Chapter 8: Tsk tsk tsk

510 27 0
                                    

-After one day | Denise | Hallway-

Kinuha ko yung susi ko na nasa bag ko. Binuksan ko na yung lock tapos binuksan ko na din yung locker. Pagkabukas ko ng locker, merong paper na naka-fold. Kinuha ko yung paper na yun tapos binuksan ko.

-Letter-

Denise, kita tayo sa coffee shop after classes.

-----------------

Yun ang nakalagay. Kanino kaya galing? Pupuntahan ko nalang.

Kinuha ko yung mga gamit na kailangan ko for this day tapos nilock ko na ulit yung locker ko. Umalis na ako sa hallway para pumunta na sa classroom.

-Classroom | Denise-

Nilapag ko yung bag ko sa tabi ng upuan ko tapos umupo na ako. Lumapit naman si Ella at Jane sakin.

"Ba't ka umalis?!" Tanong naman bigla ni Ella

"Tatanggalin ni Jacob yung mask ko eh." Sabi ko naman

"Edi sana pinigilan mo sya! Panalo ka kaya as Prettiest New Student!" Sabi ni Jane

"Wow. Grabe." Sabi ko naman

"Tinanong nya ba pangalan mo?" Tanong ni Ella

"Kaitleen ang sinabi ko." Sagot ko

"Hahanapin nya yun for sure." Sabi ni Jane

Pumasok na yung teacher kaya naman bumalik na sa mga sarili nilang mga upuan yung mga kaklase ko. Nag-goodmorning na yung teacher tapos nag-goodmorning din kami. Nung umupo na kami, tinawag ako ni ms. kaya naman lumapit ako sakanya.

"Congrats." Sabi ni ms. tapos nagbigay sya sakin ng sash na nakalagay 'Prettiest New Student' at tiara na kulay silver and blue

"Thank you ms." Kinuha ko yung sash at tiara

"Bakit nga pala wala ka kagabi?" Tanong ni ms.

"Sumakit po pakiramdam ko eh." Nagnod si ms. tapos bumalik na ako sa upuan ko

-Recess Time | Denise-

Pumila na ako sa mahabang pila tapos nagkwentuhan na din kami nila Ella at Jane habang kumukuha ng pagkain. Nung naka-alis na kami sa pila, naghanap na kami ng makakainan. Nung naka-upo na kami, sinimulan na namin yung pagkain namin.

"Denden. May nakuha ka bang letter galing sa locker mo?" Pano ni Jane nalaman?

"Meron. Pano mo nalaman? Sino yung naglagay?" Tanong ko kagad

"Di namin alam pero lalaki. Di na namin sya nasundan kasi bigla syang nawala nung pagka-lingon ulit namin sa may locker mo." Sabi naman ni Ella

Alam din ni Ella?!

-Jacob-

Gusto ko talagang makita yung mukha ni Kaitleen!

Umakyat ako sa mesa ng may hawak na wireless mike. Tinap ko yung mic para malaman kung gumagana yung mic. Nung tumunog sya, sinimulan ko na yung pag-announce ko tungkol sa Kaitleen na yun.

"Goodmorning po sainyong lahat!" Sabi ko para makuha yung attention ng mga estudyante

Nawala naman yung mga tunog ng mga tinidor o plato o kutsara na ginagamit ng mga estudyante. Lahat sila naka-tingin na sakin, hinihintay yung gusto kong sabihin.

"So, alam naman nating lahat na, biglang tumakbo yung partner ko na naka-mask kagabi. Sabi nya sakin KAITLEEN daw ang pangalan nya." Tumigil ako saglit

Teenage Love (LuYoon Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon