OCEAN'S 8

8.5K 209 9
                                    

AIDAN

Usapan namin ni Mike na ibibigay ko number ni Sam pag nakuha ko pero di ko pa ibinibigay. Kinukulit na nga ako eh. Sabi ko ayaw ibigay sa akin. At sabi ko ipapakilala ko na lang siya kay Sam kung may chance.  Kagabi pa niya ako kinukulit na ipakilala ko na siya kay Sam. Sana hindi makahalata si Sam na may ipapakilala ako sa kanya. At huwag sanang uungas ungas tong Mike na to pag nagkita sila.
Pero ipapakilala ko lang hindi ko iiwan sa kanya si Sam baka kung ano pa ang gawin nun. Altho mabait naman siya hindi katulad nung ibang mga kakilala kong models, pero malay ko ba?
"Hello?"

"Sam, nasa gate na ako. Walang nagbubukas."

"Ay wait lang kuya.... Manaang, pakibuksan yung gate."

Bata pa katulad ni Aisha. Binuksan yung gate nung matandang babae na inutusan siguro niya. Binaba ko ang bintana ko para makita niya kung sino. Ngumiti ako sa kanya at nginitian din niya ako. Direcho na ako sa main entrance nila kung saan nakatayo na si Sam.

Teka lang, siya ba yan? Bakit ang ganda naman niya ngayon? Nung nasa bahay siya hindi naman ganyan. Hindi kaya ate niya yan? Ah hindi. Siya nga, papasok na siya sa kotse eh.

"Hello Kuya"

"Kanina ka pa naghihintay?"

"Hindi naman po."

"Kuya na nga Po pa"

"Hahaha! Eh ano po ang gusto niyong itawag ko sa inyo?"

"Hmmmm Aidan"

"Aidan?!!! Parang ang layo naman age natin parang bastos naman yun."

"Sige, kuya, tito, uncle, bahala ka na pero huwag mo akong ma po- po diyan at parang lolo naman yun. Sa guaponkong to,'pino po mo!"

"Hahahaha teka pag iisipan ko kung ano ang itatawag ko sa inyo."

"Inyo! Haaay naku, Sam tumatanda ako sa iyo eh."

"Hahahahaha"

Ang ganda niya na talaga. Dalaga na. Nag iisip siya kung ano ang itatawag sa akin. Hahahaha. Nakakatuwa naman tong batang to. Hoy Aidan, hindi na bata yan uy. Malaki na! Dalaga na, pwede na ngang mahing ina eh. Hindi ko na to ipapakilala kay Mike. Bahala na kung magalit yun sa akin.

"Aidan na lang. Pero pag andiyan si Aisha, kuya ang itatawag ko."

"Sige, deal!"

"Gusto mo pa bang mag ice cream, ku....Aidan?"

"Hindi na. Actually gusto konkumain ng Japanese food."

"Hahahaha kanina ko pa gusto kunain ng ramen eh."

"Okay, aprub, let's go eat Ramen."

"Teka lang, nood din tayo ng Ocean's 8. Sige na!"

"Oo sige, nood tayo."

Teka, parang nakalimutan niya na kuya ako ni Aisha at kanina lang eh kuya ang tawag sa akin. Hehehe, ang cute niya huh! I mean.... oh hell, why am I denying it, you like her dummy. Kaibigan yan ni Aisha, Aidan hindi yan laruan. Sino ba nagsabi na lalaruin ko siya? Natuwa lang akong nakalimutan na niya yung inhibitions niya towards me, lalaruin na. Eh bakit mo naisip? Unhas ka takaga Aidan haaaay! Aisha, sana palagi ka na lang busy para masolo ko tong best friend mo.

"Kuya, san tayo kakain ng Japanese food?"

"San masarap?"

"Sa bahay niyo kaso wala si Aisha kaya walang magluluto."

"Gusto mo sa bahay na lang namin tapos pa deliver na lang natin?"

"Hmmm pano yunh Ocean's 8?"

"Hmmmm tara nood pa rin tayo tapos take out na lang tayo ng food, kainin natin sa bahay."

"Hahahaha sige. Para kang si Aisha, magilig sa Japanese food."

"Siyempre, best friends kami eh."
"Oo nga."

Please vote and comment.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MY BEST FRIEND'S KUYA (Completed) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon