JEMA's POV
Gumising ako ng maaga para magluto ng aming makakain ewan ko ba nakaka-sanayan ko ng magluto sa umaga dati naman kahit hindi ako mag-almusal okay lang sakin pero ngayon parang hindi pwedeng hindi ako, kami pwedeng hindi kumain ng agahan.
Magluluto lang ako ng hotdog and egg dahil wala ng bacon bibili nalang siguro kami mamaya. Pagkatapos kong magluto dinala ko na ito sa kwarto niya, breakfast in bed para sweet, pambawi lang dahil sa mga sinabi ko sa kanya kahapon kumuha narin ako ng gamot para sa hangover niya dahil sigurado akong sasakit ang ulo niya pag nagising.
Pagpasok ko ng kanyang kwarto tulog parin siya kaya nilapag ko na muna sa side table yong mga pagkaing niluto ko, pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha halata mo sa mukha niya na malungkot siya, dahil ba sakin?(ay shit masyado akong assuming dun) umupo ako sa tabi niya para haplosin ang kanya mukha ng bigla naman siyang gumalaw kaya agad akong napatayo, kinusot-kusot niya ang kanya mata tsaka siya dumilat nagulat pa siya nong nakita niya akong nakatayo sa harapan niya.- B..Babe, Jema a..anong ginagawa mo dito? bakit andito kapa?(tanong niya sakin)
- bakit ayaw mo naba ako dito? gusto mo naba akong umalis?(tanong ko rin sa kanya)
- hi...hindi naman sa ganun, akala ko lang kasi ini...
- akala mo iiwan kita?(pagputol ko sa kanya, napayuko naman siya sa sinabi ko)
- bakit gusto mo bang umalis na ako dito?(tanong ko ulit sa kanya)
- hindi(mabilis niyang sagot)
- (napa-ngiti naman ako sa pagsagot niya, ang bilis ah) oh yun naman pala eh ba't parang gulat na gulat kang nandito ako?
- hi...hindi kana galit?(nauutal niyang tanong sakin)
- bago ko yan sagutin maligo kana muna ang baho mo na eh, amoy alak(at nag-gesture pa ako ng nababahuan talaga hehehe, nagpout naman siya)
- (ang cute niya diyan parang bata) wag kang magpa-cute diyan Miss Deanna Wong, sige na maligo kana bago pa lumamig yong niluto ko
DEANNA's POV
Pumasok na ako ng shower room para maligo after 20mins natapos narin ako paglabas ko nandito parin siya sa kwarto ko, hinihintay ako? hindi naba siya galit sakin? nakita naman niya akong lumabas na ng cr kaya inalok niya akong kumain.
- ohh tapos kana pala, halika na kumain kana para makainom kana ng gamot para sa hangover mo
- binigyan ko lang siya ng "nagtataka" look
- wag ka ng magtaka diyan, halika na kamain kana(alok ulit niya sakin)
- so......hindi kana galit? pinapatawad mo na ako?(nahihiyang tanong ko sa kanya)
- mananatili ba ako dito kung galit pa ako sayo
Pagkarinig ko non bigla naman akong tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya dahil guys pinapatawad na niya ako, okay na kami, THANK YOU LORD pinatawad na niya ako.
- yes!! thanks Babe ay Jema pala, thanks Jema hehehe sorry(nakayakap parin ako sa kanya)
- parang....mas magandang pakinggan yong........Babe
- (umalis na ako ng pagkakayakap sa kanya at hinarap siya) are you serious? payag ka nang tawagin kitang Babe? okay lang sayo?(sunod-sunod kong sabi sa kanya)
BINABASA MO ANG
Everything I do, I do it for you
FanfictionDalawang taong pareho ang personalidad ngunit magkaiba ang mga problemang hinaharap sa kani-kanilang buhay. Ang isa ay nagagawa niya ang kahit na anong gustuhin niya dahil sabi nga niya sa kanyang sarili (buhay ko to ako dapat ang magpatakbo o magd...