10.
Already Dead
Tammy
“Okay na po ba yan Tito?” Tanong ko sa may-edad ng lalakeng mistulang tapos na sa paglalagay ng dagdag na lock at alarm system sa buong bahay.
For the first time nag-cutting classes ako pero worth it naman siguro to.
“Oo hija, wag kang mag-alala kahit multo made-detect nito.” Biro niya at iniabot sa akin ang papel na naglalaman ng password, “Palitan mo lang yan mamaya. Nga pala nasaan ang magulang mo? Biglaan tong pagpapakabit niyo ng system ah?” Dagdag pa niya.
“Out of town po tito kaya medyo priority ko ang security namin ng kapatid ko.” Paliwanag ko at inabot sa kanya ang bayad.
“Ang bait-bait mo talagang bata. Kayo lang pala ni Dustin? Kung gusto niyo, dumaan kayo sa bahay at doon kayo maghapunan mamaya para naman may makasabay si Jerome na kumain bukod sakin." Bigla siyang napabuntong hininga ng mabanggit si Jerome, "Yung anak kong 'yon.... Tammy may naik-kwento ba siya sayong kahit na ano?"
Umiling ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero malamang tungkol to sa pagbabago ni Jerome.
Nang tuluyang umalis ang ama ni Jerome ay agad kong kinuha ang pagkain na niluto ko at nagtungo sa kwarto ko.
Naabutan ko si Calix na natutulog parin sa kama ko kaya inilapag ko na lamang ang tray sa bedside table ko.
He looks like an angel as he sleeps. Seeing him like this is relaxing. Ganito nga siguro ang pakiramdam pag nagmamahal ka. Nakikita mo lang siya, masaya ka na at parang nalilimutan mo na ang lahat ng problema mo. I just we can stay like this forever...
I dont know what got into me but kinunan kinuha ko ang camera ko at kinunan siya ng litrato.
I cant help but to smile as I was looking at the polaroid.
"Didn't know you we're a perv." Napatingin ako sa kanya at nakita kong bahagya ng nakabukas ang namumula niyang mga mata. Matamlay parin siya pero sa kabila nito ay nagagawa parin niyang ngumisi.
"I'm not a perv!" Biglang uminit ang pisngi ko.
"My girlfriend's a beautiful pervert." Aniya at mas lalong ngumisi kaya agad akong napangiwi at napahampas sa paa niya. Sa kabila ng lahat nagagawa parin niyang mang-asar kaya umupo na lamang ako sa gilid ng kama at kinuha ang tray ng pagkain.
"Kumain ka na. Alam kong bukod sa wala kang tulog, hindi ka parin kumakain." Giit ko.
Umupo siya at niyakap ako mula sa likod. Isinandal niya ang baba niya sa balikat ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Anakan kaya kita para hindi ka na maagaw ng iba?" Bulong niya kaya agad uminit ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero pinagtawanan niya lang ako. Sa inis ko ay agad kong pinisil ang matangos niyang ilong.
"Kung ano-ano pinagsasabi mo, sige na kumain ka na." Muli kong giit at inirapan siya. Manyak. Pero okay, aaminin ko kinilig ako to the highest level kahit medyo nakakakilabot ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The girl who cried murder
Mystery / ThrillerRipper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good girl gets tangled to a serial killer's game? Time is ticking as the body count rises, with riddles to s...