Chapter 3

8 2 0
                                    

Shina's POV

"Pero ate diba bata pa rin kayo nun, bakit na siya pinayagan ng papa mo?"

"Hmm... Bakit nga ba? Kahit na katorse anyos lang kami nun ni Justine alam na kasi namin kung ano ang tama at mali. Mabilis kaming minulat nila mama at papa sa mundo, hindi lang ako, hindi lang si Justine kasali na rin yung dalawa ko pang kababata."

"Maiba nga ako, Paano ka ba niya? niligawan?" tanong ko sa kanya

"Through text lang at chat. Tapos kunting tawag lang." kinikilig niyang sabi

Kanina paiyak-iyak siya tapos ngayon kinikilig. Sus kala mo naman talaga ang ganda ng ginawa ng jowa niya.

"Uy Shina, may nagpapabigay."

Tinanggap ko naman yung papel na pinapabigay daw. Sus kala mo talaga ikakaunlad ng Pilipinas ang pagbibigay ng kakurampot na papel.

Ika'y aking iniibig munting binibini
Sana'y pakinggan itong pagtibok
Ng pusong di makapagtimpi

Nakikita mo ba ako sa'yong paningin?
Mahalin mo ako'y ang aking panalangin
Kaya sana sinta, kahit saglit at ika'y tumingin

Napaka corny naman ng tulang to, mabait naman ako kaya tumingin ako kay Justine. Sulat kamay niya kasi to. 

Ngumiti siya agad at sinabing 'Mahal kita' na walang tunog na lumalabas. Kasi naman diba nagkaklase kami. Pero klaro kasi na mahal kita yun kasi yung sabi ng baba niya.

Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa mga pinagagawa niya, pero naman kasi kinikilig na ako.

"Hoy Terrence, nababaliw na naman kaibigan mo." bulong ko sa kanya.

"Oo baliw yan, baliw sayo."

Hindi na ako nagsalita kasi magbabangayan lang kami nito at mapapalabas naman.

Nang matapos yung klase ay lumabas na kami ni Bea. Nagmamadali ako para di maabutan ni Justine baka kasi tuluyang ng tumibok yung puso ko.

"Uy Shina, may date pala ako di kita masasamahan. Pakidala na rin pala ng mga libro ko. Salamat."- Bea

Pagkatapos niyang ibigay ang mga libro sa kamay ko ay agad na siyang umalis. Di man lang ako nakapag reklamo sa kanya. Magmamaktol pa sana ako kasi ang bibigat ng libro pero biglang kinuha ni Justine na nasa gilid ko lang pala.

"Ako na, hiyang hiya naman ako sa pagmamaktol mo" sabay tawa pang sabi niya

Inismiran ko naman siya at naglakad na. Nasa likuran ko lang siya. Tahimik lang, di ko naman gusto makipag-usap kasi nakakailang. Kung hindi siya umamin na gusto niya ako, baka mas maingay pa sa palengke pag magkasama kami.

"Alam kong naiilang ka, pero pwede naman maging kaibigan yung nangliligaw sayo diba?" -Justine

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Alam mo Justine, ang tagal mo ng nangliligaw. Oo aaminin ko, kinikilig ako sa tuwing pupunta ka sa bahay para tumulong kina mama at papa. Yung mga sulat mo at tula sa kukurampot na papel, tinatago ko yun. Kunting push pa Justine, hintayin mo tong puso ko."

Ngumiti naman siya sa akin, yung ngiti na umaabot sa mga mata. Yung mga tingin niyang kala mo ikaw na yung pinakamagandang nilalang. Nakakakilig. Ilang beses na ba siyang di sumablay sa pangliligaw niya.

"Handa akong maghintay."

Kinabukasan maaga akong nagising, kasi ako ang nakatokang magluto.

"Nak, musta naman yung pangliligaw ni Justine?" tanong ni mama sa akin

"Ayos naman ma."

"May pag-asa ba nak?"

"Ma sino bang hindi mahuhulog sa mga ginagawa niya. Mga tula tapos yung sulat. Kahit na ganito ako kasungit kinikilig ako sa banat niya."

"Itong anak ko dalaga na, ilang araw na lang at magtatapos ka na sa High School."

"Naman ma."

Nung matapos na ako ay naghanda na ako para sa pasok. Nang makarating naman ako sa paaralan namin, nakita kong nag chichismisan si Terrence at Justine.

"Ano ka ba naman Justine, wala ka ba talagang plano na palitan?" tanong ni Terrence kay Justine

Anong pinag-uusapan nila? Sa sobrang seryoso nila di na ako napansin.

"Yan na lang ang hindi mo binibigay pero parang awa mo naman, wag naman ganyan." himutok ni Terrence

"Uy Shina, ano ginagawa mo diyan?"- Bea

Punyemas na bata ka. Dumating pa to si Bea.

"Oh Shina, kanina ka pa ba?" nakangiting tanong ni Justine

"Hi Justine, Hi Terrence. Oh nag gel ka ba Terrence?" -Bea

"Oo bakit? Gwapo ko ba?"-Terrence

"Ulol mo, di ka gwapo. Napansin ko lang kasi mas lalong bumulok itsura mo."

"Ulol mo rin!"

Hinila ako ni Justine palayo sa kanila at inabot sa akin ang santan na bulaklak.

"Oh? Para san to?" nagtataka kong tanong sa kanya

Bigla naman siyang napasimangot sa tanong ko. Ano ba nasabi ko?

"Gagamitin natin yan mamaya sa science kaya sayo muna."

"Ha? Di ko naaalala na gagamit tayo ng santan. Chemicals na tayo diba bat may santan pa?"

"Sabi ko naman sayo pre, ayaw niya sa santan." sabi ni Terrence na kakasulpot lang.

"Akin na lang yan Shina pag ayaw mo."

Kukunin niya na sana kaso nilayo ko sa kanya ang santan.

"Sinong may sabi na ayaw ko sa santan. Akin na to. Binigay mo to kaya wala ng bawian. Gilitan kita diyan eh."

Agad na akong naglakad papunta sa classroom. At narinig ko pa ang pagpalakpak ni Terrence kay Justine.

Napangiti na lang ako sa pinaggagawa nila.
Ano ka pa naman heart. Kalma lang, ngayon ka pa gaganito eh ang tagal na ni Justine na sumusuyo sayo, ngayon ka na nagsisimula.

Our AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon