Nakarating na ako sa Manila. Mahigit isang linggo na rin ako nandito. Nakakatuwa nga at binubuo ng mga kamag-anak ni mama ang isang baranggay. Mainit yung pagtanggap nila sa akin kaya nakapaglagayan ko agad sila ng loob.
"Uy Shina, sama ka sa amin hanap kami jowabels." yaya ni Rose sa akin
"Naku pass muna, may boyfriend na ako."
"Sus wag niyong igaya si Shina sa inyo, mqy jowa na to sa isla." sulpot naman ni Tita Gina
"Sus naman Tita eh niyaya ko lang para naman masanay siya dito." pamimilit naman ni Nina
"O siya Shina, sumama ka na sa kanila at ng masanay ka dito."
Wala na akong nagawa at sumama na lang sa mga pinsan ko para humanap daw ng lalaki.
"Napakainosente naman nitong si Shina. Abay di man lang nanonood ng porn." natatawang sabi ni Nina
"Gaga ka talaga Nina, bakit may wifi ba sa isla?" natatawang tanong ni Rose
"Hayaan mo na nga. Ipapasyal ka namin dun sa University na papasukan mo. Maganda doon. At wag kang mag alala, doon si tita Gina nagtatrabaho kaya wag mong problemahin yun." -Nina
"Pero kung gusto mo ng sideline sama ka lang sa amin ni Nina. Nagtatrabaho kami sa isang fastfood chain."-Rose
Dahil dito kami sa tindahan nakatambay may dumating na mga lalaki na kakagaling lang ata maglaro ng basketball.
"Hi Nina." bati nung isa kay Nina
"Hi Rose." bati din nung isa pa kay Rose
Bumati naman silang Nina at Rose sa kanila.
"Uy Rose pakilala mo daw si Nathan sa pinsan niyong maganda." nakangiting sabi nung isa
"Uy Shina yan si Nathan, Nathan si Shina may jowa." nakangising sabi ni Rose
Tumawa naman ng todo si Nina. Napatingin naman ako sa lalaking Nathan daw ang pangalan. Nakatingin din siya sa akin at tumango. Suplado daw ata to eh.
"Alis na tayo." bulong ko kay Rose
"Alis na kami ah, naiinip na kasi tong pinsan namin."
Aalis na sana kami ng hinawakan ako nung Nathan.
"Paihinging cellphone number mo." seryosong sabi niya
Napakurap naman ako sa sinabi niya. Tumawa naman ng malakas silang Nina at Rose.
"Uy Nathan di niya alam ang word na cellphone number kaya sorry ka na lang."
Grabe naman to, alam ko yun kaso wala ako nun.
"Pasensiya na pero wala ako nun."
Umalis na ako at ramdam ko naman na sumusunod na sila.
"Ang gwapo ni Nathan nu?" pang aasar ni Rose
"Tama lang."
Napakasinungaling ko naman kung hindi ang sagot ko, pero mas gwapo pa rin si Justine. Kahit kayumanggi yung kulay nun napakagwapo pa rin.
Lumipas pa ang araw at magsisimula na ang klase. Todo yung kaba ko kasi naninibago pa rin ako sa paligid.
Agad akong pumunta sa magiging room ko para sa unang subject at kaklase ko pa yung Nathan sa subject na to.
"Hindi ko inaasahan na accountancy pala ang kukunin mo." nakangiting sabi niya sa akin
"Aahh... Ehh... Yun kasi ang naisipan ko." alinlangan kong sagot
Nagtabi kami sa first subject, nang matapos na yun ay pumunta na agad ako sa second subject sa kabilang building ayaw kong mahuli. Di ko na nga siya hinintay.
At sa kamalas -malasan nga naman ay magkaklase kami ulit.
"Hindi ko rin alam na itinadhana na pala tayo." sabi niya
"Nagkaklase lang sa dalawang subject, tadhana na. Kaek-ekan niyo. Tabi!"
Umiinit na tuloy ang ulo ko sa kanya. Alam mo namang may jowa na yung tao tapos nakikipaglampungan pa. Loyal ako kay Justine Mabango. For Justine Mabango only. Justine for Shina and Shina for Justine.
End
Di joke lang ito naman. Hahaha... Napalakas ata ang tawa ko at nagtinginan sila sa akin kaya nag peace sign na lang ako.
Miss ko na si Justine.
BINABASA MO ANG
Our Almost
Short StoryThis story is about the girl reminiscing her memories Living and fighting in the present And waiting for her future.