Chapter 11: Goodluck nalang kay....

428 24 0
                                    

-After one hour | Denise-

Natapos na din ako sa pag ayos ng mga gamit ko kaya nagbihis na ako at humiga sa kama. Sarap humiga. Bigla namang may nagdoorbell. Sarap na nga ng higa ko, may nagdoorbell pa. Tumayo ako tapos sinilip ko muna kung sino yung nagdoorbell at ayun nakita ko si Austin. Binuksan ko naman yung pinto ko.

"Kapit-bahay tayo ah. 510 yung room number ko eh." Sabi ni Austin

"Syempre alam ko yun. Sabay nga tayo pinapasok diba?" Sabi ko naman

"Onga naman. May breakfast daw sa baba. Libre lang daw pagkain dito lagi."

"Talaga? Tara, kain tayo, nagugutom ako eh." Bumaba kami

-1st floor | Cafeteria | Denise-

Umupo ako sa tabi ni Ella at Jane tapos si Austin, sa iba umupo. Sarap ng pagkain!!! Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Rose at Jacob. Yep. Them again. Di na sya magbabago. Nakatitig lang ako sakanila habang kumakain.

"Oy. Si LiCob nanaman ang tinitingnan mo ah." Sabi ni Ella

"LiCob? Sino yun??" Tanong ko

"Lily-Jacob loveteam." Sabi naman ni Jane

"Sikat na sila. Lagi silang magkasama eh."

"Ganon? Di ko nanaman na crush yan eh. Napopogian lang." Sabi ko tapos di na ako tumingin

"Denise!" Sigaw ni Austin tapos tumingin ako sakanya

"Libre kita mamaya!" Nagwink sya sakin tapos umalis na sya kasama yung tropa nya

"Bati na kayo?" Tanong ni Jane

"Mag-Austin ka nalang." Reto ni Ella

"Mas bet ko si Jacob para sayo." Reto naman ni Jane

"Hay nako. Puro kayo reto eh kung wala nalang kaya? Di naman kelangan eh." Sabi ko sabay subo

"Denise, grade 11 na tayo. Magcocollege ka na. Pwede na yan." Sabi ni Ella

"Parang bad influence naman kayo sakin. No offense." Sabi ko naman

"Di kami completely bad influence kasi pwede mo naman gawing inspirasyon ang pwede mo maging boyfriend eh unless puro nalang inum inom with friends yang pwede mo maging bf."

Tama nga naman.

"Oo na. Tama kayo pero di naman ako ang maghahabol noh." Sabi ko tas nagnod sila

Pagkatapos namin kumain, sabay-sabay kaming pumunta sa library para magbasa at para di masyado maingay. Ingay dito sa cafeteria eh -.-

-Library | Denise-

Pumasok kami sa library at naghanap kami ng mga books na mababasa. Ako isa lang ang kinuha kong story book na may title na "Only A Dream". Nacucurious ako sa story neto. Dami nagsasabing maganda to eh. Umupo ako, si Ella, at si Jane tapos nagbasa na kami.

(A/N: Pinauso ko lang yung book na "Only A Dream".)

Nung naka mga 3 pages na ako, biglang may nagtext sakin. Si Austin! Natandaan ko tuloy libre nya.

Ang text nya ay "Tara. Libre na kita. Punta ka dito sa Sweet Love". Reply ko sakanya ay "Nasa library kami nila Ella at Jane. Maya-maya pa ako pupunta jan."

Nagbasa na ulit ako tapos bago pa ako makatapos ng isang sentence, nagtext nanaman si Jacob.

"Sige naaaa. Gusto na kita makita eh." Text ni Austin "Luh. Baka gusto. Nagkita na nga tayo kanina eh. HAHAHA!" Reply ko :")

"Oy. Sino yang katext mo?" Sabi ni Ella tapos nakita kong nakatingin silang dalawa sakin

"Ba't ka nakasmile habang nagtetext ka. Ayan ah. Yieeeee!" Sabi naman ni Jane

"Wala toh.. Si Austin lang." Sabi ko tas nagsmile ako

"Anyare sa binabasa mo? Sa kakahintay mo ata ng reply nya, pang 20th page ka palang eh kami nakaka-kalahati na."

"Luh. Sya nga unang nagtext eh." Sabi ko

"Ok ok. Kung may pupuntahan ka, ok lang Denise." Sabi ni Jane tas new message nanaman

"Puntahan kita?" Text ni Austin

"Nyay. Wag na. Pupunta na po!" Reply ko

Sinara ko yung book ko tapos binalik ko sa tamang lugar. Nagpaalam na ako kay Ella at Jane tapos umalis na ako ng library para pumunta sa Sweet Love. Ba't nya kaya naisip na ilibre ako?? :)

-Sweet Love Shop | Denise-

Pagpasok ko, naka-upo si Austin sa corner. Lumapit ako sakanya tapos tinanong ko kung nasan na yung libre ko. Binigyan nya naman ako ng fifty pesos tapos bumili ako ng red velvet na cupcake. Yumyum! Umupo ako sa harap nya tapos nakatingin lang sya sa labas.

"Ba't mo nga pala naisip na-ilibre ako?" Tanong ko habang nakain

"Kasi may favor sana ako eh." Sabi ni Austin

"Ano yun?"

"Kilala mo ba si Nj?"

"Nj?"

"Yung taga kabilang section."

"Ahhh. Sa Queens na section? Dun sa may puro babae?"

"Oo sya!"

"Ano meron?"

"Pwede mo ba ako tulungan sakanya?"

"Ahhh....." Iba napala :/

"Pwede? Si Natalie Jeyler. Yung singtangkad mo, yung parehas kayong naka ganyan na hairstyle, yung sing-bait mo."

"Ehhh.... Di kami close eh."

"Mabait naman si Natalie eh. Kaya nga sya crush ko eh. Second crush in my WHOLE LIFE."

"Sino first?"

"Sino pa ba? Edi ikaw. Since childhood pa kita crush. Kahit nagkahiwalay tayo, ikaw padin ang crush ko kasi ikaw lang naman yung mga type ko eh. Eh dumating si Natalie at ayaw mo naman ako maging boyfriend. Edi Natalie nalang ako."

"Ahhh... Sorry, di naman ako magaling sa ganyan eh." Tumayo ako nung naubos ko na pagkain ko

"Ayyy... Aalis ka na?"

"Oo. Goodluck nalang kay Natalie." Alis ako

-------------------------------------

A/N: Sorry po sa late update. Hintayin nyo po yung next updates.

Details:

Date Published: September 28, 2014

Time Published: 6:25 AM

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon