Chapter 5

4 2 0
                                    

Shina's POV

"Ang sweet naman ng jowa mo te. Husband material pa."

Napaingos naman ako sa sinabi niya. Oo sweet yun kahit may topak pero hindi pa ata yun handa para maging asawa.

Bigla namang sumulpot yung isa ko pang pinsan.

"Tingin kayo sa akin, maganda na ba ako?"

Napatingin naman ako sa kanya at tiningnan ng mabuti yung suot niya. Saang Party na naman ba ang pupuntahan nito.

"Saan ka pupunta?" nagtataka kong tanong

"Hello? Graduation ball ng jowa ko."

Napa-oohhh naman ako sa sinabi niya.

"Ano okay na ba?" kinakabahang tanong niya.

"Maganda... Pero mas maganda ako."

~~~

"Anak! Diba graduation ball niyo na?" excited na tanong ni mama sa akin

"Oo Ma. Bakit mo natanong?"

Pinakita sa akin ni mama ang sampung alkansya na gawa sa kawayan.

"Nag-ipon ako nak para sa graduation ball mo. Kasi diba wala kayong prom ba yun? Kaya naisip ko na sa graduation ball mo na lang to gamitin."

Habang nakatingin ako kay mama, di ko mapigilang umiyak.

"Oh? Nak? Bakit ka naman umiyak? May nagawa ba kami ng papa mo? Sinaktan ka ba ni Justine?"

Napahagulhol pa ako ng todo sa tinanong ni mama. Di ko naman kasi alam na may inihanda pala siya para sa damit ko.

"M-ma maraming salamat talaga." naiiyak na sabi ko

Niyakap naman ako ni mama, at tinapik tapik ang likod.

"Tahan na nak. Papangit ka niyan. Sige ka, baka hiwalayan kang Justine."

"Di ako hihiwalayan nun Ma. Mahal ako nun at mahal ko siya."

Kinabukasan pumunta na kami sa kabilang isla. Dun kasi yung bayan namin. San Capista yan yung parang City namin dito at diyan kami mamimili.

"Nak may napili ka na ba?"

"Ma ito po oh."

Pinakita ko sa kanya yung gown na napili ko. Ang kulay niya ay katulad sa dagat, simple lang yung design pero nagustuhan ko.

"Magaling ka pumili iha, sigurado akong babagay yan sayo." nakangiting sabi nung tindera.

Dumating na yung araw na hinihintay namin ni mama. Siya mismo yung nag ayos sa akin. Marunong kasi mag make up si mama kasi sa parlor siya nagtatrabaho noon.

"Ang ganda ng anak ko."

"Syempre naman ma, mana ako sayo."

Niyakap niya ako ng napakahigpit.

"Ma di ako makahinga."

Tinigilan na ako ni mama at sakto namang dumating si Justine.

"Nang sinusundo ko na po si Shina." nakangiting sabi niya kay mama

"Tandaan mo Justine ah, ibalik mo siya bago mag 12 am. Malilintikan ka sa akin."

"Oo naman nang."

Napatingin siya akin at nagkasakubong ng tingin. Ngumiti siya tapos lumapit at inabot niya ang kanyang kamay.

"Halika na."

Heart kalmahan natin ha. Wag ka munang tatalon kailangan ko pang mabuhay. Inabot ko na ang kamay niya bago pa niya mabawi.

"Mauuna na kami ma."

Tumingin ako kay mama at nakikita kong umiiyak siya dahil sa tuwa. Grabe naman to si mama parang ikakasal na yung anak niya.

"Okay lang ba na sa sikad muna kita isasakay ngayon?" nahihiyang tanong niya.

"Ayos na ayos basta ikaw kasama ko bakit hindi."

Sumakay na ako at siya naman sumikad na. I don't care riding this sikad, basta nandito siya at kasama ko ayos na.

Our AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon