XIV

4.5K 105 12
                                    

DEANNA's POV

               Nagising ako dahil narinig kong tumutunog ang alarm clock ko, nong tinignan ko naman ito...ohhh shoot magsi-7:15 na kanina pa siguro 'to tumutunog 7:00am ako nag-set ng alarm eh buti nalang pala at nag-alarm ako bago ako matulog kagabi kung hindi siguro hanggang ngayon tulog parin ako, agad akong nagtungo sa shower room para maligo dinalian ko nalang ang pagligo kaya agad din akong natapos, pagkatapos kong magbihis ay tinungo ko agad ang aking sasakyan at sumakay dito pinaharurot ko ito and tinext narin siya na papunta na ako kaya lang wala akong natanggap na reply galing sa kanya kaya mas binilisan ko pa ang pagda-drive at nagpapasalamat ako dahil nakiayon sakin ang daan dahil walang traffic kaya ilang minuto lang ang lumipas at nakarating narin ako sa tapat ng kanyang apartment.
               Pagkapark ko ng sasakyan ay agad ko siyang tinawagan pero walang sumasagot,nakailang ulit na ako ng tawag sa kanya pero wala parin naiinis na ako kaya bumaba nalang ako ng aking sasakyan para katukin siya at agad naman niya itong binuksan.

          - ohh dito kana pala(bungad niyang tanong sakin)

- I've been trying to call you pero di ka sumasagot (inis kong sabi sa kanya)

          - ohh sorry iniwan ko kasi sa kwarto yong cellphone ko eh chinacharge ko, kumain kana?

- are you ready?

          - hi...hindi pa eh

- ang ayoko sa lahat ay ang pinaghihintay ako(naiinis kong sabi sa kanya)

               Bukod kasi sa ayaw kong dine-deny ako lalo na kung alam ko kung ano ako para sa taong yon, ayoko rin ng pinaghihintay ako ng matagal at higit sa lahat ng ayoko ay ang pinagsisinungalingan ako lalo na kung yong huling-huli ko na siya tas idedeny mo pa sa harap ko? I really hate that coz honesty is the most important for me at pag yon nabasag mo don't expect na magtitiwala pa ulit ako sayo.

          - bakit ba nakakunot yang noo mo ang aga-aga(tanong niya sakin)

- ang tagal mo kasi baka ma-traffic tayo(inis kong sagot sa kanya)

          - sorry nagluto pa kasi ako ng agahan eh baka sakali kasing hindi kapa nagbe-breakfast kaya nagluto ako, kumain kana ba?

               Nawala naman bigla ang pagka-kunot ng noo ko dahil sa sinabi niya

- hindi pa(mahinahon kong sagot sa kanya)

          - kumain muna tayo?(alok niya sakin)saka maaga pa naman eh

- tumango nalang ako bilang sagot

               Tahimik lang kaming dalawang kumakain dahil nahihiya ako sa inasta ko sa kanya kanina pero hindi ko mapigilang magsalita, kasi ako yong tipo ng tao na kapag kasalanan ko, kasalanan ko at magso-sorry ako sayo

- sorry!(mahina kong sabi sa kanya)

          - hah?

- sabi ko sorry! sorry kasi nasungitan kita

          - ahh yun ba, wala yun diba nga sabi mo dapat gawin ko ang duty ng isang fiancee, kaya nagluto ako ng breakfast para may makain tayo ng sabay, pwede naman yon diba? duty naman yun ng pagiging fiancee ko sayo right?(tuloy-tuloy niyang sabi)

- (napangiti naman ako sa mga sinabi niya) pwede na

               Ilang minuto lang ang lumipas at natapos narin kaming kumain at nagpasya na umalis at magpunta sa place ng magulang niya para nga ayusin ang problema nila, habang nagda-drive ako ay gusto ko siyang tanungin para naman makilala ko siya ng mabuti at para narin hindi maging boring 'tong pagbyahe namin.

Everything I do, I do it for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon