SAM
"Guys, utos sa taas lahat over time tayo ngayon dito sa department natin. Wala daw uuwi ng 5, may kailangang tapusin."
That's Mark announcing it to us. Everyone groaned. Siyempre Friday lahat gusto uwi agad kasi nga naman weekend may mga gimik na pupuntahan. Ako naman, birthday ko. Mom and Dad are not here and bukas pa ang uwi nila from Davao or Cebu ba yun? Si Aisha nag greet na siya kaninang umaga and she told me bukas na lang din siya makakauwi kasi nasa Ilocos Norte sila ng mga groupmates niya for their class field trip. So no choice kundi umuwi sa bahay sana to eat the bihon that my yaya cooked. Sina Ate naman wala din kasi may surgery yung isang kapatid ko at yung isa kasama din nina Mommy. Haay naman ang saklap ng buhay. Ay nandun pala yung isang ate ko sa bahay kaso may chicken pox hahahaha. And now the boss wants us to have over time. Saklap talaga hahahaha. Sa HR di rin ako included sa may bday ngayon so, siguro talagang ang mga trainees hindi included sa mga celebrations sa opisina.
Si Sir Earl naman hindi pumasok today kasi na transfer siya sa Davao. Okay lang naman yata sa kanya yun kasi ganun na naman ang ginawa sa kanya last time. Pag kailangan siya, dun siya nilalagay ng kompanya. Nagtext lang siya kanina na nasa airport na siya and he needed to report sa Davao.
SI Aidan naman, hindi ko pa nakikita. AY kaninang umaga pala nakita ko siya. Hindi yata niya ako nakita kasi dire direcho lang siya. Naisip ko na naman yung nangyari kagabi. Nagalit siya sa akin about sa sinabi ko. Ang tanga tanga ko kasi at bakit ko sinabi sa kanya na boyfriend ko si Earl. Babawiin ko na lang pag kinausap niya ako or tinext niya ako.
"Sam, pinapatawag ka ni Sir Aidan sa opisina niya. Naku girl ingat ka kasi mukhang masama ang timpla niya parang may period eh. Sinigawan ba naman ako. Wala naman akong kasalanan."
"Ikaw din? Kaninang umaga binate ko siya sa may parking, hindi man lang siya nagreply. Eh pag yan pag nasasalubong ko, siya pa ang unang ngumingiti eh."
":Haynaku, basta Sam ingat ka. Pero hindi ka naman niya siguro sisigawan kasi close kayo hehehe."
"Go ka na at baka sugurin ka ditto."
Shit, ano kaya ang sasabihin sa akin at pina[patawag ako. Eh hindi naman ako tinatawag ng mamang yan kung walang sasabihin eh. Huwag lang niya akong susungitan at aawayin ko din siya. Hmp.
AIDAN'S OFFICE
"Sir, nandito na po si Sam."
"Thank you Joel, papasukin mo siya."
"Pasok ka na Sam."
"Thank you Kuya Joel."
"No problem Sam."
Nakatalikod siya sa akin may kinukuha sa cabinet sa likuran niya. Nakatanggal ang coat niya at nakalislis ang sleeves ng black shirt niya. Pagharap niya sa akin, may binabasa siya at hindi man lang ako tinignan. Naka tie siya ng light gray at nakasuot siya ng glasses. Shet ang guapo niya. Bakit kaya pag ang lalaki ang nagsuot ng glasses, sexy.
"Sir?"
"Sam, i edit mo nga tong proposal na ito. I want it this tonight. Dito mo na gawin yan diyan sa table na yan."
"Okay sir."
Nang uupo na ako sa upuan kung saan niya ako inutusang umupo.
"Sam..."
"Sir?"
Tinignan ko siya. nakatingin siya sa akin. Malungkot. Shit Sam kasalanan mo yan eh. Bakit kasi di mo na lang sabihin sa kanya ang totoo.
"Wala. Sige ituloy mo na lang yan."
"Okay Sir."
Galit nga siya kasi nagpapatawag ng "Sir" sa akin. Hindi man lang niya I correct ito. Akala ko ba eh bsuy kami dapat ngayon bakit siya wala namang ginagawa? Nakatunganga lang siya at nag shu shoot ng crampled paper sa basurahan. Pag tumitingin ako sa kanya, he will aslo blankly stare at me. Gusto kong umalis para gawin na lang ang trabaho sa labas at least pwede ako mag concentrate pero when I attempted to go out tinanong ako saan ako pupunta. Nakakainis tong lalaking to. Pero shit, ang guapo pa din niya kahit na walang magawang matino. Nang biglang magring ang phone niya.
"Hello?"
silence
"Oh, Kristina. Hello. Nice of you to call. Ako? Nasa opisina pa eh. Dinner? Kailan? Hahahaha oh you know I don't have a girlfriend. Busy sa work eh. Tsaka, yung babaeng gusto ko kasi nakipag boyfriend sa empleyado ko. Hahahhaha. Kasalanan ko ba kung gusto ko siya? "
silence
"Hahahaha may ipapakilala ka sa akin? Maganda ba? Sexy? Mahinhin? Hindi? Huwag na. Gusto ko yung mga bata pa sa akin 6-7 years younger siguro. At mahinhin at maganda. Meron pa, yung nililigawan ko ganun eh. Matalino din pero mukhang when it comes to love may pagka tanga. hahahaha kasi hindi ako ang pinili niya eh, yung empleyado ko>"
silence
"Ano ginawa ko sa empleyado ko? Hindi. Hindi ko naman sinaktan. Hindi ako ganun eh. Itinapon ko lang siya sa Mindanao. Balak ko nga next week ipatapon ko siya sa branch naming sa Qatar eh. Sa Malaysia sana pero malapit masyado. Kaya sa Qatar. Tignan natin kung makakapag I love you han pa sila."
silence
"Hahahahaha! Ewan ko sa kanila, pero yung trabaho sa Qatar ngayon toxic kasi mag uumpisa pa lang. Gagawin ko siyang Operations Head para wala siyang time kahit kamutin ang singit niya. Hahahahaha. May hitsura naman. Bagay kayo? Oo naman. Sige ibigay ko yung number niya sa iyo. Landiin mo huh para masulot ko ang girlfriend niya. Sige Deal."
Gago! Nakakainis talaga tong lalaking to. Shit ang pula pula ko na siguro. Grabe to. Nakikipag usap sa phone nang nakatingin sa akin. Gago talaga to eh. Grrrrrr. Pwede lang na umalis na dito ginawa ko na. Pero...Kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Kung alam mo lang Aidan Francisco. Haaaay. At kaya pala nasa Davao na si Sir Earl. Kawawa naman. Alam kaya niya? Hindi ko siyempre sasabihin sa kanya. Pabayaan ko na landiin siya ni Kristina, kung sino man yun.
AUTHOR: Please vote and comment. Thank you
BINABASA MO ANG
MY BEST FRIEND'S KUYA (Completed) #Wattys2018
RomanceSa title pa lang alam niyo na na ito ay kwento tungkol sa best friend at kuya ng best friend. I'm sure marami na din kayong nabasang kwento tungkol sa Best Friend at si Kuya as a matter of fact may story din akong ganyan kaso nakashelf (shelved tal...