong sagot sa akin. Nagkataon kasing dalawa ang meeting at sabay pa kaya ang nangyari iyong isang aatend ay vice.

Kaso gusto kong makasama si Echo kaya sinisigurado ko na ang pupuntahan kong meeting ay ang meeting na pupuntahan rin ni Echo.

"Okay! Thank you Fred."

Nagthumbs-up pa ako rito. Inirapan niya lang ako napakamot pa ito ng ulo.

"May kuto ka ba?"

Pang-aasar ko pa rito. Natawa lang ako samantalang siya ay parang mas lalo pang naurat sa mga sinabi ko.

"Ewan ko sa iyo Hopper. Umalis ka na. Humayo ka at simulan ng lumandi"

Iwinagayway pa nito ang kamay tanda ng pagpapa-alis niya sa akin. Niyakap ko nalang siya bago um-attend ng meeting.

Kanina kasi natarayan ko si Echo kaya babawi ako. May gusto kasi ako ibigay kay Echo. Lumabas pa talaga ako kanina para bilhan siya noon.

Bumaba na ako at pumunta sa SSG office. Hinintay ko si Echo at ng makapasok ito ay agad kong inalis ang bag na nakapatong sa upuan na katabi ko. Ni-reserve ko iyon para upuan niya.

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon