Chapter 12: Twist :/

389 19 0
                                    

-Cafeteria | Denise-

Dahil wala kaming magawa nila Ella at Jane, naisipan nalang naming tumambay sa cafeteria. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Maya-maya dumating si NATALIE JEYLER a.k.a Nj. Tiningnan kolang sya at maganda nga sya tapos maganda katawan at mukhang mabait pa sya. Bagay sila ni Austin.

"Ganda ni Natalie." Sabi ni Ella

"Oo nga eh. Ganda nyaaa. Lapitan natin, magisa lang eh." Sabi naman ni Jane

"Natalie!" Sigaw ni Ella tapos lumapit si Natalie

"Yezzz??" Sabi ni Natalie

"Gusto ka makilala ni Jane."

"Hi Janeee."

"Hellooo."

"O! Denise, anjan ka pala. Ang pretty mo talaga."

"Thank you."

"Dito ka nalang samin sumabay kumain."

"Sureee."

Kumain na kami habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano lang namakwento tapos dumating yung point na si Jacob ang piniling topic ni Natalie.

"Crush mo si Jacob noh??" Biro ni Ella

"Luh. Hindi ah!" Sabi naman ni Nj

"Bakit si Jacob?" Tabong ko naman

"Ang close nyo kasi ni Jacob."

"Close? Luh. Hindi ah."

"Eh ba't lagi kayo magkasama?"

"Kasi sunod sya ng sunod. Nakakaasar nga eh. Crush mo ata sya eh."

"Oo na! Crush ko sya! Wag kayo maingay ah."

Wew. Love SQUARE lang ang peg?!

Jacob-ako

Ako-Austin (?)

Austin-Natalie

Natalie-Jacob

Nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan hanggang sa may narinig kaming gunshots sa labas. Sumilip kami at may nakita kaming tatlong tao. Yung isa may hawak na baril, yung dalawa mukhang nagmamakaawa at magkayakap. Bakit parang si Tyree at Abigail yun?

Mas tumingin ako ng mabuti sa dalawang babae at parang sila Ty at Abi nga yun. Tumakbo ako at pumunta sa park dahil nandun sila.

-Park-

Pumasok ako sa eksena at humarang sa babaeng may balak barilin sila Tyree at Abigail. Tinitigan ko sya ng mabuti. Ang ganda ng mata nya, maganda katawan, mahaba buhok at kulay black. Naka black cap sya, black mask, black biker jacket, white tank top, black shorts, black boots black gloves.

"Denise. Wag ka nang humarang kung ayaw mong mapahamak." Sabi nung babae

"Den, wag ka na sumali dito!" Sigaw ni Tyree

"Bibilang ako ng tatlo at pag di ka umalis, babarilin kita!"

"Sige! BAHALA KA! KUNG KAYA MO!"

"ISA!" Medyo kinakabahan na ako

"DALAWA! UMALIS KA DYAN!" Cinlench ko fists ko

"TATLO!!" May narinig akong putok ng baril pero wala akong naramdamang sakit yun pala may humarang din sakin at yun ang nabaril

"Jacob?!" Inipit ko yung dugong lumalabas gamit yung twalia ko

"Jacob!!" Lumapit yung nangbaril at tinanggal nya mask nya

Si Ari...... Naguguluhan na ako!!

"Ari?"

"Wag mo syang hawakan!" Tumayo ako tapos lumapit kay Tyree at Abigail

Dinala na sa clinic si Jacob habang papunta ako kay Tyree at Abigail. Ano kaya ang nangyari?!

"Tyree! Abigail! Ok lang ba kayo?!" Hinawak-hawakan ko sila

"Si Ari. Bigla nya nalang kaming hinila dito at binugbog nya kami." Sabi ni Tyree

"Di nga namin alam kung bakit nya yun ginawa." Sabi naman ni Abigail

"Tara. Sa condominium." Sabi ko tapos pumunta na kami sa condo

-Condominium | Denise-

Binigyan ko silang dalawa ng tubig at maayos na damit. Nanginginig sila. Tinanong ko kung ano ba talaga yung nangyari kaya kinuwento ni Tyree ang nangyari. Sabi niya mayari daw ng isang university yung parents ni Ari at yung mga kapatid pa niya. Syempre nagtaka ako kung anong connection at kung bakit di sya nagaaral dun sa school ng parents nya. Mas nagexplain pa si Abigail at yun naintindihan ko na. Sabi ni Abigail, may nagkidnap sakanya at kay Tyree tapos dun sila Riverflow park binaba. Nakita na nila si Ari na may hawak na baril at pinaluhod sila sa harapan nya. Kaya daw ginawa ni Ari yun kasi kumalat yung rumor na si Tyree at Abigail daw yung nagnakaw at nagpatay sa daddy ni Ari. Di naman daw totoo. Tinanong ko naman kung kailan kumalat yung rumor na yun at ang sabi ni Tyree ay kahapon lang daw tapos last last day daw nanakawan at pinatay yung daddy nya.

"Bakit kayo ang pinagbintangan?" Tanong ko

"Eh kami kasi yung student sa school at maid ng mom and dad ni Ari."

"MAID?! BAKIT?!"

"Taas nga ng sweldo kaya ok lang naman samin kaso lang nangyari pa ito kaya magreresign na kami."

"Sige. Dito nalang muna kayo. Pagkumalat pa rumor dito, wag na muna kayo lumabas dito ng wala ako."

"Sige Den, thank you ah."

May kumatok sa pinto kaya pinatago ko muna si Tyree at Abigail dun sa cabinet ko. Kasya naman sila eh. Pagkabukas ko ng pinto hinila na kagad ako ni Austin palabas kaya sinarado ko na yung pinto ng hindi nakakapagpaalam kay Tyree at Abigail. Ite-text ko nalang sila.

-Clinic | Denise-

Pumasok kaming dalawa ni Austin sa kwarto ni Jacob. Naka-dextrose sya, naka-oxygen mask din. Unconcious sya. Parang ang bilis naman ng operation nya. Natanggal na kagad nila yung bala. Nakaka-awa tingnan si Jacob. Bigla naman pumasok si Ari.

"O, ba't kayo nandito?" Sabi ni Ari

"Bawal ba dumalaw?" Sabi naman ni Austin

"Ah. Austin. Mauna na ako. Madami pa kasi akong gagawin eh." Umalis na ako

-------------------------------------
Date Published: November 3, 2014
Time Published: 5:40 PM

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon