XXVII

4.1K 121 10
                                    

DEANNA's POV

               Pagkatapos maaksidente si Daddy sa araw na yon ay tuluyan na nga siyang hindi nakaRecover at hanggang ngayon ay nakaComa parin siya. Dalawang buwan na ang nakalipas at heto parin kami papalit-palit kung sino ang magbabantay sa kanya.

               Pero si Mommy araw-araw siyang nandon nagbabantay, hindi na nga siya umuuwi eh, nag-aalala na ako sa kanya baka siya naman ang magkasakit. Hindi na siya naka-kakain ng tama, hindi na siya nakaka-pagpahinga ng mabuti baka kung mapano na siya pag nagpatuloy pa siya sa kanyang ginagawa.

               I hate this feeling, wala akong magawa para sa pamilya ko kundi ang umiyak at magmukmok nalang sa tabi dahil ano naman ang magagawa ko diba? Wala!! wala akong kayang gawin para mapagaling ang Daddy ko, wala akong kayang sabihin para pagaanin ang loob ng Mommy ko. Bakit kailangan samin mangyari ang mga 'to? Napapabayaan narin ang kompanya dahil wala namang nagaasikaso neto, anong gagawin ko? Paano ko matutulungan ang pamilya ko? Ano ang gagawin ko para sa paggising ni Daddy ay maabutan niyang nasa magandang state na ang aming kompanya. Napag-alaman kasi namin na dahil umalis si Daddy sa opisina na galit at parang wala sa sarili ay dahil maraming investors ang nagPull out ng kanilang investment. Dahil daw sa isang nangyari na hindi nila agad naiDeliver on time yong mga product, napagAlaman ng mga ibang investors yon kaya isa-isa silang nagPull out.


Pumunta ako sa kompanya para alamin kung ano na ang lagay ng aming kompanya, kung ano ba ang dapat kung gawin para maayos ko kung ano ba talaga ang problema. Nong nalaman ko kung ano ang naging problema ay agad kung pinatawag sa secretary ni Daddy na si Nicole si Tito Peter (kapatid ni Daddy...siya kasi ang kanang kamay ni Dad dito sa kompanya) kailangan ko kasi siyang makausap. Kailangan kong matutunan ang lahat ng pasikot-sikot sa kompanya dahil wala akong aasahan kundi ang sarili ko na lamang. Ayoko namang mawala nalang basta-basta ang mga pinaghirapan nila Lolo at Lola, lalo na si Daddy dahil dugo't pawis na niya ang kanyang inilaan sa kompanyang ito para lang mapalago ang aming kompanya.

**Pagdating ni Tito Peter ay agad kong tinanong kong paano magpatakbo ng kompanya..parang nagulat pa nga siya sa sinabi ko eh**

          - ohh Deanns pinatawag mo raw ako? anong kailangan mo?

- Tito kailangan niyo po akong turuan kung paano po ang gagawin ko para maayos ulit ang takbo ng kompanya natin (agad kong sabi sa kanya)

          - huh? (bakas sa mukha niya ang naguguluhan)

- Tito Peter kailangan kong ayusin kung anuman ang gusot dito, kailangan ko ulit ibangon ang kompanya natin...hindi ko maasahan si Mommy dahil lagi nalang siyang nasa ospital umiiyak dahil sa nangyari kay Daddy (hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha)

**Nilapitan ako ni Tito para patahanin at para pakalmahin**

         
          - its okay Deanns, ituturo ko sayo lahat ng nalalaman ko...ibabangon mo ulit ang kompanya ng pamilya natin, pangako yan (saad ni Tito Peter habang hinahagod ang aking likod)

- salamat Tito

               1month...Oo 1month na akong puyat at walang masyadong tulog dahil sa kakaAral sa mga documents na binigay sakin ni Tito Peter, kailangan ko raw 'tong pag-aralan para malaman ko kung paano ang pasikot-sikot sa kompanya. Inilibot niya narin ako sa iba't ibang branches namin at masasabi kong ang laki at ang lawak pala talaga ng aming negosyo hindi ko akalain na kinaya lahat ni Daddy ang pagpapatakbo ng kompanya ng mag-isa lang siya. And by the way Clothing Line pala ang business namin, well actually marami pang iba lahat ata ng kailangang materials para sa isang damit ay kami ang nagsuSupply sa iba't-ibang lugar kaya masasabi kong malaki talaga ang kompanya namin.

Everything I do, I do it for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon