Chapter 7

4 1 0
                                    

Shina's POV

Pag-aralin sa Manila?

"A-ano po?" gulat kong tanong sa kanila

Ito na ang pangarap mo Shina na makakapag-aral sa Manila. Gusto kong matuwa pero paano si Justine.

"Nandito ako para isama ka sa Manila kung gusto mo pa." nakangiting sabi ni Tita

"Ngayon na po ba ang alis natin?" kinakabahan na tanong ko sa kanya

"Oo."

Paano si Justine? Sigurado akong gusto niya ng suporta galing sa amin. Kailangan niya ng makakapitan at kasali ako dun.

"Pwede po bang susunod na lang ako Tita, may aasikasuhin pa po ako dito." nahihiyang sabi ko sa kanya

"Walang kaso naman sa akin yun Shina."

Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Hindi muna ako lalapit sa kanila.

Ito na yung pangarap ko oh, pangarap ko na to... Pero bakit hindi ako natutuwa.

"Tutuloy ka na."

Agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko si Justine na nakatingin sa akin ng seryoso.

"Justine... "

"Alam kong nagdadalawang isip ka dahil sa akin, pero pangarap mo yan Shina. Huwag mong sayangin ang talino mo sa pipityuging isla. You badly dream that thing and I won't allow you to forget that because I'm devastated."

Niyakap ko siya at napaiyak. Hindi ko aasahan na ganito ang sasabihin niya.

"Shh... Don't cry Shina. I want you to chase your dreams and going to Manila is your stepping stone. Go study there and make us proud."

Humiwalay siya sa yakap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Always remember that you still have a boyfriend here, don't flirt and dress nicely in there. I'm not there to protect you." nakangiting sabi niya.

"Kanina ka pa English ng english dumudugo na ilong ko."

Napatawa naman siya.

"Kasi alam ko na mas kinikilig ka pag nag e-english ako."

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Agad niya naman akong niyakap.

"I love you so much Shina." bulong niya.

Sa burol ni Nong Albert ay sinamahan ko lang si Justine. Hindi muna ako lumuwas sa Manila upang makipaglibing.

Nakayakap ako kay Bea ngayon na todo iyak. Si Nang Albert kasi at ang tatay ko ang nakatayuan niyang tatay kasi namatay yung tatay niya sa murang edad.

Nang matapos ang libing ay agad kaming tumambay sa tambayan namin dito sa isla. Nakayakap ako kay Justine habang yung isa ay nagbabangayan na naman.

"Anong oras ang alis mo?" tanong ni Justine sa akin

"Bukas ng madaling araw."

Narinig ko namang suminghot si Bea. Napapaiyak na naman siya.

"Iiwan mo na ba talaga kami?" naiiyak na tanong niya.

"Loka to, magkikita pa rin naman tayo."

"Kailan? Apat na taon pa!"-Bea

"Loka loka ka talaga, uuwi ako pag pagbakasyon. Anong akala mo sa akin di na talaga babalik? Ayaw mo atang bumalik ako."

Napansin ko naman si Terrence na tumahimik habang inaalo si Bea. 

"Hoy Terrence anong nangyari sayo?"

"Wala lang. Mah iniisip lang."

"Sus iniisip pa eh nandiyan naman sa tabi mo." pang-aasar ni Justine sa kanya.

"Ulol. Halika na Bea pinapalayas na tayo nila. Magmo-moment daw sila."

Pumayag naman si Bea at umalis na. Hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Justine.

"Dahan-dahan lang baka di na ako makahinga." natatawang sabi ni Justine

"Pero natutuwa ka naman."

"Dala mo na ba yung notebook na binigay ko sayo?"

"Yeah. Babasahin ko yun agad pagdating ko sa Manila."

"Very good. Basta yung mga sinabi ko sayo huwag mong kakalimutan."

"Opo." natatawang sagot ko

"Pag ikaw naghanap ng gwapo nun, edi may nahanap ka ng gwapo." naiinis na sabi niya.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Pag makahanap man ako ng gwapo sa Manila, tandaan mo Justine Mabango na ikaw ang tanging nakatira sa puso ko."

Napayuko naman siya at kita ko pa ang unti-unting pamumula ng mga tenga niya.

"Pinapakilig mo na ako."

"Basta Shina, pag nakaipon na ako, doon din ako mag-aaral. At sabay natin tuparin yung pangarap natin. Alam ko namang makakahabol ako eh. Ako pa, malakas to. Huwag kang masyadong mag-alala sa akin. Mahirap mawalan ng tatay pero patuloy pa rin naman yung buhay. Kaya Shina dapat mag focus ka lang dun ah."

I'm so lucky to have him.

"Naiintindihan ko po. Ikaw din ah. Mag iingat kayo dito. Ingatan mo si Mama at mama Tintin. Bantayan mo rin si Bea baka palaging awayin ni Terrence."

"Gagawin ko para sayo."

"Shina." malambing na tawag niya sa akin.

"Hmmm?"

"I love you."

"I love you most Justine."

Our AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon