TEXT
SAM
AISHA: Bessie, dito pa ako sa library sinasamahan ko si Albert. Hindi na kita masasamahan manood ng movie. Sorry Bessie, Bawi na lang ako next time.
SAM: Ano pa nga ba. Bruha! Sige mag enjoy ka na lang diyan. Mag- aaral na lang ako.
Bruhang Aisha yan. This is the third time she cancelled. Haynaku. At nakakapanibago, ha! Nag- aaral na siya ngayon. I guess dahil na din kay Albert niya. Hahaha pero okay na din yun kaysa puro lakwatsa ang alam nun. Hmmm hindi kaya nagtataka ang kuya niya bakit parating wala sa bahay ang kapatid niya? Or baka naman busy din sa buhay yung kuya niya. Haaaay naku Sam, bakit yung dalawang yun ang iniisip mo? Manood ka na lang kaya mag isa.
Ting! Ding!
Huh? Sino kaya tong nag text na to? Si Aisha?
AIDAN: Hi Sam. What are you doing?- Aidan
HUH?! Si Kuya Aidan nagtext? Whaat? I mean, ano ang sasabihin ko sa kanya? What? Oh no! Gaga sagutin mo kaya ang text niya. Teka lang, bakit kaya nagtext siya in the first place?
Ting! DIng!
AIDAN: Busy Sam?
Sagutin ko na nga.
SAM: Hello Kuya. Sorry late reply. I was at the bathroom. May problema po ba?
Sinungaling! Ayw ko lang sabihin niya wala akong ginagawa. hahaha Bakit ako kinikilig?
AIDAN: Wala naman. You want to have ice cream?
ME: Ice cream Kuya? Wala kang magawa no? Akala ko ba bigtime businessman ka na ngayon?
AIDAN: Cancelled ang meeting ko. It's Saturday normally I don't have work on weekends unless may meeting ako with some clients. Kaso cancelled ang flight ng kliyente kaya cancelled din ang meeting naming. So about that ice cream, you want to go out have ice cream?
HUH! Ba't ako? Di ba modelo siya at sikat at mayaman at guapo at....guapo ulit? Bakit ako ang niyayaya niya? teka dahil ba ito kay Aisha? Naku! Aisha patay tayo ang kuya mo mukhang magtatanong siya tungkol sa iyo. Ano ang gagawin ko? Huhuhuhu naman eh. Bakit ka kasi nakikipaglandian diyan kay Albert. Bakit kasi di mo na lang ipakilala sa Kuya mo at nang malaman ni Kuya na mabait siya
KRING! Kring! Kring!
Naku! Tumatawag na siya. Ano ang gagawin ko?
Ehem!
"Hello?"
"Kuya?"
"Sam, nakaka abala ba ako?"
'HIndi naman po."
"eh Bakit ang tagal mong mag text back?"
"Nagtetetxt na po ako kaya lang naman mainipin ka naman di makapag hintay eh."
"Hahahha sorry naman. Hindi ko lang kasi mahintay yung sagot mo. Eh gusto ko nang lumabas at mag aksaya ng oras sa mall. HAhaha"
"Huh? Mall? MAll tayo mag a ice cream?"
"Bakit ayaw mo sa mall?"
"Eh madami naming ice parlor sa labas ng mall eh."
"Such as?"
"Hmmmmm"
"See, wala ka ngang maisip. Oh baka naman ayaw mo akong samahan?"
"Gusto naman kaso, gusto ko sanang manood ng Oceans 8 eh. Wala din akong kasama at inidian ako ni Aisha."
"Oh! You wanna go watch a movie?"
"Sana. kaso nagyayaya ka naman po kuya ng ice cream kaya sama na lang ako sa iyo. Ililibre mo naman ako di ba?"
"Oo naman."
"Sige Kuya, san tayo magkikita?"
"sunduin kita."
"Eh kuya...malayo kaya ang mall sa bahay namin"
"Kaya nga daanan kita kasi baka sa tagalkong maghintay sa mall makakita ako ng babaeng gustong mag ice cream. Pagdating mo sa mall wala ka nang dadatnan na ice cream kasi ipinakain ko na lahat sa kanya."
"Aha! Therefore balak mo din akong pakainin ng maraming ice cream?"
"hindi naman. Hahahahaha. SIge I will be there in 30 minutes. SHower lang ako."
"Sige Kuya."
Ano kaya ang problema ng kuya ni Aisha? Bakita kya naisipan niyang mag ice cream eh never naman kaming close. Hmmm siguro talagang magtatanong ito tungkol kay Aisha.
AIDAN
Ayos pumayag siya. Sabo ko kay Mike kita na lang kami sa mall. Ipapakilala ko sila. Ayoko naming ibigay ang number ni Sam sa kanya na ganun ganun lang. Gusto ko siya ang magbigay ng number niya kay Mike. At least pag ipinakilala ko sila, choice na ni Sam kung ibibigay niya ito or hindi. Pero in fairness kay Sam huh, maganda na talaga siya. NAgulat nga ako nung nagpunta siya sa bahay one time, hindi ko akalain na tatangkad pa siya at gaganda. Mahaba na pala ang buhok niya. Dati kasi maiksi ang hair niya. Hot na din. ingatan lang ng Mika at baka mapatay ko siya kung may mangyayaring masama sa kanya. Hahahaha [rotective?
AUTHOR: Nabobore ako alam ko nabobore na din kayo pero ganyan naman talaga ang story eh. Kailangang boring ang umpisa...says who? Ako siyempre. Tsaka walang source of inspiration eh. Imagine hindi ko man lang Makita na may mag comment o di kaya mag react. Alam ko yung ibang writer diyan gusto lang mangopya ng idea na story eh kaya silent read lang sila. Comment naman or vote, masaya na ako sa mga ganun. CT0817
BINABASA MO ANG
MY BEST FRIEND'S KUYA (Completed) #Wattys2018
RomanceSa title pa lang alam niyo na na ito ay kwento tungkol sa best friend at kuya ng best friend. I'm sure marami na din kayong nabasang kwento tungkol sa Best Friend at si Kuya as a matter of fact may story din akong ganyan kaso nakashelf (shelved tal...