HINDI naiwasan ni Jay-Jay na makaramdam ng paninibugho nang makitang magkasama at magkatabing nakaupo sa isang table sa loob ng Amelia’s Ortigas branch sina Kate at James. Nakatingin ang dalawa sa magazine sa harap ni Kate habang nakapatong ang isang kamay ni James sa sandalang inuupuan ng dalaga. James assured him long time ago that he cared about Kate and loved as a friend, kaya dapat ay hindi na siya makaramdam ng ganoon. Totoong masaya siya sa nakumpirma kagabi na galit pa rin si Kate sa kanya. Ang ibig lang sabihin ay may nararamdaman pa rin ito sa kanya.
He still wanted to win her back. Nakahanda siyang gawin ang lahat mapatawad lang siya ni Kate. Pero paano kung nag-iba na ang ihip ng hangin at nagkakagustuhan na pala sina James at Kate?
Tila gusto na niyang pagsisihan ang ginawang pakikipaghiwalay kay Kate noon. O sana man lang ay noon pa niya sinubukang humingi ng tawad baka sakaling nai-save pa ang friendship nila. Naging mayabang kasi siya. Umasa siya na kapag nag-mature si Kate ay mauunawaan nito ang punto niya sa pakikipaghiwalay at patuloy pa rin siya nitong mamahalin. Miss na miss na niya ang dalaga. Ilang taon niya itong tinikis at nakuntento lang siya sa pakikibalita at pagtingin sa mga litrato nito sa Website at Facebook account ng barkada nila. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat upang tuparin ang ipinangako niya noon.
Bago pa mapigilan ni Jay-Jay ang sarili ay nilapitan niya ang dalawa. Nagtaas ng tingin si James at nakita siyang papalapit.
“Bro!” nakangiting bati nito na mabilis na tumayo.
Ngumiti rin siya, nag-high- five sila at nagtapikan ng balikat.
“Sorry kagabi, bro, nasa Tagaytay ako kaya hindi ako nakapunta kina Ken,” ani James.
“It’s okay, bro. Sa Sabado sa bahay tayo, ha?”
“Sure, bro.”
Binalingan ni Jay-Jay si Kate na nakamata lang sa kanila. “Kate,” nakangiting bati niya.
“Hi!” nakangiting tugon nito na alam niyang peke.
Napailing siya, yumuko at mabilis na hinalikan sa pisngi ang dalaga.
“Join us, bro,” ani James habang umuupo. “Nagtatrabaho ka ba?”
“No. Wala pa akong pasok, but I want to talk the manager,” tugon ni Jay-Jay habang umuupo sa isang silya sa tapat ni Kate, pagkatapos ay tinignan niya ito. “Can I invite you out to dinner tonight, Kate?” Kaagad nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at halatang nagulat sa biglang imbistasyon. “Susunduin kita ng seven PM sa house n’yo,” sabi pa niya.
“I can’t. Hindi ako puwedeng magpuyat, may early client meeting ako tomorrow.”
“How about the day after tomorrow? Kailan ka ba libre?”
“I don’t know. Lagi akong busy.”
Napabuntong-hininga si Jay-Jay. Nang mapatingin siya kay James, amused itong nakatingin sa kanya at tila nagpipigil lang na humagalpak ng tawa. Lumagpas ang tingin niya sa likuran ni James at nakita niya ang pagdating ng manager ng restaurant na kailangan niyang kausapin. Nagpaalam na siya at tumayo na.
“On the house na ‘tong order n’yo.”
“Thanks, bro,” ani James.
Muling tumingin si Jay-Jay kay Kate na nakayuko sa binabasang magazine. “I’ll see you one of these days, Kate,” aniya at naglakad na patungo sa opisina ng manager.“JAY-JAY is trying to win you back, huh?” amused na sabi ni James habang nakasunod ng tingin sa papalayong si Jay-Jay.
Gulat na napatingin si Kate sa kaibigan. “What do you mean?” Nagkita sila ni James sa Amelia’s upang sa wakas ay maibigay nito sa kanya ang pasalubong nitong magazines na may kinalaman sa business niya. Nagbabakasyon lang sa Pilipinas ang kaibigan niya. Magkaiba man sila ng unibersidad na pinasukan, pareho naman sila ng kurso at sabay na nag-OJT sa Incredible Concepts. Sa Seattle na ito nakabase at pinamamahalaan ang isa pang negosyo ng mommy nito na minana sa namayapang kapatid.
“Come on, Kate. Alam ko na naging kayo ni Jay-Jay noon. Inamin niya mismo sa akin.”
“What?”
“Nakita kasi niya ako noon sa Seattle habang nakikipagdate. He was so mad at me back then because he thought you were my girlfriend at that time and I was cheating on you. Doon ko nahalata na may feelings siya sa ’yo at later on, umamin siya na nagkaroon nga kayo dati ng relasyon,” paliwanag ni James.
Hindi siya nakapagsalita. Mas lalo siyang namuhi sa dating nobyo. Kailan pa ito naging madaldal? She knew James was a trusted friend and could hide secrets. Pero kahit na. Pinanatili na lang sana ni Jay-Jay sa pagitan nila ang naging relasyon nila. Tutal, nauwi rin naman iyon sa wala.
“Don’t worry, Kate. Sa tingin ko naman, wala nang ibang pinagsabihan si Jay-Jay ng sekreto n’yo,” anito na tila nahulaan ang iniisip niya. “So bakit ayaw mong sumamang makipag-date kay Jay-Jay?”
“Tinatanong pa ba ‘yon?” masungit na balik tanong niya.
Natawa si James. “I believe, mahal ka pa rin ni Jay-Jay, Kate. Why don’t you give him another chance?”
“I don’t know why he asking me out, James. But FYI, may girlfriend si Jay-Jay na naiwan sa Seattle.”
“Really? Hindi ko alam ‘yon, ah.”
“Yeah, so don’t play Cupid dahil mag-aaksaya ka lang ng panahon,” aniya at walang paalam na tumayo upang magtungo sa ladies’ room.HINDI nga nakasama ni Jay-Jay sa dinner si Kate kinagabihan. Ngunit tinawagan naman siya ni Ken at inimbitahang lumabas dahil may kailangan daw ito sa kanya.
“Spill it out, bro,” ani Jay-Jay nang makalipas ang mahigit isang oras na pagkukuwentuhan ng kung ano-ano ay hindi pa rin sinasabi ni Ken ang kailangan nito sa kanya.
“I need someone to look after Kate while I’m in Davao.”
Napakunot- noo siya. “What for?”
“I just want to make sure na hindi na uli sasamang makipagdate si Kate sa Gilbert Chua na ‘yon.”
“Bakit, bro? May ginawa bang masama kay Kate ang lalaking ‘yon?” naalarmang tanong niya.
Umiling si Ken. “Wala naman. But I had him investigated. I don’t think sincere si Gilbert sa kapatid ko, bro. Maybe he was just courting my sister because his parents asked him to do so. Papalugi na pala ang construction business ng parents niya at ilang beses nang nag-alok ng partnership ang parents niya sa Builders. Of course tumanggi sina Daddy. Ngayong nalulugi na sila, Kate would be a saving grace to his family kung magkakamabutihan sila ng lalaking ‘yon.”
“That’s possible, bro,” pagsang–ayon niya. Hindi kaila sa kanya na nangyayari talaga iyon sa mundong ginagalawan nila. “Sinabi mo na ba kay Kate ang hinala mo?”
“Yes. Kinausap ko na siya kaninang hapon lang at inutusan na itigil na ang pagkikipagmabutihan sa lalaking ‘yon. Pero tumanggi siya s’ya at hindi naniwala sa hinala ko. Paranoid lang daw ako at makikipagdate pa rin daw s’ya sa lalaking ‘yon,” dismayadong sabi ni Ken.
“Ano’ng sabi nina Tito Kurt sa natuklasan mo?”
“Hindi ko pa sinasabi kina Daddy. Alam mo naming spoiled sa kanila si Kate. I’m sure kakampihan lang nila si Kate. Saka ko na lang sasabihin sa kanila kapag siguradong-sigurado na ako sa motibo ng lalaking ‘yon kay Kate.”
“Do you want me to do something?”
“Ano’ng plano mo?” tanong naman ni Ken na nakuha ang ibig niyang sabihin.
Nagkibit-balikat si Jay-Jay. “Wala naman, gusto ko lang sindakin.” Ken had a reputation for being an overprotective brother, a playboy and a badboy. Pero nagiging bad boy lang naman ito at nagiging warfreak kapag na-agrabyado ang mga mahal nito sa buhay. At kadalasan, kapag napapaaway noon si Ken ay kasama rin siya, ang pinsan nitong si Gabe, at ang pinsan niyang si BJ. Ngayong si Kate na ang involved ay hindi siya magdadalawang-isip na siya naman ang gumawa ng gulo.
Umiling si Ken. “I can manage, bro. Ang plano ko, susunduin ko na lang si Kate sa trabaho para makasigurong hindi na siya sasamang makipag-date sa lalaking ‘yon. The problem is, I have to go to Davao tomorrow. Ipinapatawag ako ni Papa Angelo. That’s why I want to ask a favor from you. Puwede mo bang bantayan si Kate at huwag hayaang makipagdate uli sa lalaking ‘yon habang wala ako? Hinding-hindi ako makakapayag na makatuluyan ng kapatid ko ang isang gold digger, bro.”
Napataas ang isang sulok ng labi ni Jay-Jay. “Gaano katagal ka namang mawawala?” kaswal na tanong niya habang pinaglalabanan ang nararamdamang excitement sa dibdib. Madali lang gawin ang pabor na hinihingi ni Ken. Iyon nga ang gusto niya, ang makasama si Kate. Hindi na magagawang umiwas ng dalaga sa kanya. Nakahanda siyang bantayan ito buong maghapon at kahit na may event pa ito ay sasamahan pa rin niya. May isang linggo pa naman siyang bakasyon bago sumabak sa trabaho.
“Just one week. Wala ka pa namang pasok at close naman kayo ni Kate. Mapapanatag ang loob ko habang nasa malayo ako kung alam kong may poprotekta kay Kate laban sa lalaking ‘yon. Nasa Seattle naman si Caroline. Wala kang magiging problema sa girlfriend mo kung sakali.”
Nagulat si Jay-Jay sa narinig. “Bro, hindi ko girlfriend si Caroline. Wala akong girlfriend,” paglilinaw niya.
“Really? But I thought…”
Mabilis siyang umiling. “Magkaibigan lang kami ni Caroline.”
“Well, that’s good. So payag ka ba sa favor na hinihiling ko?”
Mabilis na tumango siya. “Of course. Anything for Kate, bro,” nakangiting tugon niya.
“Thanks. I owe you big time, bro,” nakangiti na ring sabi ni Ken. Itinaas pa nito ang hawak na beer at nakipag-cheers sa kanya.

BINABASA MO ANG
More Than Anyone - Published under PHR
RomansaPara makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best friend nitong si Jay-Jay na bantayan siya. Lingid sa kaalaman ng lahat, dating nakarelasyon ni Kate s...