Chapter 9: Magbabago Nga Ba?

616 19 0
                                    

-Gym | Denise-

Pumasok ako tapos nakita ko kagad si Jane at Ella. Nilapitan ko sila tapos pina-upo nila ako.

"Ano yung ikwekwento nyo?" Tanong ko

"Si Jacob!" Sabi ni Ella

"Ano nanaman?" Tanong ko

"TWO-TIMER! Girlfriend nya si Ari at Rose!!" Sabi naman ni Jane

"Pshhh. So?! Alam ko na yun at alam nyang alam ko. Di ko nanaman na crush yun. Panget ng ugali." Tinawag na kami nung coach tapos nagstart na training namin

-After 2 hours | Denise-

Umupo ako sa bench tapos pinunas ko yung pawis ko gamit yung ginamit kong damit kanina.

"Kailangan ko na umalis Ella at Jane. Madami pa akong gagawin eh. Byeee!" Sabi ko

Tumayo ako tapos sinuot ko yung backpack ko. Umalis ako ng gym tapos pumunta ako sa school information office or SIO para naman may malaman akong news or something.

-SIO | Denise-

Pagkapasok ko sa office, pumunta ako dun sa may bulletin board agad. May nakita akong poster na nagpapa-auditions para sa isang contest na tinatawag na "We Are Talented". Talent contest na magaganap this month. Open to all students from the 1st grade until 12th grade. Auditions will be held in the auditorium no. 2. Malapit na yung day ng auditions. Ilang days nalang meron. Ang prize daw ay magiging very valuable para saming magiging participants.

"Sasali ka?" Tumingin ako sa tabi ko

"Uy! Nagulat naman ako sayo!" Sabi ko naman sa isang stranger

"Sorry nagulat kita. Sasali ka ba?" Tanong nya nanaman

"Siguro." Sagot ko naman

"Dancer?" Tanong nya

"Yep. Sana nga may makasama ako sumayaw kasi parang ang weird kung ako lang magisa." Sabi ko naman

"You're in!" Sabi nya bigla

In?! Di ko pa nga kilala eh!

"Sa dance group namin. Tara na. Practice na tayo!" Sabi nya tapos hinila nya ako

-Bakery Shop | Denise-

Pagkapasok ko sa bakery shop na tinatawag na "Sweet Love" nagtaka ako kung bakit kami nasa shop na to kung di pa nga kami magkakilala, ininvite nya na ako dito. Actually hinila nga ako eh.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko

"Ako nga pala si Mei Young. Madaming Meiyoung ang tawag sakin pero pag kagrupo ko, gusto ko Mei nalang." Nagnod naman ako

"Parents ko ang may ari ng shop na ito pero ibang bansa sila." Sabi nya

"Edi, may ari din ng school parents mo? Diba Riverflow din ang may ari ng shop na ito? Nasa loob ng Riverflow eh." Sabi ko naman

"Nope. Nagooffer kasi ng shops yung school na ito tapos may discount yung mga estudyanteng nagrurun ng shop. Tara sa taas, dun tayo sa kwarto ko magpractice." Naglakad na sya paakyat tapos sinundan ko sya

-Room | Denise-

Pagkapasok ko merong limang tao. Edi seven kami. Pinakilala ako ni Mei tapos nagpakilala din yung ibang kagrupo ko, isa-isa.

"Hi Den, ako si Clay."

"Ako naman si Alyana."

"Ako si Rose." OMG! Sya yung gf ni Jacob, mukhang naiinis nga sya sakin ah :(

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon