Chapter 7: Mask

547 26 1
                                    

-5:30 PM | Jacob-

Tulog padin si Denise. Umalis na ako sa clinic. Kailangan ko na kasing mag-ready para sa party mamaya at susunduin ko pa si Ari sa dorm nya. Kung di lang nakakahiya baka si Denise nalang ask ko maging date ko sa party eh.

-6:30 PM | Jacob-

Nandito na ako sa harap ng dorm ni Ari at kumatok na ako. Nung binuksan nya yung pinto, di pa sya naka-ayos. Yung suot nya padin ay yung suot nya kanina at parang medyo namamaga yung mata nya. Bakit kaya?

"Ba't di ka pa naka-ayos?" Tanong ko

"Sorry ah. Di ako aattend eh." Sagot nya tas sinaraduhan nya ako ng pinto

Luh :(

-Clinic | Denise-

Nakagising ako dahil ginising ako ng nurse at chineck yung body temperature ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko si Ella.Pagkatapos ng 3 minutes, tinanggal nya na yung thermometer. Normal na daw yung body temperature ko. Tumayo na ako sa kama.

"Sorry Denise pero kailangan mo talagang pumunta sa party." Sabi ni Ella tas hinila nya ako palabas ng clinic

-Harap ng clinic | Denise-

"Bakit?" Tanong ko

"Please. Kailangan talaga. Sabi ni ms. nominated ka daw as Prettiest New Student. Bilis na Denise. Baka manalo ka pa at main-love sayo si Jacob!" Hinila nanaman ako ni Ella pero pinigilan ko sya

"Di ko na sya crush! As in!" Sabi ko

"Kahit na! Baka manalo ka padin. Tara na!" Hinila na ako ni Ella at di ko na sya pinigilan

-Dorm | Denise-

Sinuot ko na yung susuotin ko tapos inayusan na ako ni Ella at Jane. Si Jane sa buhok tapos si Ella sa make-up. Pinlantsa lang ni Jane buhok ko tapos light and simple lang yung make-up ko. Light pink blush-on, baby pink lipstick, make-up powder, eyeliner konti. Yun lang naman ata nilagay nya. Nung tapos na, nagulat ako sa mukha ko. Ganda ko >_<

"PRETTY MO DENISEEEE!!!!" Sabi ni Jane

"Kahit light lang make-up, very PRETTY!!!" Sabi naman ni Ella

"Thank you Ella at Jane pero kung pwede sana. Mag-mask ako. Ok lang ba? Para di nila ako makilala. Makuha ko man yung award di pa din ako aakyat sa stage." Sabi ko

"BAKIT?!" Tanong ni Jane

"Ayoko ko kasi ng madaming nakakakilala sakin eh." Sabi ko

"Sige pero yung mask, half eye lang ang di kita ah." Sabi ni Ella

"Oo. Sige." Sabi ko tapos nagbigay na si Jane sakin ng mask

Sinuot ko na yung mask tapos umalis na kami sa dorm para pumunta sa auditorium. Kinakabahan na ako! ︶︿︶

-Auditorium | 7:45 PM | Denise-

Pagkapasok ko madami nang tao at tapos na yung opening number ng mga freshman at sophomores. Nagtitinginan sila samin nila Ella at Jane. Siguro dahil naka-mask ako.

"Nasan na si Denise?" Tanong ng girl na nasa harap ni Ella

"Nasa dorm sya. Baka mamaya pa umattend." Sabi ni Ella

"Then, who's that if Denise is in her dorm?" Sabi nung girl sabay turo sakin

"Taga 2nd section sya kaya di mo sya kilala. Magpakilala ka." Sabi ni Jane

Nako Jane! Pinahirapan mo pa ako!

"Ako si Kaitleen." Sabi ko

Pauso lerng.

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon