NAGPATULOY ang buhay pagkahatid sa huling hantungan kay Lolo Frank. Muling pumasok sa opisina si Kate at nagbalik sa kanyang dating routine. Subalit makalipas ang tatlong araw ay nag-umpisa na siyang tumamlay at mawalan ng ganang magtrabaho. Hinahanap-hanap kasi niya ang presensya ni Jay-Jay. Muli na naman kasi siyang nasanay sa presensya nito nang maging magkaibigan uli sila at tila naghalong parang bula ang galit na nararamdaman niya nang pagtaksilan siya nito. Gustong-gusto na niyang tawagan ang binata upang kumustahin subalit lagi ay nauunahan naman siya ng hiya.
Nang araw na iyon ay nag-half day si Kate sa trabaho. Ihahatid kasi nila ni Jane si Trisha sa airport. Babalik na sa San Francisco ang best friend nila at ilang buwan na naman ang lilipas bago ito bumalik sa Pilipinas.
Si Kate ang unang dumating sa bahay ni Trisha. Habang nag-aayos si Trisha sa silid at hinihintay nila ang pagdating ni Jane ay pinuna nito ang katamlayan niya. “Are you okay, Kate? Si Jay-Jay ba ang dahilan kaya ka malungkot o dahil aalis na naman ako?”
Napangiti siya. “Sanay na akong lagi kang umaalis, ‘no. Nami-miss ko lang si Jay-Jay,” pag-amin niya.
“But I thought okay na uli kayo.”
Mabilis siyang umiling. “Naging magkaibigan lang uli kami noong maospital at mawala si Lolo Frank, Trish. Pero pagkatapos ng interment ni Lolo Frank, balik na naman kami sa dati.”
Napabuntong-hininga ito. “Sis, kung mahal mo pa si Jay-Jay, bakit hindi mo s’ya bigyan ng second chance?”
“You mean a third chance? Paano ko naman gagawin ‘yon kung ayaw na niyang makipag-reconcile sa akin?”
Napakunot-noo si Trisha. “Ano’ng ibig mong sabihin sa third chance?”
Huminga muna nang malalim si Kate bago sumagot. “Eighteen ako noong una kaming magkaroon ng relasyon ni Jay-Jay.” Lumarawan ang pagkamangha at pagkagulat sa mukha ng kaibigan. Nagpatuloy siya. Isiniwalat niya rito ang sekreto nila ni Jay-Jay at ang buong pangyayari.
“I remember lagi kang nagmumukmok noon at bumaba pa ang grades mo, so dahil ‘yon sa first breakup n’yo ni Jay-Jay?”
Sunod-sunod siyang tumango. “I’m sorry, sis, naglihim ako sa inyo ni Jane.”
Nakakaunawang ngumiti si Trisha at hinawakan ang kamay niya. “Mahal n’yo na pala ni Jay-Jay ang isa’t-isa simula pa noong eighteen ka, or maybe mas matagal pa. Ngayon ako mas naniniwala na dapat mo pa s’yang bigyan ng another chance dahil sa totoo lang, naniniwala ako na nagsasabi ng totoo si Jay-Jay. At base na rin sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, hindi si Jay-Jay ang tipo ng lalaking magtsi-cheat.”
“Trish, paano ko s’ya bibigyan ng another chance kung hindi naman s’ya nakikipag-reconcile sa akin? Noong hiniwalayan ko s’ya, he just accepted it. Masama rin ang loob niya sa akin kasi hindi ako naniwala sa kanya.”
“Walang masama kung ikaw ang mag-i-initiate para magkabalikan kayo. Hahayaan mo na lang ba na tuluyang mawala sa ’yo si Jay-Jay?”
Mabilis na umuling si Kate.
Nang maihatid nila ni Jane si Trisha sa airport ay determinado na siyang gumawa ng hakbang upang makipag-ayos kay Jay-Jay.
“Kumusta ang kuya mo?” tanong niya kay Jane habang nasa biyahe na sila pabalik sa bahay ni Trisha upang kunin ang kotse niya.
“Ayun absent na naman sa office. I’m sure naglalasing na naman ‘yon,” dismayadong tugon ni Jane habang nagda-drive.
Nagulat siya at kaagad nag-alala. “Lagi bang naglalasing ang kuya mo?”
Tumango si Jane. “Simula ng mailibing si Lolo. Hindi rin siya pumapasok sa office at halos hindi rin kumakain.”
“Do you think okay lang na bisitahin ko s’ya?”
Biglang napabaling sa kanya ang kaibigan. “Of course!” mabilis na tugon nito. “Please talk to him, Kate. Nag-aalala na kaming lahat sa kanya. Alam kong ikaw lang ang makakakumbinsi kay Kuya na tumigil sa ginagawa n’ya.”
“Okay.” Dumiretso na kaagad sila sa bahay ni Jane.
Nagulat si Kate nang sa front door pa lang ay kaagad nang sumalubong sa kanila ang mommy ni Jane.
“Thanks God, you’re here, Kate. Tatawagan na sana kita,” relieved na sabi ng ginang.
“May nangyari po ba?” nag-aalalang tanong niya.
“Si Jay-Jay kasi. Ilang araw nang nagkukulong sa kuwarto niya at lagi lang naglalasing.”
“Nasabi na nga po ni Jane. I’ll try talk to him, Tita.”
“Yes, please.”
Matapos makuha ang duplicate key ay kaagad na nagtungo si Kate sa silid ni Jay-Jay.GUMUGULONG na basyo ng Jack Daniels ang sumalubong kay Kate pagpasok niya sa silid ni Jay-Jay. Mula sa ilaw na nagmumula sa bedside lamp ay nakita niyang nakasalampak ang binata sa carpet at nakasandal sa gilid ng kama.
Pinindot niya ang switch ng ilaw. “Shit!” sambit ni Jay-Jay at inilagay ang isang kamay sa tapat ng noo upang hindi masilaw sa liwanag.
Humakbang si Kate habang pinagmamasdan ang hitsura ni Jay-Jay. Nakasuot ito ng boxers at itim na sando. May hinala siyang ilang araw na itong hindi naliligo. Makapal na rin ang bigote nito sa mukha at kailangan na ng haircut ng magulong buhok.
Huminto siya sa tapat ng binata. “Ito ba ang buhay na gusto mo?” sarcastic na tanong niya.
Ibinaba ni Jay-Jay ang kamay at gulat na tumingin sa kanya. “Kate?”
“Ako nga. What happened to you? Look at yourself, Jay-Jay. Hindi ka ba nahihiya sa Lola mo sa ginagawa mo? Binibigyan mo ng problema ang mga tao sa paligid mo,” panenermon niya.
Nagbawi ito ng tingin at mabagal na tumayo. “Kung nagpunta ka lang dito para lang pagalitan ako, makakaalis ka na. Hindi kita kailangan.”
“Do you really mean that? Hindi mo na ako kailangan?” nasasaktan tanong niya.
“Just leave, Kate.” Naglakad ito patungo sa isang wooden cabinet at mula sa isang drawer ay inilabas ang isa bote ng Jack Daniels.
Nilapitan niya ang binata at pilit sinalubong ang tingin nito subalit nag-iwas din ito ng tingin.
“Tell me that you don’t love me anymore, Jay-Jay. Sabihin mong hindi mo na ako kailangan.”
“Ano pa ba ang kailangan mo?” iritableng tanong nito. “We’re done, Kate. I don’t need you in my life!”
“Maybe you don’t need me anymore. But I need you.” Bigla itong napatingin sa kanya. “Siguro naakit ka lang kay Caroline kaya nagawa mong pagtaksilan ako pero nakahan-”
“I never cheated on you, Kate,” mabilis na putol nito sa sinasabi niya.
“It doesn’t matter, Jay-Jay. I can forget it, I can forgive you.”
“No, Kate, it matters,” mariing giit ni Jay-Jay. “I was faithful. Kailan ka ba maniniwala na nagsasabi ako ng totoo?” masama ang loob na tanong nito.
Hindi siya nakasagot. Matagal na nanatiling nakatingin lang siya sa asul na mga mata ng binata. Suddenly, she felt guilty when she saw the sincerity in his eyes.
Hindi na niya napigilan ang biglang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata nang mapagtantong nagsasabi ng totoo si Jay-Jay. Alam naman niya na liberated si Caroline at interesado pa rin sa kanyang nobyo. Bakit mas pinaniwalaan niya ang nakita ng kanyang mga mata kaysa sa paliwanag ng lalaking mahal niya? Hindi siya sigurado kung para saan ang mga luhang iyon, kung dahil ba naging faithful talaga si Jay-Jay sa kanya o dahil sa pagkakamaling nagawa niya.
“I’m so sorry if I doubted you, Jay-Jay,” hiyang-hiya na sabi ni Kate. “Please give me another chance. I want you back, mahal na mahal pa rin kita. Kung willing ka pang mahalin ako…”
Hinawakan siya nito sa balikat. “I never stopped loving you, Kate. Of course I still want you in my life.”
Isinubsob niya ang ulo sa dibdib ng binata. Niyakap naman siya nito nang mahigpit. Matagal na silang magkayakap nang bigla itong may maalala at mabilis na kumalas sa kanya. “Nakakahiya naman sa’yo, ang baho-baho ko.”
Tumatawang nagpahid siya ng mga luha.
“Mabuti naman alam mo,” kunwari ay galit na sabi niya. “Kung hindi lang talaga kita mahal nungkang magpayakap ako sa ’yo.”
Kinuha nito ang kamay niya at mabilis na hinalikan. “I love you, Kate. And I promise, you will be the last woman that I will ever love.”
“I love you, too,” tugon niya. Anyong hahalikan siya nito sa mga labi nang biglang magbago ng isip nito.
“I’ll just take a quick shower first,” paalam nito at mabilis na kinintalan ng halik ang noo niya. Pagkatapos ay nagmamadali na itong pumasok ng banyo.
Natatawang inilibot niya ang tingin sa magulong kuwarto na halatang ilang araw nang hindi nalilinis. Nang mapagawi ang tingin niya sa isang pamilyar na box na nakapatong sa ibabaw ng cabinet, kinuha niya iyon at tinanggal ang takip. Ngayong nagkabalikan na sila ni Jay-Jay ay sa kanya na uli ang mga laman ng box. Mabuti na lang at hindi nito naisipan sunugin o itapon ang mga iyon.
Kinalkal niya ang kahon at napangiti siya nang makita ang balumbom ng mga sulat at mga card. Naalala niyang ang mga iyon ang laman ng regalong ipinaabot noon ni Jay-Jay sa kuya niya. Mga sulat at mga card na isinulat nito noong nasa Seattle pa ito at hindi nagawang ipadala sa kanya. Napaiyak pa siya nang isa-isa niyang binasa ang mga iyon.
Hinanap niya ang mga alahas na ibinigay rin ni Jay-Jay at muling isinuot. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa pinto. Anyong pipihitin niya ang doorknob nang lumabas ng banyo si Jay-Jay na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan.
“Where do you think you’re going?” nakangiting tanong nito habang lumalapit sa kanya.
“Sasabihin ko lang sa pamilya mo ang good news na tayo na uli.”
“We can do that later.”
Muntik nang mapairit si Kate nang bigla siyang buhatin ni Jay-Jay at patumbang inihiga sa kama. Nagsalo sila sa matagal na tawanan at sandali silang nagkatitigan bago sabik na nagtagpo ang kanilang mga labi.
“I’ve missed you so much,” aniya sa pagitan ng mga halik.
“I’ve missed you more,” tugon nito. At ilang sandali pa ay pinatunayan nila kung gaano nila na-miss ang isa’t- isa.PEACH SEVILLA
***Wakas***
BINABASA MO ANG
More Than Anyone - Published under PHR
RomansPara makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best friend nitong si Jay-Jay na bantayan siya. Lingid sa kaalaman ng lahat, dating nakarelasyon ni Kate s...