Chapter 1 : The Crimson Ripper

264K 7.1K 4.4K
                                    

1.

The Crimson Ripper

Tammy’s Point of View

The last days of Summer in Crimson Lake.

 Ugh. It’s a bummer how fast the world rotates. Parang kamakailan lang kanya-kanya kami ng pagpa-plano sa magiging two-month freedom namin tapos ngayon, ilang araw nalang back to school na naman. Kainis!

I’m a grade conscious person, yung tipong mas gugustuhin kong magkulong sa kuwarto at mag-aral para makakuha ng matataas na grades but I must admit, I really hate school.  Well, hindi naman talaga ang school ang hate ko kundi ang buong lungsod. I mean come on! Who the hell even named this city Crimson Lake?! Pwede namang Crimson City diba? Mas cool pang pakinggan ‘yon para sakin.

Crimson Lake, ang lungsod na napapalibutan ng kagubatan at may iisang mall lang. Walang exciting na mga nangyayari dito. Ni wala ngang krimen na nangyayari dito, not that I’m praying for something bad to happen or anything but its just that… Parang napakalaking kalokohan ng lahat. Bullshit actually, plain and downright bullshit.

 Totoo nga talaga yung kasabihang, perfection is boring.

This town is perfect… too perfect.

It even gained an award for being the most crime-free city dito sa Pilipinas.

But Crime-free city?

That seems faker than Milky’s boobs.

Come on! May city ba talagang walang ka-krimen krimen?

Last month may nabalitaan akong highschool student na nawawala. Sabi nila naglayas lang daw pero I know who that girl was. Nagvo-volunteer siya sa orphanage gaya ko, minsan nagkakausap kami. Kung tutuusin, para narin kaming magkaibigan kaya malakas ang kutob kong hindi siya naglayas. Nakakalungkot lang kasi parang ako lang ang nag-iisip ng foul play sa pagkawala niya.

See this is why I don’t like this place. They only believe in the good things in life. Masyado silang positive mag-isip kaya nagiging tanga sila. Close minded kumabaga.

Pero sa totoo lang, mula nang lumipat kami dito, pakiramdam ko may itinatago ang lahat. Yung mga matatanda dito, kabilang na ang mga teachers, pakiramdam ko talaga sa likod ng mga ngiti nila, may itinatago silang mga sikreto.

Biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko kaya nagbalik ang isipan ko sa reyalidad.

9pm na pala at bilang camp counselor, isa ako sa mga nakatokang masiguradong nasa mga cabin na ang mga bata at natutulog na.

“Tamara Consulacion, a penny for your thoughts?” Umupo siya sa harapan ko at inabot sa akin ang isang tetra pack ng chocolate drink na paborito ko. He really knows how to make me smile and love him even more.

“Nothing new, I’m still hating Crimson Lake. Alam mo naman, Haters gonna hate.” Pabiro kong sambit at bahagyang tumawa.

 “So nagsisisi kang lumipat kayo dito two years ago?” Kunot noo niyang tanong, “Naku, ibig sabihin okay lang sayong hindi tayo nagkakilala?” Aniya habang naka-pout at bahagyang iniyuko ang ulo niya sa wooden table. Nagpapa-cute na naman siya, infareness effective.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon