Chapter 16 : How bad the past was

85.2K 3.7K 1.1K
                                    

16.

How bad the past was

Tammy

"P-pinatay ba si Tessa dahil sa ginawang pambibintang ng ama niya noon?" Nauutal na sambit ni Ford na para bang natatakot. 

"I dont know. Don't mind what I said." Giit ko.

"Tammy bumalik ba siya?" Muling tanong ni Ford kaya nakunot ang noo ko.

"Bumalik sino?" Tanong ko naman.

Lumapit siya sakin ng ilang hakbang at dahan-dahang bumuka ang labi niyang nagdadalawang-isip.

"Ford sino?" Muli kong tanong.

"Ang Crimson Ripper." Mahina niyang sambit. Nilibot niya ang paningin na para bang may kinakatakutan. "Tammy hindi ko alam kung totoo o isa lang tong panaginip noong bata pa ako pero may naalala ako, sinabi niya sakin na babalik siya. Sinabi niya sakin na sabihin ko sa papa ni Tessa na balang-araw babalik siya."

Naramdaman kong nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya lalo na nang makita ko ang takot sa mga mata niya. Kilala ko si Ford. Hindi siya magsisinungaling ng ganito lalo na sakin.

"Tammy!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko, Si Calix. Nasa malayo siya at pinapalapit niya ako sa kanya.

"Ford are you sure?" Tanong ko na lamang. "This isnt a good joke if it is." Giit ko.

"Tammy hindi. Sa katunayan natatakot na ako. Akala ko noon panaginip lang na ayaw matanggal sa utak ko pero hindi. Tammy ikaw na mismo ang nagsabi, bumalik ang crimson ripper. Diba yun yung sinabi mo sa video? Diba totoo ang kwento mo?" 

Hindi ko na alam kung ano ang tamang sabihin at gawin. Gusto kong sabihin sa kanyang wag matakot kasi kasinungalingan lang yung kwento ko pero paano? Sa mga nangyayari ngayon, hindi na imposible kung totoo ngang nagbalik ang Crimson Ripper. Walang imposible.

"Did your parents do anything against the Ripper or the suspects? May ginawa ba silang kasalanan noon?" Tanong ko na lamang.

"H-hindi ko alam. Hindi ko maalala." Aniya at agad na naglakad palayo pero agad kong hinigit ang bag niya bagay na nagpatigil sa kanya.

"Ford kung may maalala o malaman ka, mag-iingat ka. May naghihiganti. Mayroong hindi makaalis sa nakaraan at nasa tabi-tabi lang siya. Ayaw kitang takutin pero kailangan mong mag-ingat." Paliwanag ko at walang kabuhay-buhay siyang tumango-tango.

*****

"Parang seryoso yung pinag-usapan niyo ni Ford ah?" Inakbayan ako ni Calix habang papunta kami sa Cafeteria.

Naniniwala akong mas mabuting wag ng ungkatin ang nakaraan, pero dahil sa mga nangyayari pakiramdam ko'y makakain ko ang lahat ng sinasabi at mababaliwala ang pinaniniwalaan ko. Pero para saan pa ang paniniwala ko kung ang kapalit naman nito ay kaligtasan ng mga tao?

"Calix can I ask you something?" Tumigil ako sa paglalakad at ganun rin siya. Kapwa kami nakatayo sa gitna ng tahimik na pathway. 

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon