JEMA's POV
Gumising ako ng maaga para magluto sana ng aming agahan at para din maaga kaming makaalis ni Lacey pabalik ng manila pagbaba ko ng kusina nakita ko si mama na nagluluto na kaya nilapitan ko ito para tumulong.
- good morning Ma
- ohh anak andiyan kana pala ang aga mo namang nagising
- magluluto po sana ako ng almusal natin eh kaya lang nagluluto na pala kayo, tulungan ko na po kayo diyan
- ah ganun ba, wag na anak malapit na din naman akong matapos dito, kung gusto mo ayusin mo nalang yang hapag-kainan natin para paggising nila eh nakahanda na at kakain nalang tayo
- sige ho Ma
So inayos ko na nga yong lamesa naglagay narin ako ng mga plato at gumawa narin ako ng coffee naming dalawa ni mama, tinitignan ko lang siya habang nagluluto ng fried rice kasi yon nalang daw ang lulutuin niya since nakalapag naman na sa lamesa yong egg, hotdog and ham kaya pinagmasdan ko nalang siya pero hindi parin maiwaglit sa isipan ko yong sinabi sakin ni Deanna about sa negosyo nila papa.
- Ma kumusta naman kayo dito?(tanong ko kay mama)
- okay lang naman kami dito anak, ikaw kumusta kana ba? yong balak mong gawin nagawa mo naba?(sunod-sunod na tanong ni mama sakin)
- okay lang po ako Ma saka yong balak ko nextym nalang po yun kasi nagamit ko po yong pera pambayad sa ospital eh
- pasensya kana anak hah kung hindi kami nakatulong magbayad para sa ospital kasi alam mo naman kung bakit
- okay lang po yun Ma, pero Ma ano po ba talagang problema niyo sa negosyo at bakit ayaw niyong ipaalam sakin
- anak wag kang mag-alala kaya naming ayusin ng papa mo to, anak gisingin mo na kaya sila para makapag-agahan na tayo(pag-iiba niya)
- sige ho Ma, akyat na po muna ako para gisingin sila
Kamakaen lang kami at nagkukwentuhan ng kung ano-ano ayoko na rin isipin yong problema ng mga magulang ko tungkol sa negosyo nila baka nga wala lang talaga yon saka lagi naman sinasabi ni mama na kaya naman nilang ayusin kung anuman ang problema nila kaya hahayaan ko nalang silang harapin yon mag-isa.
Natapos ang masayang agahan namin at nagdecide kami ni Lacey na magStay na muna kahit ilang sandali pa bago kami bumalik ng Manila, pumunta kami sa tree house para magpahangin dahil sila mama at papa ay may aasikasuhin daw as usual at si cyriel naman ang naghuhugas ng mga pinggang ginamit namin.- ang sarap ng hangin sa probinsya noh fren(sambit ni Lacey)
- oo nga eh, nakakamis tumira dito walang polusyon, malayo sa ingay ng mga sasakyan sa syudad at higit sa lahat walang traffic(sabay naming sabi kaya tumawa nalang kami)
- fren salamat nga pala hah dahil sinamahan mo ako dito- ano kaba wala yon, kaw paba
- thanks fren
- ay meron pala, may utang kapa palang kwento sakin tungkol sa inyo ni Deanna, ano bang nangyari? paano naging kayo?
- yan tayo eh hindi talaga mapigilan ang pagka-chismosa eh noh!
- fren ano nga paano naging kayo?
BINABASA MO ANG
Everything I do, I do it for you
FanfictionDalawang taong pareho ang personalidad ngunit magkaiba ang mga problemang hinaharap sa kani-kanilang buhay. Ang isa ay nagagawa niya ang kahit na anong gustuhin niya dahil sabi nga niya sa kanyang sarili (buhay ko to ako dapat ang magpatakbo o magd...