Chapter 5: Si Austin

520 23 0
                                    

-3:00 PM | Denise-

Pina-uwi na kami ni ms. Vivie ng maaga para ma-prepare na namin yung mga kailangan namin para sa party bukas. Kasama ko ngayon si Ella at Jane.

        "Alam ko na! Punta tayo sa mall! Bili nalang tayo sa mall!" Sabi ni Jane na mahilig sigurong mag-malling

       "Mall?!" Sabi ko habang naglalakad kami

       "Yup. Bakit Den?" Tanong ni Ella

       "Sorry guys pero di kasi ako yung tipong babae na mahilig mag-mall eh. Pwede bang di nalang sumama? Meron naman akong mga formal dresses na dinala eh." Sagot ko naman

        "Sumama ka na!" Sabi ni Jane tapos hinawakan ako ni Jane at Ella sa kamay

         "Pero--" Tumakbo na sila kasama ako kaya di ko na natuloy yung sasabihin ko

-Sa mall | Denise-

Pagkapasok namin sa mall naghanap na kami ng botique na mabibilhan namin ng mga dress o kung ano mang pwedeng suotin bukas. Hay nako! Nakakatamad maghanap! ;( Sinama pa kasi ako ni Ella at Jane eh. Nung may nakitang intresting botique si Ella pinasukan na namin yung botique na yun. Pagka-pasok namin nandun din si Aramina at... Jacob.

         "O! Ella! Jane!" Sabi ni Aramina habang naka-tingin samin

         "Hi Aramina! Yieeee! Magkasama sila!!!" Biro ni Jane

         "Jane naman. Kasama natin si Denden." Bulong ni Ella kay Jane pero narinig ko

         "Hi Denise!" Sabi ni Jacob sakin tapos nagwink sya sakin

         "Ayy. Anjan din pala si Denise. Denise, baka di mo pa alam. Boyfriend ko na 'tong si Jacob." Pagmamayabang ni Aramina

IDC LOSER.

         "Oo. Alam ko yun. Di mo na ako kailangan i-inform kasi wala naman akong balak landiin si Jacob." Sabi ko tapos tinaas ni Aramina yung isa nyang kilay

         "Denise, ba't ka nga pala nandito? Diba sabi mo DI ka mahilig mag SHOPPING. Tomboyish ka ata." Sabi ni Aramina

         "Oo. Hindi nga ako mahilig magshopping at siguro sa tingin mo tomboyish nga ako. Bakit ka ba nandito kasama si Jacob? Diba dapat di mo kasama si Jacob para surprise yung mga gagamitin mo para sa party bukas?" Sabi ko naman

         "Alis na nga tayo dito honey Jacob." Sabi ni Aramina tapos umalis na sila

         "Galing mo namern Denise." Sabi ni Jane tapos nag-giggle kami

Nag-start na kami sa paghahanap ng dress namin. Ang napili ni Ella ay kulay violet and black na above the knees dress. Si Jane naman, pink and white na below the knees dress. At sakin ay sky blue and black na knee length dress. Maganda yung design. Sakin may mga print ng butterflies and flowers ng onti at may organic designs. Yung kay Ella naman may mga diamonds and organic designs. Kay Jane naman may dots na different sizes. Ako mag ha-half inch heels lang ako bukas na kulay black. Pagkatapos namin maka-bili ng damit, nagpunta naman kami sa accessorie botique. Ako bumili lang ako ng dalawang bracelets na kulay silver at kulay silver din na bracelet na ang pendant ay butterfly. Ganda ng mga nabili namin. Pagkatapos ng 2 and a half hour shopping namin bumalik na kami sa campus.

-Auditorium | Denise | 5:45 PM-

Nagpunta kami ng auditorium dahil nalaman namin na may rehersal para sa performance naming grade 11. Buti nalang di pa sila nagsta-start. Syempre nagpalit ako ng damit. Ang damit ko ngayon ay plain green na t-shirt at gray na skinny jeans. Sinuot ka din yung shoes ko na kulay green at pink na ang tatak ay Air Jordan. Nung nalaman kong may partner ang klaseng sayaw na sasayawin namin, bigla naman akong kinabahan sa magiging partner ko. Nung lahat kami ay nasa auditorium na, inayos na nung choreographer yung magiging mag-partners. Buti nalang di ko ka-partner si Jacob pero instead,ang ka-partner ko ay si Austin. Mukha naman syang mabait.

        "Hi. Austin nga pala." Sabi ni Austin nung pinagtabi na kami nung choreographer

        "Denise. Kilala kita. Magkaklase tayo eh." Sabi ko naman at nagsmile ako sakanya

        "Galingan natin. Malay mo manalo pa tayo as 'Best Dancers'." Sabi ni Austin tapos nagsmile din sya sakin

        "O?! Meron? Gagalingan ko 'to!" Sabi ko nung malamang merong award na ganon

Partner ni Jacob? Walang iba kundi ang girlfriend nyang si Aramina. Sana naman di maging malandi si Aramina. Nagstart na yung practice at syempre inayos ko pagsasayaw ko. I really want to win that award. Yun ang tinatak ko sa isip ko para ayusin ko yung pagsasayaw ko. Pagka-hawak ko naman sa kamay ni Austin, parang iba feeling. Parang nabawasan yung sakit na nararanasan ko. Di kaya may feelings din ako para sakanya?

-Pagkatapos ng rehersal | 7:00 PM | Denise-

Naging close kami ni Austin nang ilang oras lang. Ang friendly nya kasi eh at madaldal kaya ayan nadala ako sa paguusap nya sakin. Pina-uwi ko na una si Jane at Ella. Sabi ko kasi madami dami pa akong gagawin. Pumunta na sila ng dorm at naiwan ako, si Austin, si Aramina, si Jacob at iba pang nga kaklase namin. Nagkwentuhan nalang kaming mga magkaklase.

          "Denise. Mukhang inaantok ka na ah." Sabi ni Jacob sakin tas ako sninob ko lang sya

          "Baka naman natatakot ka bumalik sa dorm." Sabi naman ni Austin

          "Luh. Di ako natatakot noh. Tinatamad lang ako. Sarap na ng upo ko dito eh." Sabi ko tapos tumayo si Austin at lumapit sakin

          "Buhatin na kita." Sabi ni Austin tapos binuhat nya ako bigla

          "Uy! Baba mo ko!" Sabi ko pero di nya ako binababa

          "Yieeee!!!" Sabi naman nung nga kaklase namin

Nung binaba na ako ni Austin bigla naman akong napatingin kay Jacob. Di ko alam kung bakit ako kusang tumingin sakanya pero nung nakatingin sya sakin parang naiinis sya sakin dahil naka-poker face sya imbis na maki-ride sa 'Yiee' ng mga kaklase namin. Problema nya? Nung binaba ako ni Austin sa sahig kung san ako umuupo, tumayo na ako kagad at umalis ng auditorium.

-Dorm | Denise-

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nagsuot na kagad ako ng pangtulog ko at nagtoothbrush at naghilamos na ako. Humiga na ako sa kama at kinuha ko yung cellphone ko na nasa desk na malapit lang sa kama ko. Ang ginawa ko ay tumingin sa mga dati kong pictures na nasa gallery ng phone ko. Hayy... Namimiss ko na yung dati kong bestfriend. Yung bestfriend kong 6 years ko kaklase at bestfriend. Ang dami naming pictures kaso lang nung grade 6 palang kami. Teka, bakit parang kamukha nya si Austin? AT kapangalan pa nya. Di kaya iisa lang si Austin na nakilala ko ngayon at Austin na bestfriend ko dati? :/ Anyare sa buhay ko? Confusing :(

-------------------------------------

Date Published: July 19, 2014

Time Published: 12:42 AM

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon