FIRST DAY

7K 257 8
                                    

SAM

Today is my first day to report sa company nina Aisha. Sabi ni Aidan sunduin niya ako pero sabi ko sa kanya na ako na lang ang papasok kasi galing pa ako ng school. Ang schedule ko is 1 pm to 5 pm everyday. Graduating na ako this year kaya kailangan ko ng OJT and luckily buti tinanggap ako ni Aidan.

Aidan: are you here yet?

Me: Yes, just got off the car.

Aidan: I'll come and get you

Me: Huwag na

But knowing Aidan, hindi siya nauutusan. Before I reached the reception to ask where is his office, andun na siya palapit at nakangiti sa akin. Nagtaka tuloy yung receptionist bakit nandun ang boss sa baba.

"Sabi ko I'll find your office, sir eh."

"You might get lost and matapang tong si Nanette baka hindi niya sabihin sa iyo."

"Sir!"

"Nanette, this is Sam, best friend siya ni Aisha, dito siya sa company mag o OJt. Be nice to her at baka pag nagsumbong kay Aisha, pasarhan ni Aisha tong konpany. Hahahaha."

"Hahaha yes Sir. Hello Sam, welcome to Francisco Builders."

"Hello Ma'am."

"Naku, huwag mo akong i Ma'am, Nanette or Ate Nanette okay na ako dun huwag lang Aling Nanette at kahit si Aisha ang magmakaawa di kita papapasukin sa building. Hahaha"

"Okay Ate. Hihihi"

Mabait siya in fairness. Nakita ko yung singsing sa kamay niya. She's married! Kaya pala hindi niya nilalandi si Aidan. Mostly kasi na babae na napapalapit sa kanya nilalandi siya eh.

Guapo siya ngayon. I mean mas guapo siya ngayon. Ganito pala siya hindi ngumingiti sa office. Yung mga nakakasalubong namin or nadadaanan na ngumingiti sa kanya or bumabayi ng good afternoon hindi niya pinapansin. I mean tumatango lang siya. Pag pasok namin sa opisina niya pinatawag niya yung operations manager. Habang naghihintay ako para dumating si Architect Earl Santos marami siyang pinipirmahang papeles.

"I hope you don't mind."

"No, it's okay."

Malawak yung opisina niya.

May sofa, may isang mahabang table na parang pag nag board meeting eh hindi na siya lalabas. Sa isang part may hagdan, hindi ko alam kung ano yung nasa taas. And may maliit na bar kung saan may coffee maker, may body ref din and water dispenser.  Parang condo na ang laki nito. Si Aidan naka gel ang buhok niya ngayon shet ang guapo talaga. Behave ka kaya Sam.

"Boss?"

"Earl, dito ka na? Halika meet Sam. Best friend siya ni Aisha. She's here to train. Dito siya mag OJT and probably work too someday. Show her  what she needs to do. Sam, si Earl na bahala sa iyo huh? Will you be okay?"

"Yeah! Yes Sir."

"Sir ka diyan. Haha Anyways, Earl bahala ka na sa kanya. I'll see you later Sam. Hanggang 5 ka lang di ba? Earl 1-5 siya dito kasi may pasok siya ng umaga."

MY BEST FRIEND'S KUYA (Completed) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon