SAM
"Sammy, sorry talaga I need to go kasi sasamahan ko si Albert sa PICC because he will recieve an award. Babalik din naman ako eh."
"Uwi na lang kaya ako? Alangan namang sama ako sa club na mag isa lang ako."
"Babalik din ako. Don't worry until 10 lang to kasi ayaw ni Albert mapuyat. Sabi niya mabilis lang. Tsaka nandiyan naman sina Tere. Basta mamayang gabi sa bahay ka namin matutulog."
"Sige na nga hintayin na lang kita. Kung hindi lang talaga kita love Aisha Marie hindi ko gagawin to."
"Thank you! Thank you Sammy. Nandiyan naman si kuya eh kaya safe ka. Di ba sabi niya sasama siya sa clubbing kasi niyaya siya ng nga enployees?."
"Alangan naman mag inuman kami ng kuya mo? Di ba hindi naman siya umiinum?"
"Uniinum pero hindi naglalasing yan. Tsaka allowed ka maglasing ngayon. Twenty ka na."
"Ano ka?"
"Hahaha sige, pag nalasing ka sa isang lalaki ka lang sasama ha? Kay kuya huwag sa iba."
"Gaga."
"Sasabihan ko si Kuya na magkasama kayo. Pasensiya na talaga. Tsaka mas gusto ko si Kuya para sa iyo kaysa kay Kuya Earl. Hahaha dapat pala prina project natin kuya ko eh. Operation Paibigin si Aidan."
"Baliw ka din talaga eh. Maiinlove ba yan sa akin? Sa tingin mo?"
"Oo. Loveable ka kaya. Tsaka gusto niyan yung mga manang na sexy. Magdamit ka kasi ng sexy."
"Ano palang time ka uuwi? Pwede bang sa bahay ka na lang namin mag sleep over huwag sa bahay niyo? Kasi i uuwi ako ng Kuya mo pag ganun ang nangyari eh."
" Usap na lang tayo later. Tawagan kita. Kung hindi naman matutuloy eh di tomorrow or change sched di ba?"
"Alam mo mukhang sinasadya mo to. Ano ba talaga ang reason bakit gusto mo akong ipain sa kuya mo?"
"Uy eto naman hindi naman ganun. Hahahaha. Pero nice idea. Tapos sabihin mo sa akin kung nagtapat na or naiinlove ka na sa kanya ha?"
"Haynaku!"
Aisha! Typical Aisha na puro kalokohan ang iniisip niya. Ano kaya ang gagawin niya pag nalaman niya na nanliligaw ang kuya niya sa akin? Ayaw kong sabihin sa kanya kasi gusto ko kuya niya ang magsasabi sa kanya. Kanina kasi napagkasunduan na ituloy yung party sa club ng kapatid ni Architect Earl. Tinanong ni Aisha sa kuya niya kung gusto niyang sumama. Nung first ayaw niya kasi daw may gagawin pa siya or something pero in the end, sasama na daw siya. Sinabi pa niya na the drinks on me. Kaya dobleng natuwa si Aisha at yung mga nagplanong mag clubbing kasi hindi na sila ang magbabayad. Kaya ko naman bayaran din pero kuripot ako hindi ako maglalabas ng pera hahahaha. Bahala sila.
Pero nung nalaman ko na treat ni Aidan parang nahiya ako sa kanya kasi nagregalo pa siya ng expensive bracelet tapos pati clubbing na I know will not be that cheap. Kawawa naman. Pero sabi nga ni Aisha, bilyonario naman kaya pabayaan lang daw.
"Sam?"
"Sir?"
"Tara na. Daan muna tayo sa bahay niyo para makapagpalit ka then sa bahay namin para makapagpalit din ako, okay lang ba sa iyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/151633349-288-k830997.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BEST FRIEND'S KUYA (Completed) #Wattys2018
RomanceSa title pa lang alam niyo na na ito ay kwento tungkol sa best friend at kuya ng best friend. I'm sure marami na din kayong nabasang kwento tungkol sa Best Friend at si Kuya as a matter of fact may story din akong ganyan kaso nakashelf (shelved tal...