Shina's POV
Halos mabingi na ako sa ingay dito kaya nagising ako ng walang sa oras. Napatingin ako sa orasan at agad akong napabangon ng malaman kung anong oras na.
Tanghali na pala pero okay lang wala naman akong pasok ngayon. Matapos kong maligo ay lumabas na ako at nakita ko ang pinsan ko na umiiyak sa kusina.
"Anyare sayo?" tanong ko sa kanya
Kumuha na ako ng makakain habang siya ay umiiyak pa rin.
"Kain ka na, para may maiiyak ka pa. Hiyang hiya naman kasi yang mata mo sayo." sabi ko na lang para mapagaan ang loob niya.
"Yung boyfriend ko te, di pala loyal sa akin."
Agad akong napaubo di dahil sa nabulunan ako o kung ano pero kasi dose anyos pa to tapos may boyfriend na. Anyare na sa mundo?
"Saan mo pala yan nakilala?" tanong ko naman
"S-sa Text lang."
Agad ko namang tinapon sa kanya ang pakete ng ketchup na di pa nabubuksan.
"Ikaw na bata ka, batang bata mo pa tapos umiiyak ka na dahil sa lalaki na sa text mo lang nakilala at nanobyo mo na. Hala ayan magdusa ka!"
Nagpatuloy ako sa pagkain. Napailing na lang ako kasi...
"Hoy Shina, may gusto ako sayo."
Nag-ingayan na naman yung mga kaklase namin. 3rd year na kami apat.
"HOY JUSTINE TIGIL-TIGILAN MO AKO."
"Ouch tol, busted ka na." tawang tawang sabi ni Terrence.
Binatukan naman ako ni Bea. Anong problema ng babaeng to?
"Hoy matagal ka na niyang gusto, maawa ka naman kay boy lover nag effort pang sabihin sayo." -Bea
"Naging Abogado ka na ba niya?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ah, tinutulungan ko lang para tulungan niya rin ako kay Terrence." bulong naman ni Bea
Buong araw kong di pinansin si Justine. Tanging si Bea lang yung kasabay ko sa pag-uwi dahil di namin sila mahagilap.
Pagkarating ko sa bahay ay natigilan ako dahil kaharap ni mama at papa si Justine.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Maupo ka nga muna Shina."
Napaupo ako ng wala sa oras kasi nakakatakot si Papa. Ang seryoso kasi.
"Pakiulit ng sinabi mo kanina Justine." -mama
Naguguluhan ako kasi di naman bingi si mama para di niya marinig si Justine at papaulit niya pa.
"Nang Nina at Nong Shilo, gusto ko po sanang humingi ng pahintulot para ligawan ang anak niyo na si Shina Magaspang."
Wait... Wait... What? Did he just?
"Anong sabi mo?!" sigaw ko sa kanya
"Shina De-Maitsura Magaspang di kita pinalaking maninigaw na lang." - Papa
Sige pa, laitin mo pa yung complete name ko. Napairap ako kay Justine. Kasi di ko inaasahan na ganito.
"Okay lang sa amin iho, pero alam mo naman diba di sa amin ang desisyon kung sasagutin ka ng anak ko o hindi."- Mama
Dapat lang Ma.
"Kung sakali man maging kayo, paalalahanan ko lang kayo. Ayaw ko sa mga batang marurupok. Kung pwede lang tapusin niyo yung pag-aaral niyo bago kayo magpakasal."-Papa
Napangiti naman si Justine sa sagot ni papa at mama. Sus. Asa naman siya na sasagutin ko siya. Never.
"Maraming salamat po. Aasahan niyo pong hindi po ako magiging marupok at magiging mabuti para sa anak niyo."
Ang totoo Justine? Nangliligaw ka ba o nagpapanggap na boyfriend ko na.

BINABASA MO ANG
Our Almost
Short StoryThis story is about the girl reminiscing her memories Living and fighting in the present And waiting for her future.