Chapter 6

2 1 0
                                    

Malapit ng matapos ang graduation ball kaya nagkanya kanya ng hatakan ng partner ang mga kaklase ko. 

"Ehem"

Napatingin ako sa tumikhim at nakita ko si Justine na nakangiti sa akin.

"Care to dance milady?" nakangiting tanong niya

English pa lang niya nakakakilig na. Gosh... Agad kong inabot ang kamay niya. Sumayaw kami sa parte na malayo sa gitna kasi ayaw ko sa spotlight mas gusto kong Ma solo siya.

"You're so beautiful tonight Shina De-Maitsura Magaspang."

Okay na sana eh. Okay na sana kaso binanggit niya pa full name ko.

"I don't care about how awful your full name is, but I must say you have the funniest name a human could have."

Napasimangot na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Porket mabango ang panagalan niya.

"Kolehiyo na tayo sa susunod, ano na plano mo?"

O diba. Kahit nagsasayaw kami kolehiyo pa rin ang iniisip namin. Ganyan kami kaastig.

"I will chase my dreams Tin, I want to study in Manila and I want you to come with me."

Ngumiti lang siya sa sinabi ko at niyakap ko pero patuloy pa rin kami sa pag sway.

"I will Shin."

Lumabas ako ng bahay kasi napag-utusan ako ng Tita ko na bumili ng sardinas diyan sa kabilang kanto.

Napatingin na lang ako dun sa isang bahay kung saan may lamay, nakita ko yung tarpaulin sa labas na may mukha nung namatay. At sobrang lungkot lang kasi bata ang namatay.

"Rest well baby."

Pumunta kami ni Justine sa kabilang isla para mamasyal. Katatapos lang ng graduation namin kahapon kaya naisipan namin na dumalaw sa bayan.

"Uy tingnan mo yun Justine oh. Pa-picture tayo dali." masayang sabi ko sa kanya

Hinila ko na siya agad doon.

"Ma'am gusto niyo po magpa-litrato?" tanong nung photographer sa amin

"Oo kuya, magkano ba?"

"100 lang apat na shots na."

Agad namang nagbayad si Justine. Ako na sana yung magbabayad pero sabi niya siya na lang daw at ako na lang sa pagkain namin.

Duhh... Hindi rin naman kasi mayaman si Justine at siya lang manglilibre. Syempre kailangan pa rin namin magtipid.

Sa tatlong shots nakangiti lang kami tapos may pa peace sign pa minsan. Pero sa huling shot may naisip akong kabalastugan.

"1... 2... 3..."

Hahalikan ko na sana siya sa pisngi niya nang humarap din siya para halikan ang pisngi ko kaya ang ending... Nag kiss kami. Gulat na gulat pa kami, tapos dilat na dilat yung mata niya at panigurado na ganun din kadilat ang mga mata ko.

"Ahhmm... Excuse me ma'am at sir tapos na po." kinikilig na sabi ni ate photographer

Agad naman akong napalayo sa kanya. Nang-iinit yung mukha ko sa hiya. Hindi pa rin kami nagsalita hanggang sa nakuha na namin yung picture.

Wala pa ring umimik.

Walang nagsasalita.

Kasi naman eh, hindi ko alam na ganito pala first kiss namin.

"S-sorry." nauutal na sabi niya.

"Okay lang, di mo naman yun kasalanan."

"Sorry kasi nahalikan kita ng walang pahintulot mo. Nirerespeto kita kaya ayaw kong-

Pinutol ko na yung sasabihin niya sa pamamagitan ng paglagay ng isang daliri ko sa labi niya.

"Okay lang, ano ka ba." nakangiting sabi ko.

Okay lang kasi boyfriend naman kita, pero nahihiya akong sabihin.

Nang napagod na kami sa kapapasyal ay umuwi na rin kami sa kabilang isla. Pababa na ako nung nilapitan kami ni Bea na umiiyak.

"Justine si Nong Albert... " tukoy ni Bea sa tatay ni Justine

Agad naman akong napahawak sa kamay ni Justine.

"Anong nangyari kay tatay?" nag-aalalang tanong ni Justine.

"W-wala na siya."

Agad na nabitawan ni Justine ang kamay ko at napatakbo sa bahay nila. Sumunod naman kami ni Bea at nakita namin ang walang buhay na si Nong Albert.

Agad na niyakap ni Justine ang nanay at ang dalawa pa niyang kapatid. Alam kong gustong umiyak ni Justine pero nagpapakatatag siya para sa nanay at mga kapatid niya.

Niyakap naman ako ni Bea. Ganito ang reaksiyon namin kasi talaga namang tinuring kaming mga anak ni nong Albert at nang Tintin at close talaga sila ni Bea.

"A-anak paano na ang pag-aaral mo sa Manila kung wala ang tatay mo?" naiiyak na tanong ni Nang Tintin.

Parang gumuho ang mundo ko at ang mundo ni Justine. Gusto kong mag-aral kami sa Manila pero parang Malabo ng mangyari yun.

"Shh... Tahan na ma."

Natapos ng i-set ang burol ni Nong Albert. Kaya umuwi muna ako.

"Ma nandito na ako."

Tawag ko sa kanila. Nagulat na lang ako ng makita ko si tita Gina ang kapatid ni mama.

"Nak, andito Tita mo para pag-aralin ka sa Manila."

Our AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon