Chapter 1: First Day of School

1.3K 34 1
                                    

-Haylee | Tapat ng Bahay-

Kasama ko si Tyree at Abigail sa tapat lang ng bahay. Nag-picture muna kami bago kami umalis at pumunta sa university na papasukan namin para sa first day. Hay, kinakabahan ako! Ngayon lang ako makaka-pasok sa malaking university! :/

Pumasok na kami sa kotse tapos maya maya umandar na yung kotse. Habang nagda-drive yung driver, ako tumitingin lang sa labas. Ganda ng view. Ang linis ng mga daan. Tumataas palang yung araw. 5:45 palang kasi eh. 6:30 magsta-start yung classes.

Kinuha ko nalang phone ko para may magawa ako. Nag-sound trip ako habang tingin tingin sa labas. Wala pa masyadong tao. Tinanong ko naman sa driver kung ganon talaga dito. Nagnod naman sya.

Tumigil kami sa tapat ng malaking building. Yun na yung university na papasukan ni Tyree. Hinug namin ni Abigail si Tyree tapos kumaway na din kami.

-Haylee | Tapat ng University-

Nagyakapan kami ni Abigail at nagpasalamat ako sa driver at naglakad na ako papasok. Labas palang ang dami ng tao. Gulo dito. Madami atang old students pero parang meron din mga new. Dere-deretso lang ako at tingin sa mga gilid kaya ayun bumangga ako sa lalaking naka-talikod. Tumingin sya sa likod nya at nakita nya ako. Aishh!!! Ba't ba di ako natingin sa dinadaanan ko? ;(

"Ay! Sorry po!" Sabi ko tapos nagbow ako sakanya

Ayoko sya tingnan. Baka nakakatakot yung mukha.

"Ok lang." Sabi nya tapos kinuha ko na yung nahulog ko na envelope

Tumingala ako para tingnan sya tapos pagka-tingin ko sakanya, naka-smile sya. Ang pogi nya!!! >_<

"Ok ka lang po ba?" Tanong ko

Gusto ko pa sya tingnan

"Ok lang. Ikaw, ok ka lang ba?" Tanong nya sakin

"Ah. Opo. Ok lang po ako." Sabi ko at sa kahiyaan ko, pinatuloy ko na ang paglalakad

Dami kasing naka-tingin eh, di ko tuloy natanong yung name nya :(

-Sa classroom | Haylee-

Umupo ako sa gilid at nilapag ko yung bag ko sa tabi ng chair na inuupuan ko. May mga tao na din. Hay, di ko matanggal sa isip ko yung lalaki kanina. Ang pogi kasi eh. Sana kaklase ko sya.

May tumabi sakin at kumaway sakin. Babae sya, ang ganda nya naman. Sana sing-ganda ko nalang sya.

"Hi. Ano pangalan mo?" Tanong ng girl

"Denden po." Sagot ko at nag-smile ako

"First time mo lang ba mag-aral dito sa Riverflow?" Tanong ng girl

"Ah. Hindi po. Riverflow po ako nag pre-school." Sagot ko

"Edi old student ka na." Sabi ng girl

"Ah, hindi po. Tagal na din po nun at sa Korea po ako nag Riverflow." Sabi ko

"Ahh. Ganon ba." Sabi nya

"Ako nga pala si Ella." Sabi ni Ella sabay smile

"Ahh. Ella. Nice to meet you po." Sabi ko

"Wag ka na mag-po. Magka-klase naman tayo eh." Sabi ni Ella

Ganda nya na, bait pa ^_^

"Ahh sige." Sabi ko tapos tumunog yung pintuan

Pumasok na yung kaninang nabangga ko!!!! ^_^ Ang pogi nya!

Nakatingin lang ako sakanya. Nakatitig lang. Ang pogi kasi eh.

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon