Naoimie's POV
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Eunice. Pagdating namin ay usual lang naman ang nangyari. Sigawan dito, Tilian doon. Halos parehas lang din yung nangyari gaya ng kahapon. Pag dating namin sa Classroom ay agad kaming umupo sa upuan namin. Napansin ko na wala pa sila Ivan. Late na naman siguro dahil baka dinumog na naman sila ng mga babae.Pumasok na si Prof. Pablo at saktong pagpasok niya ay sabay na pagdating ng limang lalake.
"Sorry Prof. we're late" Sabay-sabay nilang sabi
Tumango lang si Prof. at umupo na sila. Pagkaupo nila ay agad kong kinausap si Ivan.
"Naka uwi ka ba ng maayos?" tanong ko sa kanya
"Ah. Oo. Sabi ko naman sayo eh. Magiingat ako para sayo" sagot niya pero meron siyang binulong na hindi ko narinig.
"Ano yun?"
"Ah wala wala. Makinig ka nalang sa Prof."Nakinig nalang ako kay Prof. Wala pang masyadong lessons dahil second day palang.
Natapos ang pasok ko ng walang masyadong ginagawa. Ngunit kinakabahan ako para mamaya. San kaya ako ililipat nila Tatay?
Nagpasundo na ako kay Mang Roger. Pagdating namin sa bahay ay agad kong nadatnan sina Mommy at Tatay sa sala.
"Umakyat kana at magpalit ng damit. Yung mga ibang gamit mo dinala namin dun sa bahay na titirahan mo" sabi sakin ni tatay
Umakyat na ako at pagdating ko sa kwarto ay halos lahat ng gamit ko ay wala na. Natira nalang yung damit na susuotin ko ngayon. Mukang pinapalayas na ako ng mga magulang ko ah. -_-
Pagkababa ko ay tumayo nadin si Mommy at mukang aalis na kami. Hindi yata makakasama si Tatay dahil kaylangan siya sa trabaho niya. Lumabas na kami at pumunta na sa kotse. Ang gaganda ng mga bahay dito sa Villa Bonifacio Subd. . Mahahalata mong mayayaman talaga ang tumitira dito. Nakarating na kami sa bahay na titirahan ko. Isa lang ang masasabi ko lang sa bahay na ito ay WOW *^O^*. Ang ganda ng bahay. Kasing laki lang ng bahay namin.
Papasok na kami ng gate ng mag bukas yung pinto ng bahay at nakita ko si Ivan na siya yung nagbukas.
"Oh andito ka. Kaibigan mo yung nakatira dito?" Tanong ko sa kanya
"Hindi lang yung kaibigan ko yung nakatira dito, pati ako nakatira dito" Tugon niya sabay ngiti
"Wait, so isa ka sa mga makakasama ko sa bahay na ito? at kaibigan, don't tell me kayong mga Prince?! " tanong ko ulit sa kanya
"Oh kilala mo na pa sila anak eh. Dika na kaylangan pang papakilala sa kanila." Sabi ni mommy
"Mi kala ko ba wala kang alam dito. Bakit parang meron?" Tanong ko kay mommy habang naka tingin kay Ivan
"Wala nga, sinabi lang ni Tatay mo" sagot naman sakin ni mommy
"Tara po pasok po kayo." Sabi naman ni Ivan kay MommyPumasok na kami at parang masasabi mo na hindi lalake ang nakatira dito. Sobrang linis. Kala mo walang nakatira. Sobrang ayos ng lugar.
"Kayong lima lang natira dito o may kasama kayong maid?" tanong ko kay Ivan
"Kami lang nakatira dito. Gusto ng parents namin na matuto kaming maging indepentent." tugon niya
"Eh di parehas pala tayo ng sitwasyon."
"Maam gusto niyo po ng maiinom? juice, coffee o water?" tanong ni Ivan kay mommy
"Just call me Tita. And water will do" sagot ni mommy kay IvanKumuha ng tubig si Ivan sa kusina kaya naiwan kami ni mommy sa sala.
"Mi, payag ka ba sa nangyayari ngayon?" Tanong ko sa kanya
"Syempre hindi anak, pero alam mo naman na wala ka ng magagawa pag ang tatay mo na ang kumilos diba?" sabi niya
"Pero mi."
"Hep, Tama na. Wala na tayong magagawa."Dumating na si Ivan na may dalang tubig at ibinigay kay Mommy.
"Ivan, asan yung mga kaibigan mo? bakit wala sila?" tanong ko
"Siguro naglalaro ng basketball sa labas" sagot niya
"Mauuna na ako. May kaylangan pa akong gawin sa bahay eh" Singit na sabi ni Mommy