“GOODNIGHT, Kate, thanks for coming with me,” nakangiting sabi ni Gilbert pagkahatid kay Kate.
“Thank you, too. Hindi ka na ba papasok sa loob?”
Umiling si Gilbert. “Pupunta pa ako sa bahay nila Mommy, eh.”
“Okay.” Hindi nakaiwas si Kate nang bigla siya nitong halikan sa pisngi.
“Bye!” masiglang paalam ni Gilbert bago lumulan sa kotse at tuluyang umalis.
Napapailing na pumasok na si Kate sa electronic gate nila. Napakunot-noo siya nang makita sa garahe ang kotse ni Jane. Napabilis ang paghakbang niya papasok sa bahay. Nagtataka siya kung bakit nagtungo sa bahay nila ang kaibigan. Kadalasan kasi ay tumatawag muna ito o nagte-text bago magpunta sa kanila.
Kaagad naman siyang sinalubong ni Jane sa front door. “Si Gilbert Chua ‘yong ka–date mo, ‘di ba?” tanong nito.
“Yes,” matipid na sagot ni Kate. Hindi na siya nagtaka kung paano nito iyon nalaman. Elevated ang kinatitirikan ng bahay nila at tanaw sa loob ang labas ng gate nila.
“Madaya ka, hindi ka na nagkukuwento. ‘Sabi ni Ken, ilang beses na raw kayong nag-date ni Gilbert.”
“What are you doing here?” sa halip na tugon niya bago bumeso sa kaibigan. Si Jane naman ang hindi sumagot. Humakbang sila papasok sa living room.
Biglang natigilan si Kate nang makita ang mga tao roon. Bukod sa kanyang mga magulang at kanyang mga kapatid, naroon si Paolo at ang lalaking kanyang kinamumuhian - si Jay–Jay.
“Kuya Jay–Jay is finally back, Kate,” sabi ni Jane sa likuran niya.
Hindi siya kumibo. Ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso habang nanatiling nakatingin kay Jay-Jay. Mas mature ang hitsura ng binata pero guwapo pa rin. Mas pumuti rin at mas lumaki pa ang katawan. Nakangiti ito at tila nangungusap ang asul na mga mata habang nakatingin sa kanya.
Napakunot-noo siya sa magandang ngiti ni Jay-Jay. Kung makangiti ito ay tila ba magkaibigan pa rin sila at hindi siya sinaktan noon. Nagbawi siya ng tingin at ibinaling ang tingin kay Paolo na tumayo at lumapit sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi bilang pagbati.
Tumayo rin si Jay–Jay at nilapitan siya. “It’s nice to see you again, Kate,” nakangiti pa ring sabi nito na titig sa kanya.
“Hi,” pilit ang naging tugon ni Kate. Ilang sandaling nagkatinginan sila bago nag-initiate si Jay-Jay na yakapin siya. Awtomatikong lumapat ang mga kamay niya sa likod nito.
“I’ve missed you,” bulong nito sa tainga niya.
She missed him, too. Pero hindi niya iyon isinatinig. Naghahalo sa dibdib niya ang pangungulila at nararamdamang pagkamuhi rito.
“Come on, bro, start na tayo.”
Ang tinig ni Kuya Ken ang nag-udyok kay Kate upang kumalas kay Jay-Jay. Batid niya ang inuman ang tinutukoy ng kuya niya.
Reluctant na kumalas sa kanya si Jay-Jay. Inakbayan ito ng kuya niya at iginaya patungo sa indoor swimming pool. Mabilis namang sumunod si Paolo sa dalawa.
Lumapit si Kate sa mga magulang at humalik sa mga pisngi. Pagkatapos ay nagpaalam na siya na magtutungo sa silid upang magpalit ng damit. Sumunod naman si Jane sa kanya at itinuloy ang pag-uusisa tungkol kay Gilbert.“NAGUSTUHAN mo ba ang regalong ipinadala ko sa kuya mo?”
Muntik nang mapatalon sa pagkagulat si Kate nang biglang may magsalita sa likuran niya habang nakasilip siya sa loob ng refrigerator. She quickly acknowledged the voice. Paglingon niya ay si Jay-Jay nga ang nakita niya. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.
“Bakit ba nanggugulat ka?” mataray na sabi niya rito at pabagsak na isinara ang pinto ng refrigerator.
“I didn’t mean to scare you. Nagustuhan mo ba ang regalo ko?” muling tanong ni Jay-Jay.
Kanina pa sila magkakasama sa pool area. Pagkapos magpalit ng damit ni Kate ay bumaba rin sila ni Jane at naki-join sa inuman. Dumating din ang iba pa nilang mga kaibigan na kinontak ng kuya niya. Pinilit niyang umakto nang normal sa harap ng lahat sa kabila ng presensya ni Jay-Jay; nakitawa rin siya at nakipagkulitan. At nang batiin siya ng binata sa negosyo niya ay nagpasalamat siya. Nalaman niyang permanente nang mananatili sa Pilipinas si Jay-Jay at nauna lang itong umuwi sa mga lolo at lola nito.
“I didn’t even bother opening it. I threw it in a bin,” she replied. It was a lie. Nasa loob ng closet niya ang ibinigay na regalo ni Jay-Jay at wala pa rin siyang interes na buksan iyon. Tinangka na rin niyang itapon iyon subalit sa bandang huli ay hindi niya nagawa at itinago na lang.
“I actually expected you to do that. So after all these years, galit ka pa rin pala sa akin, Kate,” amused na sabi ni Jay-Jay.
“What did you expect? I-welcome ka with open arms pagkatapos ng ginawa mo sa akin noon, ganoon ba?” pigil ang pagtaas ng boses na sabi niya.
“You’re still mad at me. It means you still feel something for me,” confident na sabi pa nito. Nakataas pa ang isang sulok ng mga labi.
Napamaang siya sa narinig. Hindi siya nakapagsalita dahil tila sinampal nito sa kanya ang katotohanan.
Biglang sumeryoso ang binata. “I have long wanted to apologize to you, pero ilang beses mo akong tinakasan. I’m so sorry for what I did, Kate. But believe me, ginawa ko lang ang inaakala kong makakabuti para sa atin.”
Yeah right. Kung talagang gusto nitong humingi ng tawad, noon pa dapat para man lang sana mai-save ang friendship nila; sinundan man lang sana siya nito sa Davao. Ilang beses na rin naman nakarating si Jay-Jay sa hacienda ni Papa Angelo kasama ng mga kaibigan nila. Pero hindi nga nito ginawa na labis na nakadismaya sa kanya.
Humugot ng malalim na hininga si Kate at sandaling tinitigan si Jay-Jay bago nagsalita. Ngayong nagbalik na ito, sa sobrang closeness ng mga pamilya nila, batid niyang magiging madalas na naman ang pagkikita nila. At hindi siya papayag na mabago ang nakasanayan niyang routine sa pakikipagkita sa mga kaibigan nila para lang makaiwas kay Jay-Jay.
“Okay, I accept your apology. But do me favor, stay away from me.” Iyon lang at iniwan na niya ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/153031307-288-k920412.jpg)
BINABASA MO ANG
More Than Anyone - Published under PHR
RomancePara makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best friend nitong si Jay-Jay na bantayan siya. Lingid sa kaalaman ng lahat, dating nakarelasyon ni Kate s...