CHAPTER TWENTY-THREE:UNEXPECTED

41 1 1
                                        

ZHAIRA POV

Naglalakad ako sa may parking lot kagagaling ko lang kay tita rea may iniutos lang ako. Pabalik na sana ako ng may makita akong pamilyar na mukha ito yung lalaki na nakita ko sa mall nung nakita ko din si Ian. Pakshet na lalaki yan tuwing nakikita ko nasakit ulo ko . Hindi naman pangit gwapo nga eh pero di ko type mukhang tanga eh. Lumapit sya dun sa sasakyan nya at sumakay. Umalis na din ako paki ko dun.

Umalis na ako aanhin ko sya I don't care di ko naman sya kilala eh malay ko sakanya. Pinaandar ko na ang aking sasakyan. Pupunta ako kina Ley andun daw bf nya kikilalanin ko sana eh. Paliko na ako ng makakita ako ng pamilyang kumpleto. Nakaramdam ako ng inis at selos. Itinuon ko na lang ang konsentrasyon ko sa pagmamaneho. Dumiretso ako sa park. Ewan ko nga din kung bakit dito eh. Pero hindi ako bumaba pinagmasfan ko lang yung mga bata na maglaro. Napakasaya nila samantalang ako di ko alam. Paalis na sana ako ng makita ko n naman ung kotse nung lalaki na nakapagpapasakit nung ulo ko lecheng lalaki yan eh. Umalis na ako. Papunta pa ako. Nagdridrive ako ng may tumawag.

"Hello?"

"..."

"Hello?"

Niloloko ata ako nito eh.Kinalikot ko ang phone ko kaya di ko napansin na may truck na paparating at *BOOOGGSSHHHH*

Black out

MARK POV

Nandito ako ngayon sa bar . Wala lang pampaalis ng stress ng biglang may dumating.

"Hi"

Tumingin naman ako ngingiti na sana ako ng makita ko kung sino ito.

"Anung ginagawa mo dito??!"

"Nagbabar hehehe"

"Umuwi ka na nga....!!!"

Walangyang Michelle to dumayo ba naman sa bar alam naman na walang alam yun.

"Ayoko sabi eh tska may sasabihin ako sayo"

"Ano yun?"

"Sumama ka"

Umalis na kami ni Michelle mukhang seryoso sya eh. Habang nasa sasakyan ako di ko mapigilang mag-isip na baka kung anung ginawa nya. Tumigil kami sa warehouse ng Black Dragons halatang luma na ito dahil sa dalwang taon na pag-alis namin maraming nagbago.

Pumasok na kami sa loob nagulat pa nga ako ng may makita akong mga gwardya.

"Ayoko sabi eh!!!"

"Kumain ka!!!"

Naririnig ko lang naman yan. Pumasok kami sa loob ng kwarto . Ito kasi ung para bang malaking dome ung parang may battle dito namin ito ginagawa. Sound proof yun tsaka hindi transparent. May malaking salamin na nakahara kung nasa loob ka makikita mo yung tao sa labas pero hindi ka makikita ng tao sa labas. Pinagawa namin yan para na rin sa kaligtasan namin.

"Kinuha ko sya"

Tumingin ako sa bintana at nagulat ako sa nakita ko.

*SLAPP*

"ANU SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO ??!"

"TINUTULUNGAN KO KAYO" pormal na sagot nya

"LUSUTAN MO YAN WAG NA WAG MONG PAGHAHARAPIN YAN PATI SI ZHAIRA!!!"

Umalis na ako ng patabog at pinatumba lahat ng gwardya. Ginulpi ko silang lahat nakakabanas eh langya yan!!

Sumakay na ako sa sasakyan ko at umalis. Nang biglang may tumawag

"Hello"

"Naaksidente si Pinuno"

Nabitawan ko yung cellphone ko at binilisan ang pagdridrive ko hindi sya pedeng mawala.

Dire-diretso lang ako papunta sa ospital. Ni hindi ko nga alam kong

sinong tumawag pero kaboses ni Kiel. Kinakabahan talaga ako eh.

Dali dali akong pumunta sa nurse section sakto namang nakita ko si

Ashley.

"Hinahanap mo sya??"

"Oo"

"Tara"

Masyadong awkward para samin to. Matagal kaming hindi nag-usap

tungkol sa bagay-bagay.

"Ano ...Ashley"

"Hanggang dito na ako may pupuntahan pa ako eh"

Bigla na syang umalis. Tinungo ko ang kwarto ni Zai. Ang daming nakasaksak sakanya kaya nakapagtataka may kasama sya dun sa kwarto lalaki???

Hinanap ko sina Kevin baka sakaling andito sila kaya lang si Kiel lang ang nakita ko.

"Kiel!!!"

"Nathan"

"Sino yung lalaki sa kwarto",tinanong ko agad.

"Hindi kami sigurado pero ang kutob namin ay..."

"Sino???"

"Si Joshua Castellan", nagitla ako ng biglang may umimik sa likod

namin. Si Uno.

"Sinet-up sila hanggang ngayon walapa ring silang natatandaan tama ba??"

Tumango lang kami ni Kiel.

"Naparito lang ako dahil nabalitaan ko ang nagyari sa apo ko. Aalis na din ako. "

Pero bago sya umalis may inimik sya.

"Handa na sila".

THIRD PERSON POV

Mukhang gumagana na ang plano ko sigurado akong malapit na talaga ang pinakahihintay kong paghihiganti.

Malapit na talaga Zhaira Shirakawa.

Black DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon