2.
Have you seen her?
Tammy
Freaks.
I'm sorrounded by loud teenage freaks.
Mga teenager ba talaga 'to o mga hayop na nakawala sa mga hawla nila? Sigawan dito, inuman doon tapos yung iba naman, kung sumayaw parang wala ng bukas. Kahit nagmumukha na silang timang, wala silang pake. Ang sakit sa tenga ng napakalakas na musika, palibhasa hindi nagrereklamo ang malalaking puno at talahib na nakapalibot sa amin. Nakakainis, sarap wasakin ng dumadagundong na stereo.
"Looks like someone's not having fun."
Napatingala ako nang may magsalita, Si Jerome pala, ang dating close kong classmate noong senior high. We were inseperable kaso nang tumungtong kami ng college at naging boyfriend ko si Calix, minsan nalang kaming makapag-usap. I really don’t know why but something about him changed too. He used to be popular and had many friends pero ngayon napakatahimik na niya at laging gustong mapag-isa.
Its been awhile since we’ve talked kaya dali-dali akong umusog sa kinauupuan kong sanga upang may maupuan siya.
“We both are right?” Biro ko pero imbes na tumawa ay isinara niya lamang ang kulay itim niyang jacket at isinuot ang hood nito. Okay, Jerome just got weirder.
“Your brother’s having fun with his friends... And Milky." Dahil sa sinabi niya ay agad kong hinanap ang kapatid kong paniguradong kasama na naman ang mga kaibigan niyang ulol.
Hindi ko maiwasang mapangiwi. Gaya ng nakagawian, kasama na naman ng kapatid kong si Dustin ang dalawa niyang kaibigan habang nagpapapansin sa mga babaeng nandito. Sabi pa ni Dustin, chicks hunting daw ang tawag sa ginagawa nila kaso ang problema, ang chick na may itlog lang ang pumapansin sa kanila, si Milky. Kanina ko pa sila naririnig na nagtatakbuhan at nagsisigawan, palibhasa crush na crush ni Milky ang tatlo... wait, lahat yata ng cute guys eh crush niya.
Muli kong napansin si Jerome na nagsalita ulit kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. Sa lakas ng musika, halos di na kami magkarinigan.
"May sinasabi ka?" Tanong ko pero bigla niyang ipinakita sa akin ang isang video na nasa tablet niya.
Nagulat ako nang mapansin kong ako pala ang nasa video at kuha ito kanina nang mag-kwento ako sa mga bata. Hearing the words I said at looking at my creepy face, no wonder natakot ang mga bata. Ang galing ko pala maging storyteller ng horror story. Convincing.
"Sinong nag-video nito?" Tanong ko.
"I dont know but apparently, your video is a hit. This was posted a few hours ago pero andami ng shares at likes sa youtube and look at the comments." Aniya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang halos umabot na nga ito sa 30 thousand, pati mga hindi taga-Crimson lake, naloko ko din. At ang mga nagco-comments, wala silang ibang bukambibig kundi takot at pangangamba.
They believed me.
They actually believed my lies.
BINABASA MO ANG
The girl who cried murder
Mystery / ThrillerRipper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good girl gets tangled to a serial killer's game? Time is ticking as the body count rises, with riddles to s...