Prologue

375K 10K 2.4K
  • Dedicated kay Serialreader Fam <3
                                    

The Girl Who Cried Murder ::

Prologue :

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ko. Hilong-hilo ako at basang-basa sa ulan, napakadilim, napakalamig, hindi ko alam kung nasaan ako pero sa bawat hakbang ko ay bumabaon ang paa ko sa sa malalim na putik. Gusto kong tumakbo at sumigaw upang humingi ng tulong pero wala na akong lakas pang gawin ito.

Kailangan kong mahanap ang mga kaibigan ko…

Kailangan ko silang tulungan…

“Tammy!”

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Kirk na buong lakas na isinisigaw ang pangalan ko. Lalong sumisikip ang dibdib ko sa nararamdaman kong kaba. Pilit kong nililibot ang paningin ko sa kabila ng matinding kadilimang bumabalot sa buong lugar.

“Kirk! Kirk nasaan ka?!”

Hindi ko alam kung narinig niya ang sigaw mula sa nanginginig kong labi. Hindi ko alam kung sapat ang lakas ng boses ko upang mahanap niya ako.  

“Tammy takbo! Tammy tumakas ka na!”

Muli kong narinig ang boses ni Kirk pero sa puntong ‘to ay nararamdaman ko na ang matinding takot at sakit sa boses niya. Lalong tumindi ang takot na kanina ko pa naramramdaman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

 Gusto kong lumaban gaya ng ginagawa namin nitong nakalipas na mga araw pero wala na akong naiisip pang paraan upang matalo ang halimaw na gaya niya.

Paano nga ba namin matatalo ang isang halimaw kung hindi man lang namin alam kung sino o ano ang hitsura niya?

Paano ba namin matatalo ang halimaw na ilang linggo na kaming pinaglalaruan?

Kung masasagot ko ng tama ang palaisipan niya, masasalba ba nito ang buhay namin?

“Tammy takbo!”

Muli kong narinig ang boses ni Kirk, wala na akong ibang magawa kundi sundin siya. Mahirap man, pinilit kong tumakbo sa kabila ng pangangatog ng mga paa ko. Takbo ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako.

Sa isang iglap, biglang kumulog at kumidlat na siyang nagdulot ng pansamantalang liwanag sa paligid.

Sa isang iglap, nasagot ang katanungan ko kung nasaan ako.

Nandito ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat…

Ang lugar na siyang nagdulot ng kapahamakan sa amin at sa mga kaibigan ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit kong alalahanin ang huling palaisipang iniwan sa akin ng halimaw…

“Dark as the midnight sky,

Bright as the sun and its ray,

He who suffered shall be praised,

She who lied shall die today.”

 

Natigil ako sa paglalakad at napako ako sa kinatatayuan ko.

Ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat?

Kasinungalingan ko ba talaga ang nagdulot ng kamatayan sa kanila?

Now everything’s clear to me…

The answer to The Crimson Ripper’s Riddle and the one who has to die all along

is The Girl Who Cried Murder…

-------

Author's note : I know super dami ko ng naisulat na whodunit stories but trust me, this one is different. So how is this different from my other works? Just keep on reading it and kapit lungs. hehe. 

Sorry kung waley but atleast I tried, hahaha.

Thank you for reading! 

Vote, Comment and Spread <3

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon