Epilogue.

98.1K 4.5K 2.4K
                                    

The girl who cried murder

Epilogue

 [EPILOGUE THEME ON THE SIDE ]

Sa pagdilat ni Calix ng kanyang mga ay agad dumako ang kanyang paningin sa dilaw na kurtinang tila ba kumikislap dahil sa sikat ng araw. Malabo man ang paningin, pinipilit ni Calix na manatiling nakatingin sa direksyon nito.

Nakabukas ang bintana kaya naman nang umihip ang hangin ay unti-unti nitong natangay ang kurtina hanggang sa unti-unti niyang naaninag ang nakangiting si Tammy na nakatayo sa tapat nito. Suot ang kulay puting damit, kasaling natatangay ng hangin ang mahabang buhok ng dalaga.

"Tammy?" Hinang-hina man at hindi pa halos makagalaw dahil sa mga sugat at bali na tinamo, sapat na ang presensya ng dalaga para mapasaya ang binata.

"I just had the worst dream." Ngumiti si Calix kay Tammy. Malabo pa ang paningin niya kaya paulit-ulit niyang kinurapkurap ang mga mata at dahan-dahang naupo. "Don't ever go away again. I will never--"

Agad nawala ang ngiti sa mukha ni Calix nang bigla na lamang naglaho ang imahen ni Tammy. 

"Tammy?" Rumehistro ang matinding lungkot sa mukha niya. Natataranta niyang nilibot ang paningin at labis siyang nanlumo nang mapagtantong nag-iisa lamang siya sa silid.

'Tammy?!" Napasigaw na lamang si Calix sa sobrang sama ng loob at marahas na sinapo ang ulong may benda pa.

Napasinghap si Calix ng paulit-ulit. Bumalik sa alaala niya ang huling beses na nakita niya ang dalaga sa loob ng kotse ni Kirk. Unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata niya nang muli niyang maalala ang luhaang mukha ni Tammy na paulit-ulit na humihingi ng tawad habang nasa loob ito ng sasakyan kasama sina Dustin at Kirk.

"Tammy... hindi... babalik ka..." Paulit-ulit na sambit ni Calix at agad na kinuha ang cellphone na nasa gilid lamang ng kanyang kama kahit na hirap dahil sa mga nakakabit sa kanya.

Napatingala na lamang siya't impit na napasigaw dahil hanggang ngayo'y wala parin siyang natatanggap na kahit na anong mensahe o tawag mula kay Tammy. Nakakailang daang mensahe na siya dito pero wala parin...

Sa kabila ng lahat, hindi parin nawawalan ng pag-asa si Calix. Muli niyang pinadalhan ng mensahe ang dalaga gaya ng ginagawa niya araw-araw mula ng mawala ito dalawang linggo na ang nakakaraan.

To : Tammy

Please come back. I miss you. I love you.

Nakarinig si Calix ng katok sa kanyang pinto at agad na pumasok si Ponzi dala ang isang maliit na kahon.

"Nahanap mo na ba sila?" Agad na pambungad ni Calix dito.

"Sensya, wala talaga. Mahirap hanapin ang mga taong ayaw magpahanap" Napailing-iling na lamang si Ponzi. "'Wag kang mag-alala, kung may nasisigurado man ako yun ay hinding-hindi nila sasaktan si Tammy. Calix magpahinga ka muna. Hindi ka nila paalisin dito sa ospital kung mananatili kang ganyan." Giit ni Ponzi kaya napabuntong-hininga na lamang si Calix at napatingin sa kanyang cellphone, naghihintay ng kahit na ano mula kay Tammy.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon