Eleven

13 4 0
                                    

"OY! Mukhang seryoso na talaga siya."

May himig pang-aasar sa tinig ni Tin ng sabihin niya iyon. Hinablot kasi niya ang phone ko at binuksan ang messenger ko.

Tinignan niya iyon isa-isa at ng makitang wala na akong kalandian kahit na isa ay nakiusyoso narin ang tatlo. Kaniya kaniya silang tingin sa phone ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang sobrang saya nila.

"Hindi namin akalain na ang isang Echo lang pala ang makakapagbago sa iyo, Hopper."

Sumang-ayon naman ang tatlo sa sinabing iyon ni Rio. Lahat kasi ng mga kalandian ko ay na-cleared ko na ang nicknames, binalik ko na sa blue at like ang emoji ng chatbox namin.

Nakapagdesisyon na kasi akong imbis na pigilan itong nararamdaman ko kay Echo ay tanggapin ko nalang.

Kapag lalo ko kasing itinatago mas lalong lumalalim eh. Atsaka ano naman ngayon kung magkagusto ako kay Echo?

May itsura naman ito, matangkad, matalino at iba pumorma. Sa katanuyan nga isa sa nagustuhan ko sa kaniya ay ang pagiging top niya sa klase nila. Nakakaproud lang na iyong lalaking gusto mo ay top one.

"So, simula na ba ito ng pagbabagong buhay mo?"

Dagdag pa ni Tin at mas lalo pa akong inasar ng apat.

"Akala ko ba one week is enough?"

Nangingiti namang pahayag ni Jam na siyang ikinatawa naming lahat.

"Ano ka ba Jam! In-extend kaya niya hanggang May."

Dagdag naman ni Nicko. Nagtinginan naman ang apat na siyang ikinatawa ko dahil halos lumuha ang mata nila sa gulat at tawanan.

"Sinabi sa akin ni Hopper na hanggang May niya lang daw magugustuhan si Echo eh kaso ang problema mag-june na may gusto parin siya kay Echo. Nako, magre-recognition na pero wala ka paring ginagawang moves."

Napailing-iling naman silang apat na para bang nang-aasar dahil hindi ako gumagawa ng paraan para magustuhan ni Echo.

Iba ang academic calendar ng school namin. August ang start ng klase at June naman ang tapos.

Magbi-birthday na nga ako pero gusto ko parin si Echo. Pag hindi pa iyan umamim sa akin na may gusto rin siya sa akin ako na ang gagawa ng moves para magkalapit kami sa isa't-isa.

"Hindi ba pwedeng unti-untiin lang natin? Para naman mas malalim iyong maging feelings niya sa akin."

Kaniya-kaniya na kaming tawanan pero sa loob loob ko. Hindi madali ang magustuhan agad-agad ng isang Echo Bees.

*
"ANONG order mo Mai?"

Tanong sa akin ni Nicko. Nag-aya sila Zia na kumain sa KFC kasama ang iba pa nilang kaibigan. Nahihiya nga akong sumama kaso kasama si Echo. Sino ba naman ako para tumanggi? Echo na iyon eh.

"Bakit dito ka kumain Hopper? Eh nasa kabila si James eh. Ayieee!"

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Echo. Narinig ko kasing akala ng buong seksiyon nila may gusto ako kay James, ang president nila.

Kinakausap ko lang naman iyon para pasimpleng makibalita kay Echo eh. Hindi ko naman akalain na iba an iisipin ni Echo.

"Hoy Echo, ano ka ba!"

Nakita ko namang kinurot ni Zia sa tagiliran si Echo. Medyo nag-iba kasi ang timpla ko at mukhang napansin iyon ni Zia.

Nakita ko kung paano ako asarin ng ngiti ni Echo. Hindi ko maiwasan mapamura sa isip ko.

'Bwiset itong lalaking ito! Kung asarin ako akala mo hindi nakakasakit iyong sinasabi niya! Akala mo hindi niya ako nasasaktan!'

Hindi niya alam na siya ang dahilan kung bakit ako nakikipag-close kay James. Ang sakit niya naman mang-asar.

Nakakapikon kapag inasar ka sa taong hindi mo naman gusto at ang masaklap pa iyong nang-aasar sa iyo ang iyong taong totoong gusto mo.

"Kahit ano nalang sa akin Nicko. Ikaw na ang bahala."

Ibinigay ko nalang kay Nicko ang pera at tumalikod na rito. Hahayaan ko nalang na ito ang mag-order. Sumama ang pakiramdam ko kaya dumiretso na ako sa upuan atsaka naupo.

Naramdaman ko nalang na inunat ni Nicko ang nakakunot kong nuo. Nang pagmasdan ko ito. Ngumiti ito sa akin at umupo sa tabi ko. Inilapag niya sa harap ko ang in-order niyang pagkain para sa akin.

"Huwag mo na isipin iyon, mahal ka noon."

Inirapan ko lang si Nicko sa sinabi niya. Nakakainis naman kasi eh. Buti sana kung ang ipang-asar nila sa akin ay siya eh kaso pinu-push niya ako sa iba. Sinong hindi maba-badtrip doon?

Nakakasakit na siya ng feeling ha. Naramdaman ko namang nagdatingan na ang iba at sa harap ko pa umupo si Echo.

Napansin niya sigurong wala ako sa mood kaya hindi nalang nila ako pinansin at hinayaan nalang kumain.

Paborito ko talaga ang patatas kaya ganoon nalang ang pagkakagulat ko ng may maglapag ng mash potato sa harap ko.

Hindi tumitingin sa akin si Echo pero alam kong siya ang naglapag noon. Naramdaman ko namang siniko ni Zia ang tagiliran ko. Nakaupo kasi ito sa kaliwa ko. Ngumiti ito ng malapad habang nakatingin sa pagkain nito.

"Masarap iyang mash potato ng KFC."

Sabi lang ni Echo habang hindi paring tumitingin sa akin. Iniabot ko nalang iyon at kinain.

"Oy si James iyon hindi ba?"

Narinig ko namang sabi ng kaklase nila Echo. Lahat kami ay naglingunan doon at nakita nga naming papalapit si James sa amin.

Halos pigil ko ang hiniga ko ng inilapit nito ang bibig sa tainga ko at bumulong.

"After mo diyan usap tayo. Hintayin kita sa labas."

Naiwan akong nakatulala kay Echo habang ang iba naman nilang kaklase ay nakatingin lang sa akin.

Iniisip siguro nilang confirmed ang usap-usapan na may 'something' sa amin ni James.

Hiyang-hiya naman ako kay Echo. Kani-kanina lang naiinis ako sa kaniya pero ngayon kinakabahan ako sa posibleng iniisip niya.

'Ikaw lang naman ang gusto ko Echo eh.'

Sana hindi nito isipin na totoong mayroong namamagitan sa amin ni James. Siya naman kasi talaga ang dahilan kung bakit kami napagkakamalan ni James.

Hinantay kong lumingon sa akin si Echo para matignan kung anong naging reaksiyon nito ngunit mauubos na ang kinakain namin hindi parin ito tumitingin sa akin.

Nang magsalita ito ay kinausap na nito sila Zia pero never na lumanding sa akin ang mata nito. Nagtatawanan na lahat-lahat pero hindi parin siya sa akin tumitingin.

'Oh my Echo! Ma-inlove kana kasi sa akin para wala ng problema.'

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon