Shina's POV
'Say you remember me, standing in a nice dress'
Napapikit pa ako habang pinapakinggan ang kanta ni Taylor Swift na wildest dreams. Pagkatapos niyan ay napalitan na ng Rock music at nagsayawan na ang mga tao.
Ang laki ng kaibahan ng buhay sa isla at dito sa Manila. Sobrang iba. Napunta lang naman ako dito sa bar kasi pinilit ako ng kaibigan ko. Hindi kasi ako sumasama dito kasi may boyfriend na ako at ayaw kong magkagulo kami dahil dito.
At isa pa nandun siya sa isla, pero okay lang naman din. Kasi alam naman niya na ito talaga ang pangarap ko. Ang makapagtapos sa Manila.
Kunting tiis lang naman at malapit na akong umuwi pagkatapos ng Graduation namin.
Napatingin ako sa mga taong todo kung makasayaw. Kulang na nga lang at maghubaran na sila sa isa't-isa. I mean like naghuhubad naman kami sa isla pero mga bata pa kami nun.
"Hoy Shina bakit di ka naghuhubad? Kami nila dito oh, naghubad na. Madaya ka."
Sinamaan ko lang ng tingin si Justine, kaibigan ko yan kahit tarantado.
"Hoy Justine sa edad namin na to di na dapat kami naghuhubad. Manyakis!" sagot ko naman
Nagtawanan naman sila ni Terrence, isa ko pang kababata. Binatukan naman sila ni Bea.
Kami apat ang palaging nagsasama. Sikat kami sa isla di dahil sa magaganda at gwapo kami kundi sa mga kagaguhan namin.
"Kanina pa tayo pero wala pa ring nakukuha si Bea tapos ang lakas pa mangbatok." pang iinis naman ni Terrence.
"Oh? Ano ngayon? Gwapo ka? Gwapo ka?"
Kung nagtataka kayo kung ilang taon na kami, nasa 13 anyos na kami. 2nd year sa High School.
Naghahanap lang naman kami ng mga shells para mabinta sa palengke para may pang project.
"Hoy Bea, umayos ka di ka namin bibigyan pag wala kang kuha." pananakot ko sa kanya
Tumawa lang siya. Nababaliw ata to eh.
"Sinong may sabi na wala akong makukuha. Mga utak talaba may naipon na ako dito." -Bea
Tinalsikan naman siya ng tubig ni Justine.
"Anong utak talaba? Hoy Shina huwag mong pagkopyahin tong si Bea mataba utak."
"Sus kala mo talaga may utak yan si Bea, eh puro gwapo lang laman ng utak niyan." pang iinis pa ni Terrence
"Inaaway na naman nila ako Shina!!!" pagmamaktol ni Bea
Nagpatuloy na lang ako sa pamumulot kasi napapagod ding makinig sa mga kaingayan nila.
Nabigla na lang ako nung natumba ako kasi may dumamba sa akin na damulag.
"JUSTINEEEEEE!!!!!"
Sa bigat pa lang niya alam ko na si Justine to. Ako na naman ang napag tripan.
Yung pulutan namin ng mga kabibe nauwi sa pagligo sa dagat. Di kasi namin mapigilan.
BINABASA MO ANG
Our Almost
Short StoryThis story is about the girl reminiscing her memories Living and fighting in the present And waiting for her future.