Papunta ako ngayon sa mall para magshopping ng kung ano lang ang magustuhan ko naglilibot-libot hanggang sa naisipan kong pumunta nalang sa bilihan ng shoes since mahilig naman ako sa sapatos, actually I have more than 30 pairs of shoes for collection since its for my personal collections I don't wear them not even once nagpagawa pa ako ng maliit na room just for my shoes. Anyway tumitingin tingin lang ako ng mga shoes na nandoon ng may biglang lumapit sa akin na sales lady.
Sales lady - ma'am may napili na po ba kayo? (tanong niya)
Ako - uhm wala pa eh tingin na muna ako (I smiled)
Sales lady - ok ma'am but if you need anything just ask me, by the way I'm cathy (oh kala niyo isa na sa kanila noh hehehe)
Ako - ok thanks
Sales lady - sige po (saka nagSmile)
Ang cute nang smile ah (sa isip ko lang) After 20mins may nagustuhan na ako uhm simple lang siya kulay puti since wala pa naman akong kulay puti na shoes gusto kung bumili para naman madagdagan ulit ang collections ko pero parang nagdadalawang isip pa ako kung bibilhin ko ba sya o hindi hawak-hawak ko pa rin yong sapatos habang tumitingin pa sa ibang mga sapatos na nakadisplay hindi ako makapagdecide kong bibilhin ko ba ito o hindi hanggang sa makaramdam ako ng gutom tinignan ko ang watch ko 11:45am na pala at hindi pa ako kumakain so i decided to eat na muna pero yon nga hindi ko pa rin mabitawan yong shoes hehehe i stayed there for 3mins more pero hindi ko na matiis yong gutom ko so umalis na ako ng store at hindi binili yong white shoes. Nagcrave naman ako ng pizza since malapit naman yong greenwich pizza dito don nalang ako kumain pagkapasok ko pumunta na ako sa counter para magorder. I ordered pizza and lasagna (bakit gutom ako hahaha) after 5mins tinawag na yong pangalan ko at ready na yong inorder ko, finally sabi ko ng pagkaDinig ng name ko tas kinuha ko na yong pagkain, pagkaupo ko kumuha naman ako ng isang slice ng pizza at sinubo ko agad dahil nga sa gutom na gutom na ako habang kumakain ako kinuha ko yong phone ko sa aking bulsa to check my facebook, twitter and instagram habang chinecheck ko ang account ko isa-isa hindi mawala sa isip ko yong sapatos ko kanina bilhin ko na kaya (tanong ko sa aking sarili pero sa isip lang huh) so nagdecide ako na balikan yong sapatos para bilhin binilisan ko na ang pagkain pero dahil sa nagmamadali ako hindi ko na siya inubos. I went back to the store para bilhin na yong sapatos at nakita ko na nakadisplay parin doon kung saan ko siya nakita kanina akmang kukunin ko na siya ng may biglang humablot at inunahan ako dito.hmmpf
Ako - WHAT THE!! Hey that's mine
Siya - (She just smirks on me) but I got it first (she said)
Ako - but I saw that first (frowning)Siya - well its in my hands now (she smirks again)
Ako - give me that shoes (medyo napataas ang boses ko)
Tumingin naman samin ang iba pang namimili sa store na to, this girl is getting into my nerves (naiinis na ako sa kanya) nang may bigla namang lumapit sa aming isang sales lady, si cathy.
Cathy - ma'am may problema po ba?
Ako - she took my shoes
Siya - did you already pay for this? (She asked)
Ako - not yet
Siya - ok how come your saying that its yours then?
Cathy - ok ma'am kuha nalang po ako ng mga size niyo? Ano po bang size niyo
Ako/Siya - size 9 please
Tumungin naman si cathy sa aming dalawa aba't magkapareha pa talaga kami ng size ng taong to huh. Nakatingin lang ako sa kanya ng masama pero wala siyang pake at kinuha niya yong cellphone niya sa kanyang bulsa sakto namang pagdating ni cathy.
Cathy - ma'am pano po yan isang size nalang po ang available sa shoes na to, sorry po.
Ako - that's ok I'll take it
Siya - NOO! I'll take that (at kinuha niya yong shoes na hawak nong saleslady)
Ako - are you out of your mind miss? I said give me that shoes.
Siya - I'm not gonna give this to you, I got this first and even if I'll pay this shoes twice the price so be it but I won't give this beautiful shoes to you. GOT IT!!
Ako - (pigilan niyo ko masasapak ko na tong babaeng 'to) Wow rich kid huh! I don't care if you'll pay twice the price just give me that fucking shoes.(sabay hablot sa sapatos)
Since mahigpit ang pagkakahawak niya sa sapatos hindi ko yon tuluyang nakuha sa kanya. So hawak na naming dalawa yong sapatos walang gustong bumitaw samin.
Cathy - ma'am baka po masira yang sapatos
Ako - hey miss let it go
Siya - no, you let it go
Cathy - itong mga to sapatos lang pinagaawayan pa (pabulong niyang sabi sakto lang para marinig naming dalawa)
Ako/Siya - excuse me?(sabay naming sabi)
Sales lady - uhm wala po ma'am sabi ko kung sino po ba ang bibili niyang sapatos
Ako - ako
Siya - ako
Ako - no ako (habang ginuguyod yong sapatos sa kanya)
Siya - no ako (at ginuguyod din niya ito)
Ako - sabi nang ako ang bibili eh (sabay naman ng mas nilakasan ko pang pagguyod sa sapatos na siya namang ikinasira neto)
Nagulat kaming dalawa sa nangyari dahil lang sa ayaw naming ipaubaya ang sapatos sa isa't isa ay nasira namin ito😅😅😅
Sales lady - oh no ma'am sino po magbabayad niyang sapatos na nasira? Tanong ni cathy samin
Siya - since ikaw ang nakasira niyan ikaw magbayad (sabay alis sa store)
Ako - huh? Hoy miss
Hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan, san kaya pumunta yon ang bilis naman niyang nawala hindi ko alam nakasunod pala sakin yong sales lady na si cathy.
Cathy - ma'am sino pong magbabayad nito? Tanong ni cathy sa akin
Ako - sige ako na magbabayd niyan (sabi ko kay cathy at iniabot ko naman yong card ko sa kanya ) sorry huh kung gumawa pa kami ng ingay dito, yong babaeng yon kasi nakakainis (sabi ko)
Cathy - ok lang po ma'am...pero ma'am ang tapang nung babaeng yon huh,kaya lang parang sira ang ulo,hehehe
Ako - sinabi mo pa alam mo bang ngayon lang ako nakaEncounter ng ganong tao sa tana ng buhay ko!
Cathy - hehehe, ito po yong card niyo ma'am. Sorry po ulit ma'am dahil nagbayad kayo ng wala naman kayong nakuhang sapatos.
Ako - no its okay...wag ko lang talagang makikita ulit yong babaeng yon..hmmpf
Cathy - relax lang ma'am baka mapano kayo diyan
Ako - sige alis na ako
Umalis na ako ng mall at nagdecide na akong umuwi dahil nawalan ako ng gana dahil sa nangyari saamin nong (bwesit) na babaeng yon. Pumunta na ako sa parking lot para hanapin yong sasakyan ko at ilang sandali pa ay nahanap ko na ito sumakay na ako at iniStart ko na ang makina ilang minuto lang at nakarating narin ako sa aking condo buti na lang at hindi masyadong traffic ngayon. Pagkadating ko ng condo agad kong tinungo ang kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. para mabawasan ang init ng aking ulo saka ako umakyat sa aking kwarto at nahiga. Binuksan ko naman ang tv para manuod gusto ko ng nakakatawa para marelax naman ako pumili ako sa mga nakarecord at pinili ko yong BLENDED para panuorin one of my favorite kasi nakakatawa talaga siya para sakin huh...Hindi ko namalayan ang oras at 10pm na pala nagugutom ako pero tinatamad akong kumain so nagshower nalang ako at pagkatapos ay natulog na din.
Guys sorry huh first time ko lang gumawa ng kwento kaya pagpasensiyahan niyo na sana magustuhan niyo at sana rin matapos ko hanggang sa huli..oo nga pala kathang isip ko lamang po ito huh kung pangit para sa inyo ok lang para sakin kwento ko naman to eh wag kayong ano..hehehe joke
Uunahan ko na kayo huh yong main character natin dito masyado sila maPride so tignan nalang natin kung sino ang unang magpapaubaya..✌️✌️✌️
BINABASA MO ANG
Everything I do, I do it for you
FanfictionDalawang taong pareho ang personalidad ngunit magkaiba ang mga problemang hinaharap sa kani-kanilang buhay. Ang isa ay nagagawa niya ang kahit na anong gustuhin niya dahil sabi nga niya sa kanyang sarili (buhay ko to ako dapat ang magpatakbo o magd...