SURPRISE

6K 166 2
                                    

AISHA

"Hello? Kuya andito na ako. Huwag mo palalabasin si Sam huh? Prepare lang namin yung place. Okay. Okay lang ba na ikaw ang hahawak sa cake?"

"Busy ako. Kayo na lang ang magparty. Labas ako pag natapos ko na to."
"Ha? Hindi ka makikiparty sa amin?"

"Hindi."
"Kj talaga to. San ka ba pupunta?"

"May dinner date ako. Kunin mo kay Joel yung gift ko."

"Naririnig ka ba niya?"

"Oo."

"Kuuuyaaa!!!!"

"Oh sige at may gagawin pa ako. What time pala?"

"Pag pumasok si Joel sa office mo."

"Okay"

"Thank you Kuya."

6:00 PM

SAM

"Sam, are you done?"

"Yes sir."

"Kunin mo yang na edit na yan and give that to Marga. Sabihin mo i encode yan. After that you can go home."

"Okay Sir."

Birthday ko ngayon. Hindi mo ba ako i gi greet?

"Ah, Sam?"

"Sir?"

"Wala... nevermind na lang. salamat ulit."

"Yes Sir."

Hindi niya alam ang birthday ko. Sabagay wala si Aisha na magsasabi sa kanya.

"Sir? Mag oovertime din po ba kayo?"

"Hindi, may lakad ako."

"Ah okay sir."

And I left hisnoffice pabalik sa department namin. Napadaannako sa office ni Sir Earl, nakapatay ang ilaw. Wala na talaga siya dito. Nabalitaan ko na yung sekretarya niya ang nagpack nung mga ganit niya at ipapadala sa kanya sa Davao. Yung iba naman sa bahay nila sa Marikina.
Narinig ko kanina nung sinabi ni Aidan na kaya niya ipinadala sa Mindanao dahil ayaw niya ang mag karibal. In short, selos ang rason. Kung type ko si Sir Earl, aawayin ko to. Pero dahil di ko rin naman type si Sir Earl, okay lang sa akin. Kinikilig din ako at nagseselos tong guapong mokong na to hahaha.
Teka, akala ko ba may overtime? Nakit parang walang tao na dito sa opisina? Sabi nila may overtime. Ako na lang yata ang nag overtime ah. Pero bakit sabi ibigay ko kay Marga? Nasan na kaya sila? Bakit ang dilim dito? Hindi ko alam kung nasan si Marga. Ang dilim naman dito sa office. Nasan ba ang switch ng ....

"Happy birthday to you...."

What? I turned to the only light in the room, the candles from the cake. A beaming Aisha was holding it and smiling at me. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naiiyak ako natutuwa. I can not see the faces of the people present there pero I heard them singing and cheering.

"Make a wish"

I wished

"Happy birthday Bessie."

"Happy birthday Sam!"

Nandun lahat ang mga nasa Department ko at iba pang mga emlleyado. Nandun din mga classmates ko and the other architects sa opisina. Parang lahat yata "pinag overtime" eh. Laht nag greet. Nandun din sina Marga, Mark, Kiko and Teresa.

"Girl akala namin talaga may overtime eh. Okay to may libreng dinner pala."

"Girl sayang wala si Sir Earl. Grineet ka na ba niya?"

"Hindi. Hindi naman niya alam eh."

"Teka, si Kuya Earl? Bakit?"

"Ma'am Aisha, si Sir Earl kasi tupe niya si Sam hahaha"

"Uy hindi ah. Huwag kayo maingay."

"Samuelle bakit ka ganyan? Ang dami mong sikreto. Overnight ka sa bahay namin bgayin. Kailangang sabihin mo sa akin lahat ng hindi ko alam."

"Hahahahaha wala naman eh."

"Type mo din ba si Kuya Earl?"

"Hindi ah. Ha ha ha, Aisha naman eh."

"Basta! Overnight ka sa amin ngayon. Uwi din kita agad bukas. Sige na."

"Ipaalam mo ako kay Ate."

"Oo teka tawagan ko."

At lumayo na si Aisha para magpaalam sa ate ko.

"Girl, malakas ka kay Sir huh, pumayag na isurprise ka dito sa office"

"Siyempre best friend niya ang isang may ari ng kompanya."

"Hahahaha oo nga nagtataka nga ako pati si Aidan este Sir Aidan nakisali."

"Teka, bakit pala wala siya dito?"

"Baka nasa opisina niya."

"Oo nga. Puntahan mo Sam at bigyan mo ng cake hahahahaha"

"Tsaka mas bagay kayo ni Sir Aidan. Sana wala pa siyang girlfriend no? Sana kauo na lang."

"Tere, ano yang sinasabi mong sana sila na lang? Mas bagay kami ni Aidan. Sila na lang ni Sir Earl"

"Gaga ka talaga Marga, kay Kiko ka na lang. Di ba Kiks? Hahahaha"

"Hahaha kayo talaga. Teka puntahan ko siya para yayain dito."

"Sige."

Author: please vote and comment. Thank you

MY BEST FRIEND'S KUYA (Completed) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon