Eighteen

27 3 0
                                    

Magkapangalan talaga ang kapatid ni Mai at ang isa sa mga kaibigan nito. Parehas silang Jam.

Wala lang share ko lang. Hihihihi!

Instant milk tea po iyong nasa picture.

*
MAAGA akong nagising para makapaghanda ng sandwich. Healthy ito kasi marami akong nilagay na gulay. At nakatitiyak akong masarap ito. Ilang araw ko rin itong pinag-aralan.

Kumuha ako ng isang clear na tupperware. Doon ko nilagay ang dalawang sandwich na ginawa ko.

Isinunod ko naman ilagay sa bag ko ang dalawang cup ng instant milk tea. Nilalagyan nalang iyon ng hot water at hahaluin mo para may instant milk tea kana.

Nagpaalam na ako kay mama ng walang lingon-lingon para mauna ng pumasok.

"Ma. Alis na po ako."

Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil nagmamadali na akong umalis para makapasok. Mahirap pa naman makasakay ng sasakyan patungong school namin lalo na pagrush hour.

Nang makaupo na ako sa jeep nagbilang ako sa isip ko kung magkano na ang naiipon ko. Two hundred kasi ang baon ko. Fifty doon ang bina-budget ko para sa pagkain dahil nagbabaon naman ako. Iyong another fifty pesos ay iniipon ko para kung sakaling mag-aya ng galaan may magagamit ako.

Iyong one hindred is tinatago ko talaga. Hiwalay naman ang baon ko sa pamasahe ko.

Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang driver na sumigaw.

"Pasay Pasay!"

Nang tumingin ako sa labas ay napagtanto kong kailangan ko na bumaba. Agad naman akong bumaba at ganadong-ganado na nilakad ang papuntang school.

Binati ko ang guard at saka umakyat at pumasok ako sa room namin para iwan ang mga gamit ko.

Muli akong lumabas para hintayin si Echo. Ilang minuto rin ang hinintay ko ng makita kong naglalakad ito sa corridor.

Agad akong tumakbo at niyakap siya. Naramdaman ko namang nagulat siya dahil huminto ito para tignan ako.

"Goodmorning, Echo of Mai Heart!"

Binitawan ko lang siya ng tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano ba naman kayo Hopper, ang PDA niyo."

Tinalikuran naman kami ni Zia at Nicko para bigyan kami ng privacy. Kahit ganiyan iyan sila suportado naman nila ako. Iyon ang sabi ni Nicko, Zia at Jane eh, na suportado nila ako kay Echo.

"Hopper ano ka ba, nakakahiya."

Iyon lang ang sinabi ni Echo at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niyang iyon at ikinawit ko pa ang braso ko sa mga braso niya.

"So, kumain ka na ba Echo?"

Tanong ko pa rito. Ngunit hindi pa siya nakakasagot ng tuluyan na kaming makapasok sa room nila at biglang naagaw ang atensiyon namin ni Echo ng may sumingit na babae sa gitna ng paglalambing ko kay Echo.

"E-echo."

May inabot naman si Rica na isang plastik kay Echo at ng mapansin ko ang laman noon ay agad nag-init ang ulo ko.

"Excuse me?"

Tinaasan ko ito ng kilay, pinipigilan ko lang ang masaktan ang babaeng ito pero naiinis na ako. Mas lalo pa akong nanggigil ng tanggapin ni Echo ang iniabot ni Rica sa kaniya.

"Salamat."

Tipid lang na ngumiti si Echo kay Rica. Kinurot ko naman ang braso niya habang nakasukbit parin ang braso ko sa braso niya. Tinarayan ko pa siya.

"Echo!"

Saway ko rito. Kasi naman eh, bakit niya tinanggap? Mas masarap kaya ang sandwich ko kaysa sa sandwich niyang Rica na iyan.

"E-Echo, ahm... about nga pala sa calculus. Sabi ni Sir turuan mo daw ako sa derivatives kasi hindi ko masiyadong maintindihan."

Para namang hindi ako pinapansin ng dalawa kung maglandian. Mas lalo ko pang itinaas ang kilay ko ng um-oo si Echo.

Naupo na si Echo sa upuan niya kaya sumunod na ako sa kaniya at tumabi pa.

"Bakit mo naman tinggap iyon Echo?"

May himig pagtatampo pa sa boses ko kaya naman naramdaman kong tinanggal niya ang pagkakasukbit ng braso ko sa braso niya.

Lalo akong ngumuso sa ginawa niya.

"Echo!"

Sigaw ko pa kaya naman nagtinginan sa amin ang mga eatudyante sa loob ng room nila.

"Hopper, pasasalamat lang niya iyon dahil tinuruan ko siya magdefferentiate sa basic cal."

Tumitig pa ito sa akin na para bang pinapangaralan pa ako.

"Eh kasi naman eh."

Lalo lang humaba ang nguso ko at pinadyak-padyak ko pa ang paa ako na parang isang batang nagmamaktol.

Paano naman ang sandwich ko?

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang bumalik sa room namin at doon nagmaktol. Tinawanan pa nga ako nila Nicko at Tin dahil sa pagmamaktol ko.

*
LUNCH break na at wala akong ganang kumain. Naiinis parin kasi ako sa Rica na iyon. Dagdagan mo pa ng pag-sabay ng pagsakit ng ulo ko.

"Hopper, kumain ka na nga lang. Nakakahawa iyang bad vibes mo eh!"

Sinaway ako ni Rio dahil hindi ko manlang ginalaw ang pagkain ko at tinitigan lang iyon na para bang mabubusog ako sa ginagawa kong iyon. Pati ang paborito kong milk tea nabaliwala dahil sa bwiset na sandwich ng Rica na iyon.

"Ano bang nangyari Mai?"

Tanong sa akin ni Nicko habang sarap na sarap ito sa pagkain.

"Iyong Rica kasi na iyon eh! Binigyan si Echo ng sandwich."

Mas lalong nag-iinit ang ulo ko pag nababanggit ko ang pangalan ng babaeng iyon.

"Ano namang problema doon?"

Tanong pa ni Jam na pinaikot pa ang mata sa akin.

"Paano ko naman ibibigay ang ginawa kong sandwich kay Echo kung kakakain lang nito ng isa pang sandwich. Ang redandant. Siguradong hindi niya na papansin ang sandwich ko."

Tumungo nalang ako sa mesa at doon ko binuhos lahat ng galit at inis ko.

"Ewan ko sa iyo Hopper. Lately paiba-iba ka ng mood. Hindi na kita maintindihan!"

Sabi pa ni Tin. Bigla naman ako namutla sa sinabing iyon ni Tin. Pinahid ko nalang ang mga luha sa mata ko.

Bigla naman tumayo si Nicko at nagmamadaling niligpit ang pinagkainan niya. Nagpaalam ito sandali dahil may pupuntahan lang daw sandali.

"Hintayin niyo ako rito sandali lang ako."

Mabilis itong naglakad at ng makaalis ito pinili ko nalang kainin ang pagkain ko kahit halos wala talaga akong gana.

Nagulat naman ako ng ilang minuto lang ng pag-alis ni Nicko ng makita kong may naglapag ng instant milk tea ko sa harap ko. Nakita ko pang umuusok ito.

Nang ini-angat ko ang tingin ko napasinghap ako sa nakita kong mukha. Sinisipsip na nito ang isa pang instant milk tea na dala ko.

"E-Echo?"

Echo Of Mai HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon