Chapter 2: Ang Malas Naman

676 24 0
                                    

-After one day | Denden-

Gumising na ako at naligo. Habang naliligo bigla ko namang natandaan na magdo-dorm na si Abigail at Tyree. Wala na ata sila dito sa bahay. Umalis na ata. Pagkatapos ko maligo bumalik na ako sa kwarto at nag suot na ng damit. Naka sky blue t-shirt ako, black jeans at green doll shoes. Tinali ko yung buhok ko ng ponytail at nag-glasses na ako. Inayos ko na backpack ko tapos pumunta na ako sa baba para kumain sandali.

-Kitchen | Denden-

May nakita akong note tapos binuksan ko na yung note na yun. galing kay Tyree at Abi. Sabi nila hinandaan na nila ako ng almusal at magingat daw ako. Di na daw sila babalik kaya ilock ko na lang na yung bahay. Hay, mamimiss ko sila :/ Pumunta na ako sa labas ng bahay tapos nilock ko yung pinto. Naglakad nalang muna ako. Konti ng taxi eh.

     "Uy! Hexon!" Sabi ng isang familiar na voice

Tumingin ako sa direction kung san ko narinig yung boses na yun tapos nakita ko si CRUSH! Ermegersh!!! :") Ngayon palang kinililig na ako since nakita ko sya. Eh palapit pa sya sakin. Nakakakilig!!! :")

       "Ba't naglalakad ka lang?" Tanong ni Jacob

       "Eh ikaw? Ba't naglalakad ka lang?" Biro ko habang naglalakad kasabay sya :")

       "Palabiro ka pala ah. Iwan na kita." Sabi ni Jacob

Wala na akong nireply sakanya. Tumitingin lang ako ng diretsyo pero nakikita ko sya na tumitingin sakin kaya kilig much. Sana di ako nagblublush.

       "Joke lang! 'To naman. Seryoso mukha. Samahan na kita papunta university?" Tanong ni Jacob

Ano kaya sasabihin ko?!

        "Wag na. Di ko naman kailangan ng kasama." Sagot ko naman

Ano kaya sasabihin nya?

        "Samahan na kita." Sabi nya

        "Malelate na tayo. Tatakbo na ako. 15 mins. nalang. Medyo malayo pa tayo." Sabi ko sabay takbo

        "Uy sandali!" Sabi ni Jacob tapos sinabayan nya ako tumakbo

        "Ano naman kung malate tayo? At bakit ayaw mo samahan kita papunta school?" Tanong ni Jacob habang natakbo kami

        "Kasi sikat ka sa school eh! Baka pag nalaman nilang sabay tayong pumasok sa school, mainis sila sakin." Sabi ko

        "Ba't sila maiinis? Alam naman nilang wala kang pag-asa sakin." Sabi ni Jacob

Awts! Sakin nun Jacob. Sakin mo pa sinabi. Dapat di nalang ako umasa. 2nd day palang nasasaktan mo na ako :'(

        "Kailangan ko pa pala bumalik sa bahay. May nakalimutan ako eh. Mauna ka na. Layo ng bahay ko." Sabi ko tapos tumakbo na ako kagad paalis

-Jacob-

May nakalimutan pa sya. Or di kaya nasaktan sya sa sinabi ko dahil may crush sa sakin. Di naman pwede yun. 2nd day palang crush nya na ako, weird naman nun. Mauna na nga ako, di ko na kailangan intayin yung nerd na yun. Pa-late lang sana ako eh. Distract ko lang sana sya para pareho kaming late eh kaso wala. Bumalik sa bahay. Bayan!

-University | Denden-

Bago ako nakapasok sa building, tinatakan ako ng late sa diary. Ang sakit talaga ng sinabi nya kanina. Sa totoo lang umiyak pa ako dahil lang sa sinabi nya eh. Nag-assume lang ako na crush nya din ako.

-Classroom | Denden-

Pagka-pasok ko sa classroom, nagdi-discuss na yung first teacher. Pina-upo muna ako ng teacher bago nya ituloy discussion nya. Nilabas ko na sa bag ko yung lahat ng kailangan ko para sa class.

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon