Shina's POV
"Punyeta ate, nakakakilig." nakikiliting sabi niya.
"Anong punyeta? Kibata bata mo pa nagmumura ka na."
"Sorry naman ate, so paano mo siya sinagot?" excited na tanong niya
Bigla naman akong namula sa tanong niya. Nakakahiya yung mga panahon na yun, pero sige na lang.
"Hoy Shina, ilang buwan nang nangliligaw si Justine. May plano ka ba talagang sagutin yan?"
Napatingin naman ako sa tanong niya at sumimangot.
"Ano bang tingin mo?"
"Oo, kasi gusto mo yun."
Bigla akong napahinto sa paggawa ng assignment na di ko man lang nagawa kagabi.
"Pwes, diyan ka nagkakamali."
"Di mo siya sasagutin?" shock na tanong ni Bea
"Uy Justine bakit nakatunganga ka diyan, kala ko ba kakausapin mo si Shina?" narinig kong sabi ni Terrence kay Justine
Agad naman akong napatingin sa likuran ko at dun ko nakita so Justine na nakatayo at nakatingin sa akin.
"Hi, para sayo. Sabihin mo lang kung ayaw mo na akong mangulit sayo. Titigilan ko na." nakangiti niyang sabi
Aalis na sana siya kaso pinigilan ko.
"Justine tungkol sa narinig mo-
"Hindi okay lang Shina, okay lang naman."
"SINASAGOT NA KITA!"
Gusto ko ng sampalin ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Tong bibig kong di nakakapagpigil.
Agad naman siyang napatingin sa akin na di makapaniwala.
"Anong sabi mo?"
"Sige, binabawi ko na."
"Pero diba sabi mo kay Bea."
"Hindi yun sa ganun. Hindi kita sasagutin kasi gusto kita. Sasagutin kita dahil... "
Di ko matuloy sasabihin ko. Napalaro ako bigla sa mga daliri ko.
"Dahil?" sabay na tanong nila Terrence at Bea
Si Justine naman, nakatingin lang sa akin habang naghihintay sa sasabihin ko.
"Dahil m-mahal kita." nauutal pa na sabi ko.
"Uy pare, sinagot ka na." Masayang sabi ni Terrence sa kanya.
Dun lang natauhan si Justine at biglang napatalon sa tuwa.
"Talaga?" nakangiting tanong niya
Tumango lang ako bilang sagot. Nahihiya kasi ako. Nabigla na lang ako ng bigla niya akong niyakap. Yung yakap na parang ang awkward pa. Tapos parang naninigas siya bigla at tinapik na lang balikat ko.
"Sorry di ko sinasadya na yakapin ka. Natutuwa lang talaga ako."
"Okay lang."
Akala ko ba di na magiging awkward pag boyfriend ko na pero mas lumalala pa ata.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat at hinalikan ang noo ko.
"I love you Shina."
Habang nasa klase ako, panay ang sulyap ko kay Justine. Ewan ko ba pero ang saya saya ko kasi ginawa ko yung bagay na yun.
"Tama na yan Shina baka matunaw pa." pagbibiro ni Terrence
"Huwag kang makialam."
Nung tumingin ako sa side niya ay sakto namang tumingin siya sa akin. Ngumiti lang siya at ayan naman yung mahal kita. Tinakpan ko lang yung mukha ko ng libro kasi feeling ko ang pula ko dahil sa ginawa niya.
"Ngayong malapit na ang graduation niyo, may plano na ba kayo kung saan magkokolehiyo? Alam kong hindi sa lahat sa inyo ay magpapatuloy lalo na at walang kolehiyo dito sa isla pero sana naman isipin niyo rin yan."
Napatango ako sa sinabi nung teacher namin. Sabagay malapit naman talaga kami matapos. Gusto kong magpatuloy sa College kaya gagawin ko ang lahat para makaluwas lang sa Manila. Ganun naman siguro yung plano nila.
Inutusan ako ni mama na bumili ng suka sa tindahan kaya naman umalis na ako ng bahay, tapos pagbalik ko nadatnan kong nakaupo na naman silang mama at papa at sa harap naman nila ay si Justine.
"Umupo ka nga Shina De-Maitsura Magaspang."
Agad naman akong umupo kasi nakakatakot ang boses ni papa ngayon.
"Kami na po ni Shina, sinagot niya po ako kanina."
Bigla namang sumigaw si mama sa narinig niya.
"Aba naman, sa wakas at sinagot ka na rin ng anak ko." natutuwang sabi ni mama
Bigla namang tumikhim si papa kaya natahimik si mama.
"Matanda na kayo at alam niyo ang tama sa mali. Maaasahan ko ba kayo?" tanong ni papa.
"Opo." sabay na sagot namin.
"Aalagaan ko po si Shina at hindi ko po siya papabayaan." nakangiting sabi niya.
"Nobyo ka pa lang Justine, hindi asawa."
BINABASA MO ANG
Our Almost
Short StoryThis story is about the girl reminiscing her memories Living and fighting in the present And waiting for her future.