XXXI

4.3K 151 60
                                    

JEMA's POV

Simula nong araw na nag-away kami ay gabi-gabi nalang siyang tumatambay sa labas ng bahay. Lagi din siyang nag-iiwan ng breakfast para sakin its either galing sa Mcdo or Ihop kaya kahit gustuhin ko mang magluto ng agahan para sa sarili ko ay hindi ko nalang ginagawa dahil masasayang lang ito. Bukod sa breakfast na iniiwan niya wala ring palya ang pagdala niya ng bulaklak (sunflower to be specific) lalo tuloy akong nakuKonsensya. Alam ko na lagi siyang pagod sa trabaho pati narin sa pagbisita sa Daddy niya...lagi niya kasing pinapaalam lahat ng ginagawa niya sa araw-araw thru text pero kahit ni isa wala man lang akong nireplyan, at alam ko rin na aalis lang siya sa tapat ng apartment ko kapag pinatay ko na ang ilaw dito sa kwarto ko.

Gustong-gusto ko na siyang kausapin at sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko kaya lang mas nananaig ang takot dito sa aking puso, kasi tuwing maiisipan kong sabihin na sa kanya na mahal ko siya lagi ko nalang naiisip yong agreement namin...lalo na yong sinabi niya na "you can't fall in love with me coz if you do, I'll take everything that you have even your parent's business"...ngayon masisisi niyo ba ako kung gusto ko siyang layuan para mawala na 'tong lintik na nararamdaman ko para sa kanya? Kung ako lang ang magsaSuffer okay lang eh, pero kung pati ang pamilya ko madadamay ibang usapan na yun.

          - bes nasa labas na naman ang sasakyan ni Deanna (silip niya sa bintana) kausapin muna kaya, kawawa naman siya oh, tiyak ako hindi pa yan kumakain ng dinner

**Nandito kami ngayon sa apartment ko kasama si Lacey dahil mula nong nalaman niya ang tungkol dun sa agreement ay lagi nalang siyang pumupunta dito**

**Kasabay ng pagbunyag ko sa sikretong iniingatan namin ni Deanna ay ang kabang hindi ko mapigilan sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa gabing iyon**

FLASHBACK

          - mahal mo siya diba? bakit hindi pwede?

- dahil hindi pwede

- bakit nga? (bulyaw niya) mahal mo siya, mahal ka niya bakit hindi pwe...

- Coz This Whole RELATIONSHIP is Just A Freaking Agreement (sigaw ko)

- kasundulan lang lahat ng ito (nanghihina kong sabi sa kanya habang lumuluha)

**Hindi naman agad siya nakapag-salita dahil narin siguro sa gulat...at ako naman ay patuloy lang ang pag-agos ng aking luha)

          - w...wa...wait! d..did I heard it right? Anong agreement? Kasunduan? Paano? (sunod-sunod niyang tanong)

**Bago pa ako makasagot sa kanya ay may nagsalita sa aming likuran at para akong binuhusan ng malamig na tubig nong makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun**

     - anong sabi mo? kasunduan?

- K...Kristel k...kanina kapa diyan? (sabay pahid ng aking luha)

     - sagutin mo ang tanong ko? (bulyaw niya sakin) bakit?

- kumalka ka muna pwede?

- kumalma? Paano? Bakit mo ginawa yun? Bakit may kasunduan? Ba...

- (I her cut her off) dahil kailangan ko ng tulong niya

- (napatawa naman siya ng sarkastiko) tulong? At anong klasing tulong aber? Nandito kami ohh, kung kailangan mo ng tulong? handa naman akong tulu...

- (again! I cut her off) may 1.7million kaba para tulungan ako? May 1.7million kaba sa araw na yun para mabayaran ang utang ng pamilya ko?

- (huminga ako ng malalim) hindi ko ginustong gawin yun, pero anong magagawa ko? Kung hindi ako humingi ng tulong sa kanya mawawala ang negosyo nila Papa at alam mong hindi ko hahayaang mangyari yun

Everything I do, I do it for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon