Chapter 22 : The past she begged to bury

80.3K 3.7K 1.3K
                                    

22.

The past she begged to bury

Tammy

"Daddy! Mommy!" Kapwa namin sigaw ni Dustin habang nag-uunahan kami pababa ng hagdan. It was christmas yesterday so this is us, still hyper early in the morning. Actually excited lang kami kasi ito ang araw na simula naming gagamitin ang mga regalong ibinigay samin.

"Tammy wag kang tumakbo habang bumababa ng hagdan! Gagayahin ka ni Dustin!" Sigaw ni Daddy kaya lumiit ang ngiti sa mukha ko't humakbang na lamang ako ng dahan-dahan.

"Ble! Mauunahan kita!" Dinilaan pa ako ni Dustin na patuloy parin sa pagtakbo. Nakakainis.

"Daddy! Si Dustin ayaw tumigil sa pagtakbo!" Sumbong ko pero imbes na pagalitan, sinalubong lamang ni Mommy at Daddy ng mahigpit na yakap si Dustin.

"Good morning." Bati sakin ni Mommy at Daddy at niyakap rin ako.

"Mom, pupunta muna ako ng treehouse." Paalam ko at tatakbo na sana palabas pero bigla akong natigil dahil sa boses ni Dustin.

"Sama ako!" Giit niya habang nakanguso.

"Ayoko!" Giit ko habang ginagaya ang tono ng pananalita niya.

"Mommy oh!" Sumbong niya.

"Daddy oh!" Sumbong ko naman.

"Tammy!" Magkasabay na bulyaw sakin ni Mommy at Daddy. Gaya ng dati, ako na naman ang papagalitan.

*****

Lumabas ako ng bahay at tumambay sa treehouse, doon ko kasi itinago ang gitara na regalo sakin ng lola ko. Ayaw nila Mommy at Daddy sa hilig ko sa musika kasi para sa kanila, studying and getting good grades is everything. Ipinamigay nga nila yung violin na regalo sakin ng lola ko last year. They wont even let me play with the kids in the neighborhood kasi bad influence daw sila. They only want me to play and hangout with Dustin. Only Dustin.

I'm a kid. I hate rules so I break them. Sanay na akong mapagalitan dahil sa mga kalokohang pinaggagawa ko, siguro yan ang dahilan kung ba't mas mahal at pinapaburan nila lagi si Dustin plus he's only 6 while I'm already 10. Thats how it works right? 

Sinubukan kong tumugtog ng gitara. Mahirap lalo na't walang nagtuturo sakin, panay lang ang tingin ko sa guitar manual na nasa gitna ng 'song hits magazine'. Pakiramdam ko'y unti-unti ng nagiging kumportable ang mga darili ko sa pagkalabit nito nang marinig kong may humakbang papalapit sakin.

"Dustin anong ginagawa mo dito?!" Dali-dali kong nabitawan ang gitarang hawak ko. Takot na takot ako kasi nandito si Dustin. Hindi dahil sa natatakot akong baka isumbong niya kay Mommy at Daddy ang tungkol sa gitara, kundi dahil nandito siya sa treehouse na may kataasan. Paano kung malaglag siya? Paano kung masugatan siya? Last month kasi nadapa siya at nasugatan kaya ako ang pinaka-pinagalitan. Ayoko ng maulit yon.

"Ate paturo!" Tuwang-tuwa niyang sambit sabay lapit sa gitara.

"Dustin tara na! Bumaba na tayo!" Giit ko kasi lagot ako oras na malaman nila daddy na hinayaan ko siyang umakyat dito.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon