DEANNA's POV
Hinatak ko siya papuntang sasakyan hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun, ang alam ko lang kailangan ko ng isang tao para may maiharap ako sa mommy ko para tumigil na siya sa kahibangan niya, dahil hindi ako papayag na maikasal sa taong hindi ko naman mahal, wala akong ibang maisip wala akong ibang alam na paraan para matakasan ang kalokohan ng nanay ko, kaya siya, siya ang gagamitin ko para matapos na ang ilusyon ng mommy kong magpakasal kay Nathan.
JEMA's POV
Hindi ko alam kung bakit ako sumakay sa sasakyan niya, hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanya walang gustong magsalita saming dalawa hindi ko alam kung anong itatanong o sasabihin ko. Ang alam ko lang ay dadalhin niya ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan(aaahhhhh bakit ba nangyayari sakin 'to) hanggang inihinto na niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng ma...malaking bahay na to wag mong sabihing sa kanila 'to ma...masyadong malaki sino ba tong taong ito, bumaba na siya at pinagbuksan naman niya ako ng pinto.
- halika na, bumaba kana
- ha...hah di...dito?(sabay turo sa bahay)
Hinawakan naman niya ang aking kamay at sabay na kaming pumasok sa bahay ay hindi sa palasyo na 'to,, at tinawag naman niya ang isang kasambahay nila ata dito
- manang! manang!!
- sandali lang, andyan na
- manang si mommy?
- ohh Deanna kaw pala yan, bakit ka nandito? saka lasing kaba?(sunod-sunod na tanong ng kasambahay ata nila)
- hindi naman po nay nakainom lang po ng konti, asan po si mommy?
- natutulog na ata anak saka sino yang kasama mo?(tanong ulit niya)
- nay pwede po bang pakitawag niyo si mommy
- okay sige anak maiwan ko na muna kayo diyan
- salamat po nay
Nakatingin lang ako sa kanya na para bang nagtatanong kung bakit ako nandito, kung bakit ano bang nangyayari at bakit niya ako kinaladkad sa pamamahay na 'to habang siya nakatitig lang sakin at hawak parin niya ang kamay ko
- ano bang nangyayari? bakit mo ako dinala dito?(mahinang tanong ko sa kanya)
- just hold my hand and don't let go(tugon naman niya)
Hindi ko maintindihan ang kanyang ibig sabihin sa mga sinabi niya nang biglang may humintong isang babae sa harapan namin, siguro mommy niya na 'to
- ohh sweetie bakit ka naparito saka sino yang kasama mo?(tanong ng babae)
- mom I'd like you to meet Jema, Jema Galanza
- hi Jema(sabay abot ng kamay niya)
- my girlfriend, no my fiancee
- what? are you kidding me? fiancee?(gulat na sabi ng mommy niya)
- you heard me right mom and I'm willing to marry her coz I love her
Ano bang pinagsasasabi ng taong ito ako girlfriend, fiancee niya? (kinilig ka naman,,, ohh shut up author) paano nangyari yun hindi naman sa choosy ako no pero hindi ko siya kilala. Nakatingin lang ako sa kanya bibitawan ko na sana siya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko na para bang sinasabi ng kanyang mga mata na PLEASE DON'T LET GO
BINABASA MO ANG
Everything I do, I do it for you
FanfictionDalawang taong pareho ang personalidad ngunit magkaiba ang mga problemang hinaharap sa kani-kanilang buhay. Ang isa ay nagagawa niya ang kahit na anong gustuhin niya dahil sabi nga niya sa kanyang sarili (buhay ko to ako dapat ang magpatakbo o magd...