XXIV

4.3K 124 4
                                    

DEANNA's POV

               Una akong nagising dito sa katabi ko...ang ganda niya talaga...ang sarap lang isipin na gigising ka sa umaga na ang una mong makikita ay ang mukha ng taong mahal mo, na bago ka matulog siya ang katabi mo, na bago matapos ang araw siya ang kasama mo...sana balang araw masabi ko sa kanya na totoo ang nararamdaman ko at wala itong halong biro, na sana balang araw masabi ko sa kanya na...Hey Jema, Babe pwede bang itigil nalang natin 'tong kalokohan na 'to? pwede bang totohanin nalang natin? pwede bang maging akin ka nalang? yong totong akin? yong walang halong biro? yong walang anumang kasundulan ang dapat mamagitan satin? yong mahal mo ako at mahal kita? pwede ba yun? yong ikaw lang at ako? yong mahal lang natin ang isa't isa at walang kasunduan ang pwedeng magdikta sa naramdaman natin?....sana pwede kong ipagsigawan sa buong mundo na Mahal Kita...Sobrang Mahal Kita...kaso hindi pwede eh dahil para sayo isa lang itong kasunduan na walang patutunguhan kung hindi ang katapusan.

               Huminga ako ng malalim bago ako nagtungo sa cr para mag-ayos ng aking sarili dahil ang alam ko ay ito ang unang araw ng kanilang kasiyahan sa lugar na ito, para narin makatulog ako sa kanila kahit papano. Agad akong nagtungo sa kusina pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili at naabutan ko nga dun sila tita na naghahanda ng kanilang maluluto para siguro mamaya.


- goodmorning po tita (bati ko sa kanya)

     - oh gising kana pala Deanna, halika't mag-almusal kana muna (aya niya sakin) asan nga pala si Jema

**Naupo naman ako at tsaka ako pinagsilbihan ni tita, ang swerte ko dahil siya ang magiging mother-in-law ko🤫😅😅**

- salamat po tita, kumain na po ba kayo? sabay na po tayo (aya ko rin sa kanya) tsaka si Jema po, tulog pa po siya eh, napagod po siguro kahapon dahil sa byahe

        - goodmorning Ma (sigaw na bati ni Cyriel kay tita)

     - haynaku Cyriel ang aga-aga ang ingay-ingay mo diyan...hala kumain kana diyan ng almusal

        - (nagkamot naman siya ng kanyang batok) goodmorning ate Deanna

- goodmorning (balik kong bati sa kanya)

**Habang kumakain kami ay panay ang tanong sakin ni Cyriel ng kung ano-ano**

        - so ate Deanna paano kayo nagkakilala ng ate ko? (casual niyang tanong sakin)

- sa shoe store

- ahhh...pano? ikaw yong nagtitinda dun? (tanong niya ulit sabay subo ng kanyang pagkain)

- h...hindi eh (gosh sasabihin ko ba? ang pangit kaya ng first meeting namin ng ate niya)

- eh panu (sabay tingin niya sakin)

- uhm...panu ba 'to, kasi yong sapatos na dapat kung bilhin eh kinuha niya so nag-agawan kami kaya yon nasira

- Ha? so panu yun? sinong nagbayad? I bet ikaw ang nagbayad noh? siraulo yang kapatid ko eh

- (ngumiti naman ako ng alanganin) oo eh, t...tinakbukan kasi ako ng ate mo, so no choice ako kaya ako ang nagbayd dun sa sapatos na nasira namin (kwento ko)

- Ano? ginawa ni ate yun? (hindi makapaniwalang tanong niya sakin)

**Ngumiti lang ako ng tipid bilang sagot...nang bigla namang niyang tinawag si tita**

Everything I do, I do it for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon